What if Part 2

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Romance · Tags: ,
Date: July 11, 2018 (8 days ago)


May 9 sa opisina lagpas alas onse at nagiisip na kaming magkakadepartment saan kakain ng lunch ng magring ang telepono sa lamesa ko.

Claire, punta ka dito sa reception at may delivery for you. Receptionist naming si Michelle.

Beshie, sanay ka naman tumanggap ng delivery for me...anong bago? San pala tayo maglunch?

Ay! Iba ito. Parang kadugtong nung last month dali na!!!! Mas importante ito sa lunch at baka mabusog ka na agad.

Ibinaba ko na lang ang telepono at naglakad papunta ng reception. May lalaking may hawak ng mahabang kahon ng bulaklak na nakangiti sa akin. Ipinakita nya ang laman ng box at nanghina ang aking tuhod. It was my ultimate dream ligaw flower...3 long stemmed peach tulips na iba iba ang maturity...isang full bloom, isang kakaopen lang at isang tikom pa. After makita ang aking pagkagulat ay lalo napangiti ang lalaki sa aking harapan.

Ms. Claire, papirma po dito.

Pinirmahan ko ang form at iniabot nya sa akin ang kahon ng bulaklak.

Dali dali naman itong umalis na samantalang ako ay tulala pa sa hawak ko. Totoo ba ito? Di ba ako nananaginip?

Wala sa sarili akong humarap kung saan naglakad yung nagdeliver na parang may gusto akong tanungin...

BESHIE!!!!

Oist! Anu ka ba! Mababasag tenga ko sayo e.

E kasi naman! Basahin mo na ulit yung card...dali! Pangungulit ni Michelle.

Alam kong pareho kami ng iniisip na malamang ay iisa ang nagpadala nito sa nagpadala ng sunflower last month. Kinuha ko ang card ay binasa ito ng rinig ni Michelle

Dear Claire,

You are probably wondering who am I at the same time freaking out that you have a stalker who knows your favorite flowers, your apartment and work addresses. Just to assure you that you know me very well too. Or at least I hope you still do.

Hope to see you soon.

Hugs and kisses,
Your possible lover

Besh!!!! Ipit na tili ni Michelle hindi ay baka masisante na sya ni boss sa ingay nya.

Nang wala ako reaction ay...

May hindi ka pa yata naikukwento sa akin Beshie. Sino yan? Pero like ko ang confidence nya. Tantya ko ikaw titiklop dito girl. Sya yung tipong di mo kaya kahit pa napakadominante mo hahahaha

Ewan sayo. Dahil dyan...ikaw mag-isip san mo ako itreat ng lunch.

Sa matalim kong tingin kay Michelle ay alam nyang di ako nagbibiro at nainis nya ako sa mga hirit nya.

-----

June 13 alas singko y medya ng hapon. Katatapos lang ng presentation ko sa prospective client namin sa for a teambuilding activity nila at kasalukuyan akong nagliligpit ng conference room ng pumasok si Michelle at dali dali ako hinila papunta ng reception.

Pagdating sa reception ay may nakita akkng nakatayong bouquet of white calla lily na nakatali ng red ribbon sa ibabaw ng lamesa ni Michelle. Tiningnan ko sya na nakakunot ang nuo ko...

Yes Beshie same delivery company, kadadating lang 15 mins ako. Gusto ko sanang ikaw na lang tumanggap pero di ako sure what time ka matapos sa loob. And wala ako napiga sa kanila when i asked kanino galing or even saan kasi mukhang lahat ng bulaklak ay imported. Even yang simpleng bouquet mo.

Hinawakan ko ang bouquet at hindi namalayang tumulo ang luha ko.

Langya naman e! Renz walang gaguhan! June na...dream month to get married. tapos diba ito yung tinuro kong bouquet na gusto ko?

Gaga! Ano yun? Feeling mo si Renz yan e alam nga nya humahagulgol ka kapag April 9.

E sino pa Beshie? Even ikaw nga diba di mo alam na ito ang isa sa gusto kong wedding bouquet?

Malay ko ba. Buksan mo yung card, baka may clue n ngayon. Baka naman may nakafling ka nang hindi namin alam after all these years Besh!

Isa ka pang buang ano? Wala pa din clue. Ayan kahit ikaw pa magbasa...

Dearest Claire,

Sorry late na ang bouquet. Alam kong June 9 sana ang gusto mong wedding date k...

About the Author :

Joined: March 24, 2017 (1 year old)
Writings: 30
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Description:
Don't love me 'cause I'm beautiful (kapal muks lang) Love me 'cause I'm crazy!
Signature Text:
To love is a decision.

Suggested writings:

1  ·  4  ·  0  ·  2,426
 · 

Comments
B
bebok
July 11, 2018 (7 days ago)

Ganda otor tuloy mo lang....

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Shymalandi
Monday, 16 July 2018 (3 days ago)

itutuloy po...paunti-unti

To love is a decision.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
cunTrina01
Saturday, 14 July 2018 (5 days ago)

Enticing. First one is also enticing, hope the third part holds the climax nau :)

Smile :)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Shymalandi
Monday, 16 July 2018 (3 days ago)

hope you liked the 3rd part pero di pa ending

always looking forward sa commenta mo dear

To love is a decision.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Latest Writings