The Pastor's Wife

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Wife Lovers · Tags:
Date: February 25, 2018 (4 months ago)


Ako si Rocky. Isang propesor sa isang pampublikong unibersidad dito sa Nueva Ecija. 29 years old at my asawa.
"Pssstt...." Ito ang tunog na narinig ko mula sa aking likuran isang Linggo ng umaga habang ako'y nasa loob ng isang kapilya kung saan ako'y isang aktibong miyembro. Hindi ko binigyang pansin ang aking naririnig na 'yon.
Ni hindi man lang ako nagkaroon ng motibo na lumingon. Maya-maya pa'y may lumapit sa akin na babae. Ang asawa ng pastor na destinado sa kapilyang kinabibilangan ko. Inabot niya sa akin ang isang papel. Isang papel na pamilyar sa aking paningin. Dito nakasaad ang pagkasunud-sunod ng mga gawain sa kapilya para sa araw na 'yon.
"Salamat po" ito ang mga salitang binitiwan ko pagkatanggap ko ng papel na 'yon. Ngumiti ang babae tiningnan ako ng malagkit saka umalis.
Ilang sandali pa ay tumunog na ang piano at nagsimula nang maglakad papuntang altar ang pastor at lahat ng involved para sa araw na 'yon. Nagsimula na rin ang pagkanta ng bawat isa.
Sa kalagitnaan ng aktibidad na iyon ay kailangan kong ibuklat ang pahina ng papel na ibinigay kanina ng asawa ng aming pastor. Laking gulat ko nang mabasa ko ang nakasulat sa pahinang iyon. Isang sulat kamay gamit ang itim na tinta.
"See you in our meeting place tonight at 7:30. Doris." Si Doris tulad ng sabi ko ay asawa ng pastor na destinado sa aming lugar. 41 years old. Maputi. Mas matangkad ng bahagya sa pangkaraniwang height ng isang Filipina. Wala pang anak. At isang nurse. Iniisip mo ba na may ginagawa kaming kababalaghan? Kung gayon ang masasabi ko lang ay tama ka. Matagal na kaming magkalaguyo. Paano nagsimula? Pwes makinig ka at namnamin mo ang bawat sasabihin ko para malaman mo kung paano namin sinimulang buuin ang makasalanan naming mundo.
Isang hapon ng araw ng Sabado noon at ako'y papasok na sa bathroom nang may narinig akong tumatawag sa pangalan ng asawa ko. Nakatapis lang ako noon. Tinungo ko ang amin pintuan para tingnan kung sino ang tao na isinisigaw ang pangalan ng aking asawa.
"Kayo po pala ate Doris. Tuloy po kayo." pag-aaya ko sa kanya.
"Nandiyan ba si Rina, Bro?" tanong niya sa akin. "Yayayain ko sana siya sa birthday party ng anak ni Sister Liza" mabilis nitong dagdag.
"Pumunta ng grocery ate e. Pero siguro parating na yun" sagot ko naman sa kanya. "Pasok ka na lang muna ate at itetext ko siya para sabihin na hinihintay mo siya" alok ko ulit sa kanya na siya namang pagpayag niya. Medyo nahihiya pang tumingin sa akin si Doris dahil tuwalya lang ang nakapulupot sa ibabang bahagi ng akung katawan.
Pagpasok na pagpasok namin sa bahay ay tinext ko na agad ang aking asawa at sinabing hinihintay siya ni ate Doris. Agad namang nagreply si Rina at sinabing mga 30 minutes pa siya sa grocery. Gayunpaman ay desididong mag-antay si ate Doris dahil wala daw siyang kasama pupunta sa birthday party. Nauna na daw kasi ang kaniyang asawa kasama ang mga opisyal sa kapilya.
"Ate wait ka na lang sandali ha? Anong gusto mong maiinom?" tanong ko sa kanya. Ngunit tumanggi siya dahil birthday party daw pupuntahan nila at tiyak naman na mapapakain sila dun.
"So, maiwan din muna kita sandali ate at maliligo lang ako" sabi ko sa kanya at agad naman itong tumango.
Nagtungo na nga ako sa bathroom at naligo habang nasa sala naman si Doris na naghihintay sa pagdating ng asawa ko.
Pagkatapos kong maligo ay paakyat na sana ako sa hagdan papunta sa room naming mag-asawa ng nakita kong tutok na tutok sa pagbabasa ng magazine si Doris. Bigla kong naalala na inipit ko sa magazine na hawak niya ang manuscript ng isang kuwentong sinulat ko tungkol sa relasyon ng isang babae at lalaki na mayroong asawa. Ang kuwentong iyon ay punung-puno ng maiinit na eksena na siguradong magpapadarang sa tinatagong libog ng sinumang makakabasa. Nangamba ako na baka makuwento ni Doris sa kanyang asawa ang tungkol sa sinulat ko. Dali-dali akong umakyat patungo sa room namin ngunit hindi na rin ako napansin ni Doris dahil sa sobrang pagkakatitig nito sa nakaipit sa magazine na yun. Hindi na ako muling bumaba dahil nakaramdam ako ng hiya.
Hindi nagtagal at dumating na rin ang aking asawa. At gumayak na papuntang birthday party.
"Bro Rocky aalis na kami. Hihiramin ko muna si Sis Rina ha?" sigaw ni Doris mula sa baba. Nahihiya man ako...

About the Author :

Joined: October 11, 2013 (4 years old)
Writings: 7
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
GOVERNMENT WARNING: NEVER ABUSE SEX NOR LET SEX ABUSE YOU. TOO MUCH SEX KILLS.

Suggested writings:

3  ·  8  ·  2  ·  6,853
 · 

Comments
somebodyuused2know
February 25, 2018 (4 months ago)

Bilib ako sa tagalog vocab mo. This is a new story and based on the initial chap, exciting siya. Pero sana po masundan na din ng Part 3 ang una ninyong kwento. Thank you.

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
watchingoverme
February 26, 2018 (4 months ago)

Yes! Cheating story. Aabangan ko ito! Thanks, Author!

You Want It Too

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
orlando
March 2, 2018 (4 months ago)

ang tagal naman ng kasunod..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
bryx23
March 18, 2018 (3 months ago)

Wala naba karugtong?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
orionblaze000
April 2, 2018 (3 months ago)

Saan na kasunod?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
mrromantico
April 10, 2018 (3 months ago)

Saan na kaya ang kadugtong nito?  Cant wait.. hehe

P.s

Somebody pa add po..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
Krasny
April 20, 2018 (2 months ago)

Sana masundan mo na eto author!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
raven1396
April 30, 2018 (2 months ago)

Author Adam na ung kasunod...bitin nman

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment