What If?

July 18, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

In the end we only regret the chances we didn't take, the relationships we were scared to have and the decisions we waited too long to make. There comes a time in your life when you realise who matters, who doesn't, who never did and who always will.

Kelan mo nga ba maiisip ang mga maling bagay na nagawa mo? Ang mga pagkakataong pinalampas mo? Ang mga taong hinayaan mong umalis? Ang mga maling salitang nasabi mo? Ang lahat daw ay nasa huli. Kung minsan maiisip mo lang ulit ang mga bagay na ito kapag nagawa or naranasan mo na ulit.

Maaaring maraming tao ang sumubok magparamda sayo or sabihin na nating gusto kang mahalin, pero pinalampas mo, minsan nga ikaw na yung gumagawa ng way para hindi ka niya magustuhan. Sa una naiinis ka kasi mapilit pa rin siya, pero kapag tumigil na sa pangungulit parang hinahanap mo narin. Dadaan ang ilang araw, linggo, buwan, or taon, mawawala na siya sa isip mo. Pero darating yung minuto na sasagi siya sa isip mo. Yung tipong out of no where siya yung naalala mo. Katulad ngayon...

Medyo matagal na rin nung makilala ko siya dito, hahaha, corny na to promise, you may stop reading ^_^.
Nung una mag cha chat, whisper, mangungulit. Dun nga siguro nagsimula yung reputation ko dito sa fss na mataray, perfectionist, masama ang ugali..Siguro nagsawa na rin siya sa kakasabi ko ng mga below the belt na terms, aminado naman ako dun. Ewan ko ba, kapag ramdam ko na gusto ako ng isang tao, trip ko na awayin yung taong yun. Lumalabas yung pagiging perfectionist ko. (Ilang past relationship na rin yung hindi nag work dahil dun) Pero unconsciously, hinihintayko pa rin yung taong yun  na bigalang mag message ng hi or smiley sa akin, hahaha. Pero alam na din niya ang reply ko is either "huh" or "?". 

Hayyy, para akong pasahero na nag aabang ng masasakyan. Ang dami nang dumaan, may jeep, tricycle, bus, etc. pero ayaw kong sumakay. Pero pagnakalampas na parang gusto ko namang habulin. Gusto kong balikan niya ako sa sakayan kasi andun lang ako naghihintay.  Gusto kong sanihin niya na okay lang ma delay yung byahe niya basta hihintayin niya akong mag decide. Ang hirap kasing sumakay kung alam mong may taong kang maiiwan. Madaming nang hindi nakapag hintay, madami ang hindi nakatiis. Lahat sila naintindihan ko. Ako naman yung pumiling maiwan ng byahe. Ako yung pumili na sa iba sumakay na kasama ang ibang pasahero. Pero paano kung sa kalagitnaan ng byahe e iwanan ka ng katabi mo? Bababa ka ba or tutuloy sa byahe kahit pagdating sa dulo ay mag mag isa ka na lang? 

Sa pagkakatao... Read More

About the Author :

Joined: April 3, 2014 (2 years old)
Writings: 4

Send PM · Female · Offline

I eat (if in the mood)
I pray (i always try)
I love (in my own way)
9 comments   0 favorite   784 views