Unang tingin :)

August 19, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , ,

Note: This is not the usual story that you read in this site. You might find this boring or what, pero try lang po :) Iba ang genre ng story na ito. Pure lang po ito :)

Since most of the members here naman po are old na, try lang magkwento ng something new. Something young po :)

"We're not young for love, maybe they're just too old to remember how it feels like to be inloved"

-
'Pare ang baduuy mo naman!' wika ni Mark sa kanyang kaibigan na si Kevin.

Si Kevin ay isang tipikal na estudyante na nag-aaral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila. Tulad ng ibang lalakeng estudyante, may mga panahon rin na lumiliban siya sa eskwelahan kung di niya gustong pumasok. Pero kahit na lumiban siya ng eskwelahan, sinisigurado niya namang makakasabay siya sa diskusyon nila sa eskwelahan.

'Pare, iba na talaga nararamdaman ko para sa kanya eh, ang hirap iexplain di ko alam', sagot naman ni kevin kay Mark. Halata sa mukha niya na seryoso talaga siya sa kanyang nararamdaman.
*Simulan natin sa umpisa. Ang simula ng lahat :)

KRIIIIIINNNNG!

Tunog ng bell.
Unang araw ng pasukan.
Makikita ang iba't-ibang emosyon sa mga estudyante. Nandyan ang masaya dahil panibago na namang chapter ito ng buhay nila; excited dahil marami silang makikilala; kinakabahan dahil ang lahat ay bago sa kanila.

Ang iba'y may mga kasama, ang iba'y galing pa sa probinsiya. Isa na rito si Kevin.

'Napakaganda pala ng eskwelahan na ito. parang yung mga napapanuod ko sa telebisyon. Tama nga si pinsan.' nasabi ni Kevin sa kanyang sarili dala ng paghanga sa kanyang unibersidad na papasukan.

Habang nagmamasid na nanglalakad si Kevin, di niya napansin na patawid na pala siya at may parating na sasakyan (malaki kasi ang campus nila)

BEEP-BEEP!

Napalingon na lamang si Kevin ng marinig iyon.

'Aaaaaaahhhhh'
Sigaw ni Kevin sa pag-aakalang matutuluyan na siya.

Napatingin naman sa kanya ang ibang estudyante na naglalakad rin. At ang iba naman ay parang balewala lang at nagpatuloy sa kanilang mga ginagawa.

Huminto ang sasakyan.
Sabay ng paghinto ni Kevin sa kalagitnaan ng tawiran.

Lumabas naman ang isang babae sa loob ng sasakyan para tignan siya.

'Hello?' sabi ng babae.

Pero nanatili pa ring nakahinto at di kumikilos si Kevin. Sa takot niya na baka pagmulat niya ay puro puti na lang ang makita niya.

'Hello? Are you okay?', patuloy na sabi ng babae at tinapik siya.

'Ikaw na ba yan San Pedro?'
Nakapikit pa rin si Kevin.

Natatawa na lamang ang babae sa kanyang winika sa pag-aakalang patay na siya. At nagkunwarian ang babae na lalaki at binuo ang kanyang boses.

'Ehem-ehem. Oo, Iho. Ako ito. Halika na at sumama sa daan ng liwanag.'

Sobrang natatawa na rin talaga ang babae sa kanyang ginagawa.

'Hindi. Hindi yan totoo.' Sabi ni Kevin at sabay mulat ng kanyang mga mata.

Nakita niya ang isang babae sa tabi niya na tawa ng tawa.

'Sino ka?' tanong niya sa babae.

'Ako si San Pedro.' Ani ng babae at sabay bulalas ng malakas na tawa.

Sa inis at pagkahiya ni Kevin ay umalis na lang siya. Di niya kinausap ang babae.
Habang papalayo siya ay may sinabi pa ang babae.

'Hahaha. Be careful next time you're going to cross the street, baka mamaya si San Pedro na talaga makita mo! Wahaha'

Habang tawa ng tawa ang babae lalo namang nainis si Kevin.

'Ikaw kasi di ka nag-ingat eh. Yan tuloy. Tss!' nasabi niya na lang sa kanyang sarili.

Nang marating na ni Kevin ang kanyang silid-aralan ay agad siyang humanap ng mauupuan.

Dahil bago pa lamang sa pinapasukan, at galing ng probinsiya mas pinili niya munang maupo sa likod bandang kanan.
'Learning starts with wisdom' .. Isang quote na nakasulat sa upuan niya. Medyo gulat pa nga siya dahil di niya inaasahan na pwede pala ang vandalism kahit pa sa isang magandang unibersidad.

'Mga estudyante nga naman', nasabi niya na lang pero nangiti pa rin siya dahil may sense naman ang kasabihang nakasulat sa kanyang desk.
... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: May 29, 2013 (3 years old)
Writings: 3

Send PM · Female · Offline

25 comments   1 favorite   3,296 views