What Happens in Bali- Chapter Two

January 10, 2016 (10 months ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Chapter Two

Habang pinagmamasdan ni Sofie ang dalawang pamangkin na nagpapalitan ng kuro kuro dahil sa pinapanood, naisipan niyang tawagin na ang mga ito para ibigay ang pasalubong na tsokolate.

“Chloe at Aeva..” tawag niya sa dalawang pamangkin. Napalingon naman sa kanya ang parehas na limang taong gulang na kambal. Gandang ganda talaga siya sa mga ito dahil nakuha ng mga ito ang features ng kanilang ama pagdating sa mata. Parehas ang mga itong may mala almond eyes tapos maputi rin parehas at matatabang pisngi. Isa pa sa nagustuhan niya sa mga ito ay ang pangalan. Si Chloe Sophia ay point 10 seconds lamang ang tanda sa kakambal nitong si Heaven Aeva. Simula ng dumating sa buhay nila ang kambal na anak ng ate niya ay napuno na ng sigla ang dating tahimik nilang bahay pero hinding hindi naman nila pinagsisihan iyon. Ang mga ito ang pumapawi sa pagod niya sa trabaho. Masilayan lamang niya ang dalawa ay napapawi na agad ang kanyang pagod. Anak na nga ang turing niya sa mga ito. Mas madalas pa nga niyang kasama ang dalawa pag nagshoshopping siya kaysa sa nanay ng mga ito. Paniguradong mamimiss niya ang kambal dahil isang linggo rin siyang mawawala.

“Tanang, alis ka daw sabi Mommy?” malungkot na tanong ni Chloe sa kanya. Natawa siya dahil sa pagtawag nito sa kanya. Ito lang ang tumatawag sa kanya ng ganun dahil ito ang inaanak niya sa binyag. Tita ninang iyon na pinaikli nito kaya naging Tanang. Si Aeva ay mama ang tawag naman sa kanya.

“Yes baby. Aalis si tita ninang mamaya. Babalik naman agad ako sa Tuesday” Paliwanag ko.

“Ilang tulog?” tanong naman ni Aeva. Cute na cute talaga siya rito dahil sa mala makopa nitong pisngi. Kinurot niya muna ito bago niya sinagot ang tanong.

“Hmm. Ilan ba? Mga 5 na tulog” At ipinakita pa niya ang limang daliri para maintindihan nito. Agad naman tumango ang mga ito at sabay nagsalita.

“Chocholate” Natawa siya dahil may pagkabulol ang kambal. Ibig sabihin ay uwian niya ito ng Chocolates. Pagkatapos niyang ibigay ang pasalubong na pagkain ay nagpaalam na siya sa kambal.

Pagdating niya sa kwarto ay inayos na niya ang mga pinamili niyang toiletries para hindi na niya makalimutan. Makalipas ang isang oras ng pag aayos ng mga dadalhin, nagprint siya ng ticket niya at inilagay iyon sa kanyang carry on bag kasama ng kanyang passport. Ready to fly na talaga siya.  She will make sure that this will be the best vacation ever for her. Matapos masigurong wala na talaga siyang nakalimutan ay nagpasya si Sofie na matulog muna dahil mahaba haba pa naman ang ipaghihintay niya. Alas tres palang ng hapon kaya may oras pa siya para umidlip muna.

Nakaidlip naman siya ng mahaba haba dahil ng magising siya ay alas sais na ng gabi. Ibinaba na niya ang kanyang travelling bag at carry on sa may sala para madali nalang niya mailalagay sa sasakyan mamaya. Pagkatapos niyang maiayos ang mga dadalhin sa sala ay kumain na siya ng hapunan at naligo. Alas siyete siya ihahatid ng kanyang mga magulang sa airport dahil two hours before the flight, nakapag boarding na dapat siya.

