Ugnayang Namamagitan

May 21, 2017 (9 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Exhibitionist and Voyeur, Wife Lovers, Mind Control | Tags: , , , , , , , ,

Ugnayang Namamagitan"It's sad to know that you only need me now because i'm the mother of your child, not because you love me. Before you forgot, let me remind you that i'm not just your wife, i'm still your girl, who still loving you with all my heart and soul."

(Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.)

Kung inaakala mong nakalusot ka na sa kataksilang iyong ginagawa, mag-isip ka ulit. Kapag nasa gitna ka ng kaligayahang iyong tinatamasa hindi mo talaga maiisip pa na mali ang iyong ginagawa. Hangga't may panahon at pagkakataon ka pa upang magbago, gawin mo na, dahil tunay na mapait at masaklap ang ganti ng kapalaran.

Kahit ilang ulit ko ng nahalikan ang kanyang mga labi, hindi pa rin ako nagsasawa, lagi pa rin akong nanggigigil at nasasarapan. Magaling syang humalik, mahusay sa romansahan. Maganda sya at talagang nakakaakit sa kama.

Sa dating motel, sa dating kama. Magkayakap kami, magkapatong. Senswal na nagtatalik, puno ng libog at naghihiyawan sa kaligayahan.

Sya si Nadia, ang babaeng ginagalaw ko ngayon, ang babaeng kinakabaliwan ko, pero...pero hindi sya ang aking asawa, at sya ay misis ng iba.

Hindi ko na maalala kung paano kami napunta sa ganito, hindi ko na maalala kung paano nagsimula ang aming lihim na relasyon. Relasyong walang pag-ibig, kundi libog lang, sex lang ang ugnayang namamagitan. Liban na lang kung totoo yung sinasabi sa akin ni Nadia na may pagtingin sya sa akin, pero sa part ko, katawan lang nya ang gusto ko.

"O, t-teka, sabi ko sayo mag-condom ka eh!" reklamo nya sa akin habang binabayo ko sya. Wala siguro syang nararamdamang plastik sa titi ko.

"Huwag na! Ayoko naka-condom eh!" tinuloy-tuloy ko ang kadyot.

Tinulak nya ang dibdib ko, "Ihhh Alam mo namang kailangan nating mag-ingat diba? Baka mabuntis mo ako nyan! Sige ka!"

Napaahon tuloy ako mula sa ibabaw nya, kasabay ng paghugot ko sa titi ko na kasalukuyang nakabaon sa keps nya. Wala akong nagawa kundi kunin yung condom sa wallet ko, kinailangan ko pang tumayo para kuhanin ito.

"Bumawi ka na lang sa susunod kapag hindi na ako fertile." sabi nya habang hubo't hubad na nakahiga at hinihintay ako.

Nung muli ko syang patungan nadama ko ang init ng katawan nya. Mainit na talaga sya, pati suso nya mainit nung lumapat na ang mga ito sa dibdib ko.

Wala, hindi ko na madama ang lagusan nya dahil sa nakabalot na plastik sa titi ko, pero sya, biglang umangat ang katawan nya nung ipasok ko na ang burat ko sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang libog.

"Ahh..." napadaing sya nung simulan ko na syang hindutin.

Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na namin itong ginagawa ni Nadia ng patago, at sa nakikita ko sa kanya mukhang nag-eenjoy pa rin sya at hindi nagsasawa. Ako din naman, at mas lalo akong nasasarapan kapag nakikita ko syang nasasarapan.

"Aaahhhh Aahhhh" mumunting ungol ang pinapakawalan nya.

Yumuyugyog ang kama, sumasabay sa bawat kadyot ko, at nung sumagad na ang libog ko sinamahan ko na ng romansa. Niroromansa ko sya sa leeg nya, dinidilaan ko at hinahalik-halikan.

Hindi siguro nya makayanan ang kiliti kaya napayakap sya sa akin. Bumabaon talaga ang mga daliri nya sa likod ko, alam ko nanggigigil na sya, at mas lalo akong ginaganahan sa twing maririnig ko ang halinghing nya.

"Aaahhhh Ooohhhh a-ansarap pare..." parang musika sa tenga ko.

Sinagad ko ang titi ko sa kaloob-looban ng pekpek nya. Binabaon ko talaga ng maigi at ginigiling-giling. Pinwersa ko na rin ang pagkadyot, senyales na malapit na akong labasan.

"Tangna! Ang sarap mo Nadia!"

"Talaga masarap ako? Sige pare, isagad mo paaa!"

Totoo namang masarap sya. Malamang dahil sya palang ang nababanatan ko bukod sa asawa ko. Isa pa maganda rin naman sya, maputi sya, mabalakang, medyo mataba pero may korte pa rin ang katawan nya. Isang misis na may dalawang anak.

