What Happens in Bali, Stays in Bali (Chapter 1)

January 10, 2016 (10 months ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Good day mga ka FSS! First time ko po magpopost dito. Actually, kasalukuyan ko pong isinusulat ang Romance Erotic ko na story kaso hindi ko po matapos tapos kaya naman gusto ko lang ibahagi sana sa inyo ang isa kong tapos nang nobela na malapit na pong maging isang ganap na libro. Hehehe. Gusto ko lang po malaman kung anong magiging reaction niyo. Typical na Romance po ito and wala po itong sexy scenes or bed scenes.. Hehehe.. Sana po ay magustuhan niyo. :)

Sa tagal ko na pong member dito, palagi lang ako nagbabasa ng mga gawa ng ibang members.. Ngayon lang po talaga ako magbabakasaling magpost ng story ko. Sana po may makabasa kahit walang halong bed scenes for now. Hihi!

Eto na po ang Chapter One. Enjoy reading! :)

Chapter One

Isang Quality Analyst sa isang kilalang BPO Company si Sofie. Her work demands a lot of her time because they need to listen to all of the calls of their agents to make sure that they are giving excellent customer satisfaction to their guests over the phone. They are servicing US and UK Clients that’s why they’re working on a night shift and sometimes graveyard shift. She’s been with the company for almost four years already kaya naman masasabi niyang stable na rin ang peg niya kahit papaano. She started working in this industry when she was 18 years old as a part time agent. Nag aaral pa kasi siya that time ng college and she’s struggling with her finances kaya naman ng sabihin ng isang kaibigan niya na may mga BPO na tumatanggap ng college students, agad siyang nag apply and natanggap naman siya after how many failed interviews. Gabi ang shift niya sa Three Gee’s Cruise. Isang kilalang call center na ang campaigns lang ay puro travel.

At first, wala talaga siyang idea sa kung ano ba ang meron sa mga call centers dahil bigla nalang itong nagsulputan sa Pilipinas and lalo pa ngang dumadami every year. Out of curiosity, she tried to apply and have been rejected for almost ten times bago niya naisipang magpaturo sa English Professor niya ng mga tips on how to pass the Call Center Interviews. After one week of lecturing, nagawa niyang makapasa sa Three Gee’s and para sa kanya, isa ang call center agent job na may pinaka masayang buhay.

Bakit? Kasi hindi ka normal. Kumbaga sa iba, bampira ang tawag sa kanila dahil tulog sila sa araw at gising na gising naman sa gabi. And not only that, sobrang bilis ng promotion and the salary, panalo ka talaga lalo na kapag hayok ka sa OT. Lalo na kapag rest day OT pa. Karamihan sa mga kasama niya ay ganoon ang ginagawa during December. Sa month na yan kasi maraming holidays and syempre double pay yun. Minsan nga triple pay pa. Dahil doon ay nagawa niyang makapag ipon and at the same time ay makapagbigay sa mga magulang para sa mga gastusin sa bahay.

Sophia Marielle was the youngest among three siblings. Yung kuya niya na si Bryce Gerald ay isang seaman at yung ate naman niyang si Brianna Sapphire ay isang Online English teacher. Ang ate Brianna lang niya ang maagang nag asawa at pagkatapos lamang ng isang taon ay naghiwalay rin ang mga ito. Ang kuya naman niya ay engaged to be married na dapat pero hindi natuloy sa hindi niya malamang dahilan.

At siya? Hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang hinahanap ang kanyang prince charming na naligaw na yata at sa ibang daan napadpad. Hindi dahil wala pa siyang nagiging boyfriend ay hindi na siya nakikipag date. She dated some of her suitors pero wala talaga siyang makapang spark or chemistry between them. Sabi nila kasi, once you’ve met “The One”, mararamdaman mo iyong tinatawag na sparks and butterflies all over your stomach. Eh siya, hindi niya maramdaman eh. Kaya naman they always ended up as her friends. Grateful naman siya dahil dumadami ang mga kaibigan niya.

