Writings about cheating in september (6)
1 of 1

Cheating in September 6

Submitted by on July 21, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers, Romance | Tags: , , , , ,

Cheating in September 6IKAANIM - Malungkot na Kaligayahan

Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Soledad dahil hindi natuloy ang kaniyang tangkang pagtataksil, sapagkat pagdating niya sa bahay ay nadatnan niya si Samuel na nasa tapat ng kanilang pintuan.

"Soledad? Soledad mahal ko, ako'y nandirito." sigaw nito habang sunod-sunod na katok ang ibinabato sa pinto. Hindi niya alam na ang kanyang asawa ay nakatayo na sa likuran niya at nalulunod na sa sariling luha.

"M-mahal ko..." mababaw na tinig at nasasakdal na boses ang narinig niyang nagsalita sa kaniyang likuran.

Paglingon ni Samuel ay nagulat na lamang siya nang makita niya ang hitsura at gayak ng kaniyang sinisinta. Napabitaw siya sa kanyang bitbit na bagahe at mabilis niyang linapitan si Soledad.

"Mahal ko, ano ang nangyari, bakit ikaw ay umiiyak?" tanong ni Samuel kasunod ay yakap matapos nitong punasan ang luhang dumadaloy sa pisngi ni Soledad.

Gumanti ng mahigpit na yapos si Soledad sa mga kamay na nakagapos sa kanyang katawan, "W-wala mahal ko... Ako'y nagulat lamang at nagagalak sapagkat ikaw ay bumalik na. Ang buong akala ko ay hindi mo na ako uuwian..." naisagot na lamang ni Soledad, ngunit ang katotohanan ay luha ito na idinulot ng matandang konsehal.

"Patawarin mo ako mahal ko kung ako ay ngayon lamang nagbalik. Mangyari ay nagkaroon lamang ako ng kaunting suliranin sa Siyudad ng Maynila..."

...

Cheating In September 5

Submitted by on July 20, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers, Mature, Romance | Tags: , , , , , ,

Cheating In September 5IKALIMA - Taksil!

Ang hindi alam ni Soledad ay sa binabalak niyang gawing kataksilan ay siya na mismo ang unti-unting kumikitil sa buhay ng kanyang asawa. Ngunit pagtataksil nga bang maituturin ang isang bagay na hindi mo naman kagustuhan? Taksil nga ba si Soledad kung ang dahilan ng kaniyang pagtataksil ay ang kaniyang pinagtataksilan?

Hindi nakatiis ang konsehal sapagkat nalalango na siya sa init ng katawan na biglang pumasakanya nang masilayan niya ang kaselanan ni Soledad. Hindi man din makapaniwala na nasa kaniyang harapan ngayon ang pantasya niyang bebot at inilalantad ang katambukan.

Muling kinuha ni Konsehal Dutarte ang kamay ni Soledad at sapilitan niya itong hinala palapit sa kanya. Ikinagulat naman ni Soledad ang biglaang paghablot sa kanya ng matandang matipuno, kung kaya't nawalan siya ng balanse at nadikit ang kanyang tiyan sa mukha ng nakaupong konsehal, kasabay ay napabitaw siya sa laylayan ng suot kaya bumalik ito sa dating ayos.

Sinalubong naman ito ni Konsehal ng kanyang mga kamay na humawak sa baywang ng binibini. Pinisil pa niya ang baywang ni Soledad at pagkatapos ay gumapang ang mga kamay nito pababa sa balakang ni Soledad.

Sa ginagawang pagsalat na ito ay hindi malaman ni Soledad ang kaniyang gagawin. Ang isang kamay niya ay kinikagat-kagat niya ang mga kuko, habang ang kabilang kamay ay nakayakap sa kaniyang sarili. Pinapakiramdaman niya ang bawat salat ni Konsehal Dutarte.

Nararamd...

Cheating in September 4

Submitted by on July 18, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers, Mature, Romance, One Night Stand | Tags: , , , , ,

Cheating in September 4IKAAPAT - Nakatadhanang Kapalaran

Ni katiting na asukal sa nyebe ay hindi naisip ni Soledad na mahaharap siya sa ganitong punto ng buhay. Pasiwari niya ay ginigipit siya ng matandang konsehal. Nakasipat ng butas upang pagsamantalahan ang nabosong pagkakataon.

Binawi ni Soledad ang kamay nito na maselang hinihipo ng mapangahas na Konsehal. Buong suway siyang bumitaw sa pagkakahawak.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin Ginoong Dutarte?"

"Matalino kang babae Soledad... Alam kong alam mo ang nais kong mangyari kapalit ng iyong hinihiling." tumaas ang isang kilay ni Konsehal.

Bigla namang nakaramdam ng irita si Soledad sa kaniyang narinig. Para sa kaniya ay naging bastos ang tema ng kaniyang kausap.

"Hindi nga ako nagkamali sa lahat ng nasagap kong balita tungkol sa iyo Konsehal. Ikaw nga ay tunay na mananamantala sa mga kababaihan sa ating lungsod..." dahilan upang tumayo si Soledad at lisanin ang bahay ni Konsehal.

Ngunit bago pa niya magawang talikuran ang kausap ay pinigilan siya nito sa pamamagitan ng kaniyang salita, "Pag-isipan mo Soledad. Hindi kita pipilitin, malaya kang umalis ano mang oras mong gustuhin, ngunit tandaan mo na kapag ikaw ay nakalabas na ng pintuang yaon ay hindi ka na makakabalik pang muli, kapag natanto mo na kailangan mo nga ng tulong ko."