Saktong alas otso ng gabi nakarating siya ng Airport. Mahabang paalamanan pa muna ang nangyari dahil isang linggo nga naman siyang mawawala sa paningin ng kanyang mga magulang. Nang makapasok na siya ng check in counter, hindi na mawala wala sa kanya ang kanyang excitement. Nang matapos siya ay dumiretso na siya sa boarding area kung saan siya maghihintay ng pagdating ng eroplanong kanyang sasakyan papuntang Bali. This is it. The most awaited vacation she’s been waiting for all her life.

Nang iannounce na ng Ground Steward na dumating na ang eroplanong sasakyan niya ay excited siyang tumayo sa kanyang kinauupuan sa loob ng boarding area at pumila kasama ng mga magbabakasyon din marahil sa Bali.

Nang makapwesto na sa kanyang upuan, minabuti na lamang niya magbasa ng librong binili niya noong isang linggo pero hindi pa niya nababasa dahil wala siyang panahon. Tutal mahigit tatlong oras ang biyahe niya kaya naman malamang mabored talaga siya pag ganoon. She was hooked with the book to even notice that they were now landing at Indonesia Airport.

Agad niyang isinara ang libro at inayos ang kanyang bag para sa paglabas sa eroplano. Nang makita niyang hindi siya nananaginip at totoong nasa Indonesia na siya, agad niyang hinawakan ang sahig ng Airport. Nagulat pa siya dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. Ang ginawa niyang paghawak sa sahig ng airport ay isang kasabihan ng mga matatanda na kailangan mo gawin kapag unang tapak mo sa ibang bansa. Ito ay para gabayan ka ng Diyos ng kanilang bansa habang ikaw ay naroroon. Hindi na lamang niya pinansin ang mga taong tumingin sa kanya pero may isang kagaya niya ang ngumiti sa kanya dahil ginawa din nito ang ginawa niya. Maya maya pa ay nilapitan na siya nito.

“Bago ka dito?” tanong nito. Hindi na sana niya kakausapin ang babae dahil kabilin bilinan ng magulang niya na huwag basta basta makikipag usap sa estranghero lalo pa at nasa ibang lugar siya. Pero mukha naman kasi itong mabait.

“Yup. I’m on a one week vacation. Ikaw?” sinagot niya muna ang tanong nito bago naman siya nagtanong para masiguro niyang hindi siya mapapahamak sa pakikipagusap dito.

“Nagtatrabaho na ako rito bilang isang housekeeper sa isang kilalang hotel. Umuwi lang ako ng Pilipinas dahil nagkasakit ang nanay ko at malubha ang kalagayan. Ngayon, balik trabaho ulit” nakangiting sabi nito pero hindi naman niya makita na masaya ang mga mata nito. Marahil dahil sa kalagayan ng ina na nasa Pilipinas.

“Sorry to hear that about your mother. Gagaling din siya, which I’m pretty sure of. Paano, mauna na ako sa iyo ah. Sophia Marielle nga pala” inabot ko ang kamay ko para makipagshake hands sa kanya na inabot naman niya.

“Arianna. Nice meeting you here too. Kapag may time, puntahan mo ako sa hotel na pinagtratrabahuhan ko para naman maipasyal kita dito sa Bali” ibinigay nito ang pangalan ng Hotel kung saan ito nagtratrabaho. Nagulat siya dahil doon din siya nagpabook ng hotel room niya online a week ago.

“What a coincidence! Doon din ako nakapagpabook ng reservation ko for a week” sabi niyang nakangiti. Hindi niya akalaing magkakaroon agad siya ng kakilala sa bansang banyaga sa kanya at katulad din niyang Filipino. Sabay na silang nagpunta sa Hotel kung saan siya mag stay ng isang linggo.

BVLGARI Hotel and Resort is one of the most luxurious hotels here in Bali. Karamihan ng mga nagbobooked dito ay mga may matataas na katungkulan sa business world at minsan mga Prime Ministers ng ibang bansa. Swerte niya dahil tinulungan siya ng kanyang mga kapatid para makapagpabook ng simpleng suite dito sa hotel na ito. Kulang pa kasi yung naitabi niyang pera dahil pang isang linggong bakasyon ang gagawin niya.

