Writings about babae (1)
1 of 1

Ang Tarugo ni Berto 4

Submitted by on March 15, 2016 (8 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Fetish, Wife Lovers, Mature, Mind Control | Tags: , , , ,

Ang Tarugo ni Berto 4Malayo talaga ang pinagkaiba ng Maynila kaysa sa kanilang probinsya. 

Hindi makatulog si Berto sa unang gabi niya sa tahanan ng mga Pabor. Hindi siya
sanay sa malambot na kama.Hinahanap ng kanyang katawan ang init ng banig at lalo
na ay naninibago siya sa aircon.

Ang mas mabigat na dahilan para hindi siya dalawin ng antok ay ang eksena ng kanyang
pamamaalam sa mga kababayan sa Sitio Mabungga.Halos isang buong Sitio nila ang
kumakaway na namaalam sa kanya.Naging sari-sari din ang mga ibinigay
sa kanya ng mga ka-Sitio bilang pabaon sa kanyang pagalis.Nakatanggap siya ng isang
bayong na sariwang gulay, isang galon ng sariwang tuba at mga binalot na tuyong
hipon pati na tapang usa.

Pinakanakakalungkot sa lahat ay ang alaala ng kanyang Tatang Celio na tanging
nagpalaki sa kanya hanggang sa siya ay umabot sa gulang niya sa ngayon na dise otso.
Ulila na si Berto sa ina, nagiisa lamang siyang anak.

"Makakabuti ang pagsampa mo sa Maynila bilang hardinero ni Doktora,anak..sa Maynila
maaabot mo na ang iyong pangarap..malayo sa kahirapan na meron tayo dito sa ating
mahirap na probinsya.." umiiyak na pamamaalam ng kanyang Tatang.

Naging sobra din ang pasasalamat ng mga taga Sitio para sa medical mission na
isinagawa ng grupo nina Doctor Sheryl sa kanilang lugar, tumanggap din sila ng
mga pasasalamat mula sa mga tao. Bago umalis ay may isang ta...

1