Writings about brokenhearted (1)
1 of 1

Sawi.

Submitted by on September 11, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , ,

Sawi.anoman ang iyong pinagdadaan,
isipin mo na yan ay malalagpasan.
di sinasabi upang ika'y aralan,
kundi nandito bilang isang kaybigan.

oo, iba ang lagay ko sa lagay mo,
pero di 'big sabihing di ako tao,
minsan ngang naging katulad mo din ako-
hindi alam kung san nga ba ako tutungo.

sinubukang hanapin ang pagmamahal,
pakiramdam ko ngang madaming sagabal,
napaisip: ang buhay ay isang sugal;
napagtanto- na isa nga akong hangal.

kahit sa aking masikap na paghanap,
ang pag-ibig ay hindi ko naapuhap.
at wala din sya sa mga alapaap-
paano pa ba akong magiging ganap?

ngunit sa akin nga'y may nakapagsabi,
na unang ibigin ang iyong sarili,
at wag makinig sa mga sabi-sabi,
na ang pag-ibig sa sarili ay mali.

kaibigan ko, nawa'y iyo ngang dinggin,
ang sarili mo nga ang unang mahalin,
at sa paglao'y iyo ding mapapansin-
pag-ibig na hanap mapapasayo din....

1