This is her last day of work for this week dahil approve na ang kanyang Vacation Leave or VL for short. One week din siyang walang iaaudit na calls mula sa mga ahente nila na kadalasan ay out of this world ang pinagsasasabi kay customer. Nakakatuwa lang isipin na magtatagal siya sa ganoong propesyon to think na AB Liberal Arts ang kursong natapos niya. She can be working under the Corporate world of Business Industry or under the Sales and Marketing Agency pero mas pinili niya sa Call center. Anyway, being a call center agent is not that easy. Sa recruitment process palang, sobrang dami mo ng stages na kailangang ipasa. There’s the online application, the initial interview, the behavioral test, personality test, the call simulation test, the versant for some centers and berlitz for UK accounts. Then after that, there’s the HR final Interview and last but not the least, the Operations Interview before you can get the Job offer or Contract signing for some.

Kapag nakapasa ka na at may contract ka na, nandyan pa rin yung series of trainings before ka talaga makapag production floor. Pero hindi lahat ay pumapasa sa training. Kailangan mo pa rin magstand out sa lahat at kailangan mong ipasa ang series of assessments especially those mock calls!

Pero saludo siya sa mga aplikanteng handang ibigay ang buong oras nila sa pag apply. Na kahit abutin na sila ng magdamag, hindi sila sumusuko. Lalo naman doon sa mga aplikanteng patuloy na sumusugal na makapasa sa call center kahit ilang beses ng bumagsak at nareject.

One of the things she learned when she finally got in a call center is to easily adapt to changes. Every month, maraming pagbabago na nangyayari sa loob ng production floor. Dito rin siya natuto makisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao sa paligid niya at natuto rin siyang mag observe bago magbigay ng opinion niya.

Bumalik lamang siya sa realidad ng tawagin siya ng kanyang kasamahang QA din na si Esmeralda.

“Earth to Sofie!” nakangiting tinapik pa siya nito sa balikat.

“Ay kalabaw ka! Bakit ka ba kasi nanggugulat dyan ah?” sabi niya naman habang inaayos ang mga calls na naudit niya na ngayon. Kailangan niya ng tapusin lahat ng mga dapat niyang gawin kasi nakabakasyon siya mula bukas hanggang Monday. Tuesday night na ang balik niya sa trabaho. Sa totoo lang, excited siya sa bakasyon niyang iyon dahil napapayag na din niya sa wakas ang kanyang pamilya na bumiyahe siya ng mag isa.

“Ito naman. Ang lalim na kasi ng iniisip mo kaya naman ginulo na kita. Maiba nga ako hane? Totoo bang pupunta ka ng Bali?” nangingiting tanong nito sa kanya. Ngumiti muna siya ng matamis bago siya sumagot.

“Yes. Naapprove iyong VL ko for one week kaya gora ako sa Bali. Ikaw naman kasi, kung saan saan ka nag sususuot nitong mga nakaraang araw. Aba, sumipot dili ka dito sa opisina ah! Ano bang nangyayari sa iyo?” takang tanong niya rito.

Esmeralda or Esme to her colleagues, is one of the best QA in their batch. Sa kanila kasing lima, ito ang pinakamagaling mag bring out ng the best sa mga ahente. Marunong itong magbigay ng advice na talaga namang sinusunod ng kanilang ahente kaya naman bihirang bihira ito magbigay ng mababang QA scores. Isa pa, sobrang friendly din nito na halos lahat sa buong floor nila ay kilala ito. Kaya naman hindi na siya magtataka kung maging siya ay mabilis itong makapalagayan ng loob.

“I’m married!” Sabi lang nito sa kanya at ipinakita ang diamond ring na suot nito. She was shocked and speechless at that time. Bakit naman kasi hindi man lang ito nagpasabi sa kanila?

“Bakit hindi mo man lang kami sinabihan? Nakakapagtampo ka naman eh” Sabi pa niya rito na nagpout pa ng mga labi. Minsan talaga lumalabas ang kanyang pagiging childish pero sa harap lang naman ng mga magulang niya at kaibigan.

“Sorry na. Biglaan kasi dahil kailangan agad bumalik ni Steven sa Norway. Alam mo namang may negosyo rin siyang pinamamahalaan doon” Nagpapaliwanag na sabi ni Esme sa kanya. Naiintindihan naman niya ang side nito. Isa pa, may pasok siya noong mga panahong ikinasal si Esme sa Norwegian nitong asawa.

“Okay lang iyon noh! So anong plano mo ngayon?” patapos na siya sa pag aayos ng kanyang station ng sabihin niya iyon dito.

“I’m rendering my resignation effective on Monday. Balak na kasi ni Steven na ayusin na namin lahat ng mga papeles ko para makapag apply na for a fiancee visa” Masayang sabi nito sa kanya. Kitang kita niya talaga kung gaano ito kasaya sa married life nito.

