Writings about classic strokes (1)
1 of 1

Cheating in September 4

Submitted by on July 18, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers, Mature, Romance, One Night Stand | Tags: , , , , ,

Cheating in September 4IKAAPAT - Nakatadhanang Kapalaran

Ni katiting na asukal sa nyebe ay hindi naisip ni Soledad na mahaharap siya sa ganitong punto ng buhay. Pasiwari niya ay ginigipit siya ng matandang konsehal. Nakasipat ng butas upang pagsamantalahan ang nabosong pagkakataon.

Binawi ni Soledad ang kamay nito na maselang hinihipo ng mapangahas na Konsehal. Buong suway siyang bumitaw sa pagkakahawak.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin Ginoong Dutarte?"

"Matalino kang babae Soledad... Alam kong alam mo ang nais kong mangyari kapalit ng iyong hinihiling." tumaas ang isang kilay ni Konsehal.

Bigla namang nakaramdam ng irita si Soledad sa kaniyang narinig. Para sa kaniya ay naging bastos ang tema ng kaniyang kausap.

"Hindi nga ako nagkamali sa lahat ng nasagap kong balita tungkol sa iyo Konsehal. Ikaw nga ay tunay na mananamantala sa mga kababaihan sa ating lungsod..." dahilan upang tumayo si Soledad at lisanin ang bahay ni Konsehal.

Ngunit bago pa niya magawang talikuran ang kausap ay pinigilan siya nito sa pamamagitan ng kaniyang salita, "Pag-isipan mo Soledad. Hindi kita pipilitin, malaya kang umalis ano mang oras mong gustuhin, ngunit tandaan mo na kapag ikaw ay nakalabas na ng pintuang yaon ay hindi ka na makakabalik pang muli, kapag natanto mo na kailangan mo nga ng tulong ko."

Natigilan si Soledad at napaisip ng malalim. Tunay ang sinabi ng Konsehal. Tanging siya...

1