Writings about Badass (1)
1 of 1

Carnal

Submitted by on October 7, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags:



Chapter XI: Confession!

Dumaan ang mga araw na hindi ako pinapansin ni ma'am Chello maliban lang sa trabaho pero hanggang doon lang na tila nanlalamig na siya sa akin kaya naisip ko baka dun sa pagtawag ko sa kanya ng "hon" kaya ako iniignore niya. Sabay parin kaming naglalunch ni Melissa na lalo lang itong lumalambing sa akin at pinapaalala pa sa akin ang date namin sa friday "dapat magsuot ka ng formal wear Dave sa date natin, natural date yan eh" sabi niya sa akin. "Pwede naman itong suot ko di ba?" tanong ko sa kanya dahil naka long sleeves at tie naman ako "oo, pero yung iba naman" sabi niya "anong iba?" "yung ibang style naman" sabi niya sa akin na di ko alam kung ano ang gusto niya.

"Basta ako ang bahala" sabi niya na pumayag narin ako sa gusto niya para di na ito mangungulit sa akin, pagbalik namin sa office nakayakap pa siya sa balikat ko nung dumating kami sa receptions area. "Uuyyyy.." narinig namin sa mga kasamahan niya na nakita ko pang nag blush si Melissa at napahiya tuloy ako "balik-balik na ako sa trabaho" paalam ko sa kanya "sige, ingat ka" nakangiting sabi niya sa akin. "Ang sweet niyo naman" sabi ng isang kasamahan niya "uy hindi ha! hehehe" natutuwang sabi ni Melissa sa kanya na kita ko pang kumaway siya sa akin nung papalayo na ako sa kanya. Sinadya kong dumaan sa office ni ma'am Chello para tingnan siya pero na...

1