When she saw the entrance of the hotel ay namangha siya sa sobrang kagandahan niyon. Sa entrance palang kasi ay makikita mo na ang malawak na marble stoned pathway patungo sa main door ng entrance and at the left side of it, makikita naman ang garden full of different flowers surrounding the medium fountain of love plus the man-made small waterfalls with lilies and koi fishes. And then, at the right side, a big parking lot for clients staying at the hotel. Excited siyang nagtungo sa may lobby ng hotel dahil excited na siyang maexplore ang kagandahan ng Bali. This is a once in a lifetime experience for her and she wouldn’t dare to miss this for the world.

Pagkapasok niya ng lobby ay nagpaalam na si Arianna sa kanya dahil ayon dito ay oras na ng shift nito. Tumango lamang siya bilang pagsang ayon dahil abala siya tignan ang kabuuan ng lobby ng hotel.

Nang matapos siya sa kagagala ng kanyang mga mata sa kagandahan ng loob ng lobby ay nagpasya na siyang pumunta sa Front desk para kunin ang susi ng kanyang Suite room. Pagpasok niya ng kanyang Suite ay mas lalo siyang humanga sa kagandahan niyon. Sulit pala talaga ang ibinayad niya for a one week stay at this hotel. Why? Kasi sa living area palang ay makikita na agad ang beach view sa may bintana. Pagdating naman sa may kusina ay view ng isang malaking golf course na kasama sa landscape nitong hotel. Pagpasok naman sa kanyang kwarto ay may adjoining door papuntang terrace at may mini pool where she can relax. This is really heaven! Wala na siyang ibang masasabi kung hindi ang ganda! Sulit na sulit yung ibinayad niya.

Matapos mag ayos ng kanyang mga dalahan ay nagtungo siya agad sa kusina para tignan yung complimentary breakfast na nakahanda sa lamesa. It’s past 1 am kaya naman pala gutom na siya. Nakita niyang may bread and butter na nakahain sa mesa with a cup of coffee. At dahil hindi naman siya nagkakape, naisipan nalang niyang bumaba sa may lobby para maghanap ng 24-hour Restaurant.

Nang makababa siya, agad siyang nagtanong sa Front Desk kung may open bang restaurant ng ganoong oras. Hindi naman siya nabigo dahil 24-hour operation pala ang restaurant sa loob nitong hotel. Itinuro naman ng receptionist kung saan ang daan patungong restaurant.

Kasalukuyan siyang naglalakad sa hallway ng may makabunggo sa kanya. She was waiting for that person to say sorry pero wala siyang narinig na kahit ano mula dito. Pagtingala niya, she saw an angel sent from Above. Napakurap kurap pa talaga siya para tignan muli ang itsura ng lalaking nakabunggo niya. Napakagwapo nito. Sobrang naamazed talaga siya pagkakita niya sa mukha nito. He was really gorgeous. Dahil sa sobrang pagkatitig niya sa lalaki ay hindi na niya namalayang nagsalita ang kasama nito.

“Miss, sorry about that. Nagmamadali lang kasi talaga itong kasama ko.” Sabi ng babaeng kasama ng lalaking nakabunggo sa kanya.

“It’s okay. Next time, pakisabihan nalang siyang tignan ang daraanan niya.” Yun lang ang nasabi niya at nagmamadali na siyang pumunta sa Restaurant.

Nang makarating sa Restaurant ay lalo siyang namangha sa ganda ng interior doon. Sa gitna kasi ay may isang 3d floor painting ng isang taong nag susurfing na akala mo totoong totoo talaga. Yung tipo bang hindi mo dadaanan ang gitnang lugar kasi baka malunod ka or baka mabasa ka dahil dagat ang dadaanan mo. It took her a minute before she realized that it’s just a painting na lalong naka attract sa mga tourist doon. She looked for an available table kasi nagugutom na talaga siya. After a couple of minutes finding one, naupo siya at umorder ng makakain. There she was, in unfamiliar place, alone and trying to find the missing pieces that will definitely change her life forever.