Because of that, napaisip na naman siya ng tungkol sa kanyang prinsipe. Siya kaya? Kailan niya makikita at makakasama ang prinsipeng handang ialay ang lahat para lamang sa kanya? Napabuntong hininga nalang siya sa naisip. Marahil ay hindi pa iyon ang tamang oras at tamang panahon para sa kanyang lovelife. Pasasaan ba at darating din iyon. Sabi nga ng marami, lahat tayo ay may katapat na palayok. Siya din kaya mayroon? Or maybe God up there is still creating her beautiful love story that is why she never had a boyfriend.

“Aalis ka na din pala for good. Mamimiss kita, girl” Nalulungkot na sabi niya rito. Ito kasi ang una niyang naging close dito sa QA department. Nauna kasi itong mapromote bilang QA kaysa sa kanya. Pero kahit naman senior QA niya ito, they tend to keep their friendship to last long.

“We are still friends. Kahit saang lupalop man ako makarating, hinding hindi kita makakalimutan noh! Paano, mauna na ako at kanina pa tapos ang shift ko. Pinuntahan lang kita dito sa station mo dahil nabalitaan ko nga kina Sharrie na aalis ka papuntang Bali. Pasalubong ko pagbalik mo ah!” Sabi nito sa kanya at nagpaalam na. Bumalik naman siya sa pag aayos ng kanyang mga gamit sa kanyang work station bago tuluyang nagpaalam sa mga kasamahang naiiwan pa doon.

“Alis na ako guys! See you on Tuesday!” masayang paalam niya sa mga ito. Nang makarating ng locker area, agad niyang kinuha ang kanyang gamit at nagretouch muna sa powder room bago tuluyang lumabas ng building.

Mahabang lakaran na naman ito papuntang terminal kung saan siya sumasakay pauwi. Atlast, ito ang huling araw na makikipagbuno siya sa mga nagsisiksikang tao sa MRT para lamang makauwi. Isang linggo din siyang nakabakasyon. Ibig sabihin lang noon, one week siyang walang mararanasang traffic, walang mararanasang sakit ng ulo dahil sa mga out of this world calls na inaaudit niya and one week na wala siyang stress sa buhay niya. Wala siyang ibang gagawin kung hindi ang magunwind lamang at mamasyal sa Bali sa loob ng isang linggo. She’s free as a bird na walang minamadaling oras para makapasok sa trabaho. She will definitely make the best of everything she can while she’s on a one week vacation.

Pagdating niya sa bahay ay agad siyang nagtungo sa kanyang kwarto para mag ayos ng kanyang mga dadalhin pag alis. Mamayang alas diyes ng gabi ang flight niya kaya naman may oras pa siya para makapag empake. Nang matapos siya sa mga dadalhing gamit, bumaba siya sa may kusina para magpaalam sa nanay niya dahil may bibilhin pa siyang mga toiletries para sa kanyang pag alis.

“Nay, punta muna po akong palengke kasi may kailangan akong bilhin para sa personal hygiene ko” Nakangiting paalam niya sa ina na nagluluto ng pananghalian.

“Sige anak. Mag iingat ka. Kundangan kasi sa ibang bansa mo pa naisipang mamasyal eh” Sabi nito sa kanya. Noong isang linggo pa nila napagusapan ang bagay na iyon. Naalala pa nga niya ang sabi ng kanyang itay noon.

“Marielle, bakit kasi hindi ka nalang dito sa Pilipinas magbakasyon?”tanong ng kanyang ama.

“Itay, malaki na ako. Gusto ko naman makapag gala ng ako lang mag isa. Gusto ko maexplore ang mundo habang bata pa ako at wala pa akong asawa” Paliwanag naman niya.

“Anak, sa panahon ngayon, hindi na ligtas ang mag gala ka ng mag isa ka lang lalo na sa ibang bansa ka pa pupunta” Mahinahong paliwanag naman ni tatay sa kanya. Napabuntong hininga muna siya bago sumagot.

“Tay,... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: January 11, 2015 (1 year old)
Writings: 2

Send PM · Female · Offline

I am a writer by heart, a reader and a traveler. I used to write romance genre and the only one and main reason I am here in this site is to get an idea on how to write erotic stories. I wanna spread my wings and go out of my comfort zone for a change. Hihi. Hope I can have a lot of friends here. :)
1 comment   0 favorite   1,082 views