Writings about alaala (1)
1 of 1

Pagbabalik Tanaw

Submitted by on August 24, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , , , , , , ,


Ito ay kathang-isip lamang ng malikot na pag-iisip ng may akda. Anumang pagkakatulad ng pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya.

_ _ _ _ _ _ _ _ _

Mula sa kinatatayuan ng lalaki tanaw n'ya ang kagandahan ng siyudad. Nguni't malayo ang kanyang tingin at kakikitaan mo ng lungkot ang kanyang mga mata. Para bang may malalim na iniisip. May inaalalang nakaraan.

Makikita sa kanyang tindig na isa syang kagalang galang. Moderno at mamamahalin ang kasuotan. Masasabing isa syang asensadong lalaki. Sa edad na 35, si Alan ang may ari na isang kilalang contruction company sa bansa.

Ngayon ay nasa penthouse sya ng gusaling kanyang pagmamay-ari din, kung saan dito sya nag oopisina.

Nagsimula ang lahat sa pagmamatyag lamang. Binabasa nya ang mga istoryang isinulat at bawat komento ng isang babae. Isang babae na miyembro din ng "social media site" na kanyang kinabibilangan. Hindi nya nawari subalit nagkaroon sya ng paghanga sa pananaw ng babae. Hanggang dumating ang pagkakataon na sya ay magkomento na rin at sumali sa palitan ng opinyon sa kung anumang kanilang pinag uusapan.

Naging masugid syang taga sagot sa bawat opinyon ng babae.

At ito ang nakatawag pansin kay Mia, ang babae sa likod ng "nickname".

Humanga din sya sa lawak ng pag-iisip ng lalaki na laging sumasagot at nakikipagpalitan ng opinyon sa kanya.

Isang araw nakatanggap ng isang pribadong mensahe si Mila mula...

1