Habang naghihintay ng order niyang chicken pastel, naisipan niyang tignan ang tanawin sa glass window kung saan makikita ang buong ganda ng resort. She was really asking herself what’s been missing in her life. Ano ba talaga ang dahilan at naisipan niyang magbakasyon ng isang linggo na malayo sa kanyang pamilya? She knows that somewhere in between, there’s really missing for her to be complete.

She just needs to figure it out yet. Alam niyang sa pagbabakasyon niyang ito ay magagawa niyang hanapin kung ano man ang bagay na wala sa buhay niya ngayon para lang maging kumpleto na siya. She was looking for those people na naglalakad sa may shore ng marealize niyang LOVE ang kulang sa buhay niya. She’s been single ever since. She doesn’t even feel how to be loved by an opposite sex in a different manner. Takot kasi siyang magkaboyfriend noong nag aaral pa siya dahil ayaw niyang biguin ang expectations sa kanya ng kanyang mga magulang. When she graduated with flying colors way back college and started working, nabuhos naman ang atensyon niya sa trabaho dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang. Right there and then, she realized that she can’t love anyone hanggat hindi maayos ang buhay ng kanyang pamilya. Pero ngayong lahat ng mga kaibigan niya ay nagsisipaglagay na sa tahimik, she finally realized na kailangan na din niyang maranasang magmahal at mahalin. But there’s still something that’s holding her back to fall in love and that’s just what she will going to figure out.

Hindi niya namalayang dumating na pala ang order niya kung hindi pa siya tinawag ng waiter. Paglingon niya ay nakita niya ang lalaking nakabunggo sa kanya kanina. Hindi niya akalaing dito rin pala ito nagtatrabaho. Sayang lang kasi ang gwapo niya para maging isang waiter lang. Oh well, that’s life.

“Do you still have an additional order, Miss?” tanong nitong nakangiti na sa kanya ngayon. Samantalang ni hindi nga ito nagsorry ng mabunggo siya kanina sa hallway.

“No. I’m fine. Thank you.” Sabi naman niya rito. At nagsimula ng kumain. In fairness, ang sarap ng chicken pastel dito. Sulit ang ibinayad niya for this food. Nang matapos kumain ay nagtungo agad siya sa shore dahil gusto rin niyang maexplore ang kagandahan ng bali.

Habang naglalakad siya ay may napansin siyang grupo ng magkakaibigan na nagkakasayahan sa bandang dulo ng resort. She missed her friends. Noong college palang siya ay palagi din silang nag oout of town na magkakaibigan kaso ng ikasal ang mga ito, naiwan na siyang mag isa dahil family na raw ang priority ng mga ito. Originally, lima silang solid na magbabarkada noong college. Nadagdagan lang sila ng nagsimula silang sumali sa mga organizations sa school at doon nga ay nagkaroon siya ng mga ituturing niyang totoong kaibigan.

She found a log bench nearby kaya naisipan niyang maupo doon at tanawin ang dagat. It’s past 2am na sa kanyang relo at balak niyang hintayin ang pagbukang liwayway dahil gusto niyang masaksihan ang sunrise. One of her dreams is to see the sun rise with her two naked eyes. At ngayon nga ay magagawa... Read More

Part #: 2

About the Author :

Joined: January 11, 2015 (1 year old)
Writings: 2

Send PM · Female · Offline

I am a writer by heart, a reader and a traveler. I used to write romance genre and the only one and main reason I am here in this site is to get an idea on how to write erotic stories. I wanna spread my wings and go out of my comfort zone for a change. Hihi. Hope I can have a lot of friends here. :)
0 comment   2 favorites   1,014 views