Writings about boystown (6)
1 of 1

Boystowner (The Love Story Part 6 Finale)

Submitted by on April 3, 2016 (8 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Matapos ang isang linggong honeymoon sa Boracay ay nagbalik na sila Brian at Joanne sa Maynila upang bumalik na sa kanilang trabaho. Na promote bilang senior officer si Joanne samantalang tadtad naman ng order mula sa mga customer ang negosyo ni Brian. Masaya ang mag asawa sa takbo ng kanilang buhay. Pansamantala silang nakatira sa mga magulang ni Brian habang ipinapatayo pa ang bahay nila sa tapat nito.

Dalawang buwan matapos ang honeymoon nila Brian at Joanne ay nakita nila si Leslie kasama ang kanyang anak niyang si Troy sa bahay kausap ang mga magulang ni Brian. Binati naman siya ni Brian at ipinakilala si Joanne.

Brian: Ate Leslie si Joanne nga pala. Asawa ko. Joanne ang Ate Leslie ko.

Joanne: Hi Ate.

Leslie: Hello.

Dito biniro ni Brian ang kanyang ate na nagtatampo siya at di niya sinipot ang kanyang kasal.

Brian: Ate nagtatampo ako sa iyo. Bakit hindi mo sinipot kasal ko?

Leslie: ha? Wala akong natanggap na imbitasyon.

Brian: pinadala ko sa bahay nyo.

Leslie: Brian dalawang taon na kaming hiwalay ni Roy.

Brian: ha? Bakit?

Leslie: nahuli ko siyang may babae. Hindi lang basta babae pero naanakan pa niya.

Ipinakilala din ni Leslie si Troy sa kanila. Siyam na taon na si Troy.

Leslie: ay sya nga pala anak ko si Troy.

Joanne: hi Troy.

Troy: hello Tita Joanne.

Julie: ilang taon ka na Troy?

...

Boystowner (The Love Story Part 5)

Submitted by on April 3, 2016 (8 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: First Time, Romance | Tags:

Matapos malaman na may nararamdaman pa sila sa isat isa ay muli nilang binuhay ang kanilang relasyon. Halos linggo linggo silang magkasama ni Joanne. Minsan nanonood ng sine at kung minsan naman kumakain sa mga gusto nilang kainan, sa karinderia. Laging gulat ni Brian na cowboy na cowboy pa rin si Joanne. Mabilis ding nakasundo ng pamilya ni Brian si Joanne. Di naman kasi mahirap pakisamahan ang dalaga.

Sa kabilang dako naman ay ipinakilala muli ni Joanne si Brian sa kanyang mga magulang sa ikalawang pagkakataon. Tinanggap naman siya ng mga ito lalo na ng ama ni Joanne na si Richard pati na ang madrasta niyang si Berna. Minsan na kasi niyang napagbuhatan ng kamay ang binata at humingi siya ng tawad dito. Akala niya kasi loko loko si Brian pero hindi pala. Hinusgahan niya ito agad dahil gailng siya ng Boystown. Niligawan ni Brian si Joanne hanggang sa makuha nito ang matamis niyang OO. Masaya ang buhay nilang magkasintahan. Mas lalo pang lumalim ang pagmamahalan nila sa isat isa at mas tumibay din ito matapos ang kanilang mga pinag daanan.

Makalipas ang dalawang taon ay inalok na ni Brian si Joanne ng kasal. Hindi naman tumanggi ang dalaga sa kanya. Ipinaalam nila agad ito sa kani kanilang pamilya. Masaya naman sila Rachel at Julie sa kanilang Kuya Brian. Ang buong akala kasi nila ay mauunahan pa nila ito pero hindi pala. Hinintay lang niya ang kanyang "one true love".

Matindi ang preparasyon nila sa kanilang kasal. Simple lang ang gusto nila...

Boystowner (The Love Story Part 4)

Submitted by on March 31, 2016 (8 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Makalipas ang dalawang taon ay naiahon nilang muli ang kanilang negosyo. Nabayaran nila ang kanilang mga utang pero hinahabol pa rin sila ng kanilng supplier ngunit hindi para singilin ngunit para muling bigyan ng mas magandang terms at discount. Naibalik ni Brian ang tatlong set ng alahas na ibinenta ng kanyang ina. Dinoble na niya ang presyo sa pinagbentahan ng nanay niya para maibalik sa kanila. Alam kasi niyang mahal na mahal ito ng kanyang ina.

Pinaayos din ni Brian ang kanilang bahay lalo na't nabili pa nila ang dalawang loteng katabi nito ngunit hinabilin na ng kanilang ama kila Julie at Rachel ang dalawang lupa upang may tirahan sila kapag kinasal na sila. Binili rin ni Raymond ang bakanteng lote sa tapat ng bahay nila. Plano din kasi niyang bumukod kapag ikinasal na siya. Todo kanchaw naman siya mula sa mga magulang hanggang kay Rachel at Julie sa usaping pag ibig.

Julie: kuya masyado ka namang advance. Wala ka pa ngang girlfriend eh.

Brian: alam niyo naman kung sino ang hinahanap ko.

Rachel: bakit di mo ulit subukang hanapin. Malay mo magtagumpay ka na.

Masyang masaya ang pamilya ni Brian at sagana na sila sa pang araw araw nilang gastusin.

Minsan kapag nag uusap silang mag ama at mag ina ay humihingi ito ng pagpapatawad sa kanya ngunit tinatanggihan ito ni Brian. Pilit niyang ipinapahiwatig sa kanila na wala silang kasalanan. Nagpapasalamat pa siya dahil dito siya natutong tumayo sa kanyang sarilin...

