Walang Tayo

March 29, 2018 (24 days ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Sabi ko hindi na ako susubok pero dumating ka,
Hindi kita pinansin pero lumapit ka pa.
Ni hindi kita tinapunan ng tingin pero nagpumilit ka,
Kung alam ko lang mapapasarap ang kwentuhan natin,
Nilayuan na sana agad kita. 

Akala ko saglit lang ang isa, dalawa, tatlong oras.
Akala ko sapat na ang ilang gabing katext lang kita.
Binalot na muli ng matatamis na salita ang katauhan ko,
Narinig ko ring tumawa ulit ng ganito ang puso ko. 

Saglit na panahon lang nasanay na ako sayo.
Umaga, tanghali, gabi, magkausap tayo.
May trabaho tayo pareho pero may oras tayo pero dito,
Para kang droga, naaadik na yata ako sayo.

Nagkita tayo. Namasyal. Kumain sa labas.
Ang galing, unang beses palang pero parang
ang tagal na nating magkakilala. Astig!
Ayan tuloy, natutuwa na ako sayo. Masama na ito.

Hindi tayo pero parang tayo. Ang gulo.
Ibinigay ko sayo lahat dahil nagtiwala ako.
Walang "mahal kita" o "gusto kita"
Pero pucha. Sana tayo nalang, sana may label nalang.

Unti unti, nilalamon ka na ng trabaho mo.
Ako naman si gaga naghahanap sayo.
Pero dahil pabebe ako, di kita kukulitin,
Kahit sa totoo lang gusto ko ng makita ka ulit.

Tama. Wala ngang tayo.
Narinig ko rin sayong hindi "ito" yung priority mo.
Ito? Hindi ba dapat "Tayo"?
May mas gagago pa ba sayo?

Di ako kumibo. Di nalang ako sasagot.
Baka pagod ka lang. Sana.

Ayaw kong maging abala sayo.
Naiit... Read More

About the Author :

Joined: January 8, 2016 (2 years old)
Writings: 10

Send PM · Female · Offline

I don't think all writers are sad. I think it's the other way around --- all sad people write.
0 comment   0 favorite   330 views