Natigilan si Soledad at napaisip ng malalim. Tunay ang sinabi ng Konsehal. Tanging siya...

Cheating in September 3

Submitted by on July 18, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers, Romance | Tags: , , ,

Cheating in September 3IKATLO - Ang Paghihintay

Telegrama, o kahit sulat man lang ay walang natatanggap si Soledad mula sa kanyang lumisan na asawa. Nawawalan na siya ng pag-asa para sa pinanghahawakan niyang tiwala kay Samuel. Mahigit dalawang buwan na rin ang lumipas mula noong umalis siya, at mahigit dalawang linggo na rin ang nakakaraan buhat noong masira ang pangakong pagbabalik ni Samuel.

Nababahala na ang kalooban ni Soledad. Paubos na rin ang salaping iniwan sa kanya ni Samuel. Ang iniisip niya ngayon ay kung paano kikita ng salapi upang maitawid niya ang kanyang sarili hanggang sa muling pagbabalik ni Samuel. Oo, umaasa pa rin siya na isang araw ay muling magpapakita sa kanya ang lalaking kanyang pinakamamahal.

Isang araw ay kumatok sa kanyang pintuan si Aling Mirasol. Nang pagbuksan siya ni Soledad ay isa lamang ang unang sumagi sa kanyang isipan,
"Ginang Mirasol, maari po ba akong makiusap sa inyo na kung maari sana'y sa isang linggo ko na lamang po iaabot sa inyo ang singil sa renta?"

"Ah. Nagkakamali ka hija, hindi ako naparito upang maningil ng paupa." habang nagsasalita ay binuklat nito ang hawak niyang pahayagan sa harap ni Soledad atsaka nagpatuloy, "Nais ko lamang ipasilip sa iyo ang nilalaman ng pahayagang ito. Hindi ba't Samuel De Belen ang ngalan ng iyong asawa?"

Biglang kinabahan si Soledad nang matumbok ni Aling Mirasol ang pangalan ng asawa nito. Mabilis niyang tiningnan...

Cheating in September 2

Submitted by on July 17, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers, Romance | Tags: , ,

Cheating in September 2IKALAWA - Mahumaling na Anghel

Hindi naging madali para kay Soledad ang maiwanang nag-iisa sa maliit na paupahang kanilang nirerentahan. Bagaman iniwanan siya ni Samuel ng sapat na halaga upang matustusan ang pangaraw-araw na gastusin niya ay hindi pa rin ito masaya. Para sa kanya ay mas mahirap ang ganitong klase ng pamumuhay. Walang ginagawa kundi magkulong lamang sa bahay at walang ibang iniintindi kundi ang kaniyang sarili.

Isang linggo pa lamang ang lumilipas ngunit inip na inip na siya, at halos masiraan na ng bait sa kakaisip kung babalikan pa ba siya ng kanyang asawa. Pasiwari kasi ni Soledad ay baka niloko lamang siya ni Samuel. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang duda na baka hindi na siya balikan ni Samuel ngayong nakuha na nito ang kanyang pinakaiingatang pagkababae.

Ngunit sa kabila nito patuloy pa ring humuhugot ng tiwala si Soledad sa kanyang nararamdamang pag-ibig para kay Samuel. Kailangan niyang itatak sa kaniyang isipan na tutupad si Samuel sa kaniyang pangakong pagbabalik at magpapakasal sila tulad ng sinalita ng kaniyang asawa bago ang kaniyang paglisan.

"Magandang hapon Binibining Soledad." nakangiting bati sa kanya ng kaniyang kapitbahay na si Mang Berting.

"Maayong hapon po Manong Berting. Ano po ang inyong ipinagparito?" tugon ni Soledad.

"Nais ko lamang na ikaw ay imbitahang dumalo sa amin mamayang gabi. Saluhan mo kaming ipagdiwang ang aking ika-limangpung...

Cheating in September

Submitted by on July 16, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers, Mind Control, Romance | Tags: , , , ,

Cheating in SeptemberPROLOGO

Minsan, kung ano lang ang nakikita ng ating mga mata ay siyang ating pinaniniwalaan, at kung ano lamang ang narinig ng ating tainga ay siyang ating pinakikinggan, kung ano lang ang ating nasagap na balita ay siyang pinaniniwalaan lamang.

At kung kailan huli na ang lahat, doon pa lamang natin natatanto na ang lahat ng ating paratang ay puro kamalian. Bakit kailangan palaging nauuna ang panghuhusga, at bakit ba laging nasa huli ang pagsisisi?

Ito ay isang simpleng kwento lang ng isang asawa na kailangang gawin ang ilang mga bagay kahit labag ito sa kanyang kalooban. Handang isakripisyo kahit na ang kanyang sariling kaluluwa alang-alang sa isang taong kanyang piniling mahalin.

Ngunit makita kaya ng kanyang asawa ang tunay na dahilan ng kanyang bawat pagkakamali, kung ang lagi lang nitong napapansin ay ang mismong huwad na katotohanang bumulag na sa kanya ng tuluyan?

Cheating in September

UNA - Paglisan

-Taong Labing walo't pitongpu't anim.

Mahimbing ang tulog ni Soledad ngunit napalingat siya ng madaling araw nang maramdaman niya ang haplos ng palad ng kaniyang katabi sa kama. Ang kamay ng kaniyang asawang si Samuel na banayad na sinasalat ang pagkababae nito. Ganito talaga siya sa tuwing gusto niyang sumiping kay Soledad.

"Hmm Mahal, alam ko ang salat na yan..." nakangiting sambit ni Soledad kahit nakapikit.

Tumagilid siya upang harapin ang kan...

1