Boystowner ( The Love Story Part 3)

Submitted by on March 31, 2016 (8 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Si Brian ang naging chaperon ng dalawa niyang nakababatang kapatid. Hindi naman niya binabawalan ang mga itong magka boyfriend basta hindi nila napapabayaan ang kanilang pag aaral at pinaka habilin sa kanila ni Brian na wag basta basta magpapa buntis. Minsan kung may mga party silang pupuntahan ay sinasama nila si Brian upang masiguradong walang masamang mangyayari sa kanila.

Hindi maramot si Brian sa kanyang dalawang nakakabatang kapatid. Minsan pagkagaling sa eskwelahan ay niyayaya niya ang dalawang ito kumain sa labas at manood ng sine bago umuwi. Pag may nagustuhan silang mga damit, bags, sapatos at kung ano ano pa ay hindi sila nagdadalawang salita kay Brian pwera lang kung sobra na ang hinihingi nila. Basta pangangailangan nila ay hindi madamot si Brian. Naranasan na niyang minsan pagdamutan at ayaw niyang masubukan ito ng dalawa niyang kapatid.

Makalipas ang apat na taon ay nakapagtapos na sila Rachel at Julie. Tulad ng kanilang kuya ay nagtapos din sila bilang Summa Cum Laude. Sa kanilang speech ay pinasalamatan nila ang kanilang Kuya Brian na matyagang nagturo sa kanila. Napapaluha sila tuwing binabanggit ito dahil minsan na nilang hinusgahan ito. Isinantabi din niya ang kanyang buhay pag ibig. Minsan na kasi siyang nasaktan.

Ikinasal na rin ang kanyang dalawang ate na sila Leslie at Eileen. Mayaman ang napangasawa nilang dalawa. Ang asawa ni Leslie na si Roy ay may pabrika ng salamin samantalang ang asawa naman ni Eileen na si Noel...

Boystowner (The Love Story Part 2)

Submitted by on March 30, 2016 (8 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Umuwi si Brian sa bahay nila ngunit imbes na kumustahin ay sinermonan siya ng mga magulang niya pati na mga ate nya. Akala nila ay nakipag basag ulo nanaman si Brian ngunit hindi nila alam na ang tanging kasalanan lamang niya ay ang umibig.

Tatay: ANO ITO? KAKALABAS MO LANG NG BOYSTOWN BASAG ULO KA NANAMAN? ANO BA TALAGA PROBLEMA MO?

Brian: Dad hindi naman ako nakipag basag ulo eh. Nagmahal nang naman ako.

Tatay: LINTIK NA PAGMAMAHAL YAN! PASOK SA KWARTO MO!

Pumasok na sa kwarto si Brian at inilabas ang sama ng loob sa pag iyak. Kumatok naman si Rachel at Julie upang kumustahin siya.

Rachel: Kuya papasok kami ni Julie ha.

Brian: tuloy lang kayo.

Rachel: kuya ano ba nangyari?

Brian: umibig lang naman ako Rachel, Julie. Pero ginulpi ako ng ama niya nung malaman niyang taga Boystown ako.

Ipinakita ni Brian sa kanyang dalawang kapatid larawan nila ni Joanne na kuha sa isang sikat sa photo studio.

Rachel: ang ganda niya kuya.

Julie: oo kuya ang ganda niya.

Rachel: kuya balang araw magkakatuluyan din kayo.

Niyakap nila Julie at Rachel ang kanilang kuya matapos marinig ang kwento ng kanilang kuya. Dito naramdaman ni Brian na may nagmamahal pala sa kanya. Sila Rachel at Julie.

Nagsimula na ang pasukan at dito sinimulan na ni Brian ang pagsusunog ng kilay. Toka na din niya ang paghatid sundo sa mga kapatid niya dahil on the way din...

Boystowner (The Love Story Part 1)

Submitted by on March 30, 2016 (8 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

(Paalala: Ang mga kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tauhan, lugar at pangyayari na nakapaloob sa kwentong ito ay hindi sinasadya at pawang aksidente at nagkataon lamang. Kung nabasa ninyo ang Boystowner series ko eto naman ang love story version. Walang masyadong sex na kasama ang kwentong ito tulad nung nauna kong obra. Sinubukan kong isiksik ang sex sa istorya nung nauna upang taasan ng libido ang mga masugid nating taga subaybay.)

Pangatlo sa limang magkakapatid si Brian at siya lamang ang nagiisang lalake sa kanilang magkakapatid. Di mo masasabing mayaman ang pamilya nila pero may kaya naman sila. Malakas ang kanilang wholesale ng grocery at appliances at isa sila sa pinakamalaki sa Metro Manila.

Sobrang pilyo siya nung elementary siya kaya laging pinapatawag sa Principal's Office ang mga magulang niya dahil sa kanyang mga kalokohan. Malayong malayo sa apat niyang kapatid na honor student na sila Leslie, Eileen, Rachel at Julie.

2nd year Management student si Leslie sa Ateneo samantalang si Eileen naman ay 1st year Marketing Management sa La Salle . Ang kanyang mga mas nakakabatang kapatid naman ay nasa honor roll. Grade 4 na si Rachel samantalang grade 2 naman si Julie. Nangako naman si Brian sa kanyang mga magulang na magpapakatino na sa high school pero di siya pinaniwalaan. Dagdag pa ang pag sulsol nila Leslie at Eileen sa mga magulang nila. Ipinasok siya ng mga ito sa Boystown upang magbago.
...

1