Writings about against all odds (1)
1 of 1

I Was There II

Submitted by on February 9, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: First Time | Tags: ,

"Oh where have you been?"tanong sakin ni Tori.

Kausap pa rin niya si Franz.

"Looks like nagkakaigihan na kayong dalawa."biro ko kay Tori.

"Mukha ba?"masayang sagot ng kaibigan ko.

"Nagkakaigihan saan?"bawi ni Franz

"Well...bagay kayo ni Tori. May malaking piggery at poultry siya sa Cavite."

"So? What does it have to with Tori and I?"halatang inis na tugon ni Franz sakin.

Tumawa naman si Tori. Batid niyang napikon si Franz sa sinabi ko. Nagsalitang muli si Franz...

"If you're implying na nagkakaigihan kami in a romantic way. Then hindi ako mag-aaksaya ng oras ko dito sa bahay mo. Aayain ko siya outside, to a place god knows where."naiinis
na sabi ni Franz sakin.

"In heaven? Dadalhin mo ako sa langit Franz?"nang-aakit na biro ni Tori.

Sa inis ni Franz ay umalis na lang ito bigla. Hindi na ito nagpaalam sa amin ni Tori.

"Ginalit mo kasi. Ayan tuloy umalis."sisi sa akin ni Tori.

"Okay lang. Ikaw din kaya. Makulit din kaya yun parang stalkish na nga kung minsan."

"Nagtataka ako sayo Alice. Bakit ayaw mo sa kaniya? Halata namang gustong-gusto ka nun?"

Hindi ako nakakibo . Nakadama ako ng guilt sa sinabi ko kay Franz. Mabait din naman talaga siya. Kaya lang hindi ko talaga siya mahal. Nagsalitang muli si Tori...

"Bakit Alice, may ibang nagpapatibok ba sa puso mo?"

Nakatingin ako kay Jerome. Siya naman...

1