Writings about bitter (3)
1 of 1

Moving on

Submitted by on October 23, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , ,

Moving on

Moving on o mag move on
Madaling sabihin pero napakahirap gawin
Ito yung mga panahong madalas ikaw ay tuliro
At hindi mo alan kung ano ba ang dapat gawin

Yung feeling na hindi mo na kaya sa bigat
At sakit na nararamdamn ng iyong damdamin
Mga panahong ayaw mo nalang magising
Dahil alam mo pag gising mo wala kang magagawa
Oo wala, wala kang magagawa kundi ang sakit ay tiisin

Mga panahong bigla nalang tutulo ang iyong mga luha
Sa tuwing naaalala mo siya
Yung sobrang miss na miss mo na siya
Habang siya ayun masaya na sa iba

Yung tipong ang sarap mag wala!
Dahil alam mong wala kanang magagawa
Yung bigla mo nalang mararamdaman yung mga halik
at mga yakap nya

Mga panahong maaalala mo yung mga masasaya nyong pagsasama
Mga panahong pilit na pilit yung ngiti mo
Dahil deep inside basag na basag ka
Mga panahong maaalala mo na dati ikaw yung dahilan ng mga ngiti nya

Mga panahong gusto mo mapagisa
Pero ang totoo gusto mo lang ulit siyang makasama
Mga panahong hindi mo alam kung paano, saan at kailan ka mag uumpisa
Mag uumpisang alisin yung nararamdaman mo para sakanya

Di mo alam kung  paano ba siya maalis sa isip mo
Dahil nung mga nakaraang araw, buwan at taon siya na halos ang naging buhay mo
Yung bigla ka nalang mapapatanong sa sarili mo
Kung bakit kailangan pang umabot sa ganito

...

Kape... Mainit.... Mapait.... sa Tamis ng Tulay ng Pag-ibig

Submitted by on October 28, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: First Time, Romance | Tags: , , ,

Kape... Mainit.... Mapait.... sa Tamis ng Tulay ng Pag-ibigSa tulay ng Lambingan, madalas abangan ni Ben si Mercy, pagka graduate pa lang nila ng High school ng simulan nyang suyuin at ligawan. Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin nya makamit ang matamis na Oo nito. Napatunayan naman na ni Ben ang kakayahan sa buhay nakapag trabaho na ito sa mga kilalang kumpanya at masasabing pwede nang magkapamilya. Ngunit, hindi malaman kung ano ba ang ayaw ni Mercy kay Ben para hindi sagutin ito o tapunan ng pansin ang pagpapahalaga sa kanya ng binata.

Si Mercy ang tanging babaing nasa puso ni Ben, matalino sa klase noong panahon nag-aaral pa sila, maraming humahanga pero ni isa walang sinagot sa sino mang manliligaw. Karamihan ng kaibigan nito inaakalang may pagka Man Hater, ngunit sa totoo pihikan talaga si Mercy. Masyadong matayog ang pangarap, ngunit sa tayog ng pangarap nya marami ang nagatataka kung bakit napako lang siya sa pagiging kahera sa isang banko sa kanilang bayan.

“Hi Mercy, Naka nagmeryenda ka na ba?” tanong ni Ben nang salubungin nito sa paglalakad sa Lambingan Bridge si Mercy galing sa trabaho.

“Salamat, nakapag meryenda na ako sa banko.” Diretso lang ang tingin at di man lang tapunan ng tiningan ang kausap.

“Sya nga pala may magandang balita ako sayo, may nag offer sa akin na makapag trabaho sa Australia, malaki ang sahod pati mga benipisyo, kaso nagdadalawang isip ako eh” excited ngunit nagugulihaman na ikinuwento ni Ben kay Mercy ang magandang balita.

“Magan...

Not Worth One for Me

Submitted by on July 12, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Mature, Supernatural | Tags: , ,

Beep.. beep… (cp’s message tone)

Freddie: “Nasaan ka na ba?!?”

Ellaine: “Malapit na….”

Freddie: “Kanina pa yang malapit mo, isang oras na ako nag hihintay dito”

Ellaine: “Grabe ka naman isag oras eh una pa akong umalis sayo sa office ko”

Freddie: “Eh nasan ka na ba kasi?”

Ellaine: “Sa may traffic light na”

Freddie: “Putsha! Maglakad ka na kaya!!!”

Naging boyfriend ko si Freddie nasa 3rd year college na kami. Kilala siya, di lang sa school naming maging sa ibang eskwelahan. Player ng basketball ng aming university, dahil vasity siya half ng kaniyang tution ay free. Dahil nag bibigay karangalan sa eskwelahan namin, sikat siya dilang sa mga estudyanteng tulad ko, maging professor, school admin, at ulti mo vendor sa labas ng campus kinikilig sa kanyan.

Sino nga ba naman di kikiligin sa kagwapuhan niya, galing mag dala ng damit at maging sa paglalaro ng basketball. Kaso di ko maintindihan kung bakit kung minsan madali maubos ang pasensya nya sa labas ng court. Lalo na pagkami na lang dalawa ang magkasama. Ang dali nya mapikon sa mga biro ko, ang layo layo ng character niya sa pagiging MVP pag kami na lang magkasama.

Dati rati nakakasalubong ko lang naman sila sa field, sa hall way, sa gym, sa cateen kahit sa bookstore ng campus. Deadma lang ako sa kanila noon ganun din si Fredd...

1