"Aaahhhhhh Aaaahhhhh" humihigpit na ang yakap nya, alam ko kapag ganito sya nilalabasan na sya, kaya sinabayan ko sya, "Aaaahhhh Aaaahhhh"

Nung makaraos na kami pareho naming hinahabol ang hininga namin. Napagod ako at napahiga sa tabi nya. Sya naman dumukot agad ng isang stick ng yosi doon sa yosi ko sa ibabaw ng side drawer.

"O, kailan ka pa natutong magyosi?" tanong ko, ngayon ko lang kasi sya nakitang nanigarilyo.

"Wala, ginagaya lang kita, napapansin ko kasi na lagi kang nagyoyosi pagkatapos nating gumawa."

Tama naman sya, kasi nagyosi din ako matapos kong tanggalin ang condom sa titi ko.

"Ano, sa tingin mo ba hindi pa nakakahalata si pare?" bigla kong natanong kay Nadia.

"Hahaha" bigla syang napahalakhak, "Engot lang nun! Isa pa wala akong pake malaman man nya, alam ko namang may babae din yun!"

Bigla naman akong naiinis, paano naman kase sa part ko, "Huwag mo namang sabihin iyan! Kailangan pa rin nating mag-ingat! Sayo okay lang, eh paano naman ako?"

"O, relax ka lang, malaman man nyang may iba ako, hindi naman nya malalamang ikaw yun. Huwag kang mag-alala."

"Kahit na! Basta kailangan mo pa ring mag-ingat!"

Hinarap nya ako at napatingin sya ng matalim sa akin, "Tignan mo 'to, kung makapagsalita ka ngayon parang takot na takot ka, samantalang kanina ayaw mong mag-condom! Huwag kang mag-alala, ayaw ko rin namang mabuking tayo, alam mo namang mahal kita eh!"

Mahal daw, pero humirit naman, "Baka may dalawang libo ka d'yan, pahiram muna, pasukan na kasi, kailangan ng mag-enroll nung inaanak mo, alam mo na, high school na iyon, mataas na ang matrikula." ginawa pang dahilan ang pag-aaral ah.

Alam ko naman na pera ko talaga ang mahal nya, kunyari uutang pa sya, pero ang totoo wala naman talaga syang balak magbayad. Gaya nung huli naming pagkikita, halos tatlong libo yung inutang nya sa akin, pero heto umuutang na naman ulit ng hindi pa nababayaran yung dati.

Pero okay lang naman sa akin, magaling naman sya sa kama, napapaligaya naman nya ako ng husto, tsaka maliit na pera lang para sa akin ang dalawang libo, madali ko lang mababawi iyon sa negosyo namin.

Tulad dati, naunang umalis si Nadia sa akin. Pagkatapos nyang magbihis at matangay yung pera ko lumabas na agad sya. Hindi kami pwedeng magsabay sa pagalis dahil baka may makakita sa amin, lalong hindi ko sya pwedeng ihatid sa bahay nila kaya magji-jeep lang sya.

Ilang minuto pagaalis nya nagbihis na rin ako. Doon ako sa likod ng motel dumaan kung saan nakaparada ang motorsiklo ko.

Dumiretso ako sa palengke kung saan nakatayo ang negosyo namin. Hindi naman iyon malaking business, pero malaki ang kinikita namin. Rice dealer, sinusuplayan namin yung malalaking supermarket dito sa amin, egg dealer din kami.

Pagdating ko nadatnan ko ang asawa ko, si Beth. Nakaupo na naman sya sa office table nya sa loob ng bigasan namin. Kung ano-ano na naman kinukwenta nito sigurado, tutok na tutok kasi talaga sya sa negosyo namin, at sa sobrong focus nya halos hindi na nya kami napapansin ng anak nya.

"Ben, paki-check mo nga yung supplier natin kung pina-deliver na nila yung order ko." utos nya sa akin.

Paano ba naman nya mahuhuli ang pambababae ko kung hindi man lang sya nagtatanong kung saan ako galing, o kung saan ko dinadala ang pera ko. Basta kapag nakikita nya ako, uutusan lang nya ako.

"Aba tinawagan ko na sila kanina ah! Hanggang ngayon wala pa rin?" kunyari inis ako.

"Oo nga eh, matagal ko ng sinasabi sayo na iwan mo na iyang supplier mong iyan."

Sa gitna ng pag-uusap namin, dumating si Jenica, ang unica hija namin. Dito sya dumidiretso after nya sa school. Third year sya sa kursong Education. Dahil Kaisa-isang anak lang namin sya kaya naibibigay namin ng maayos ang lahat ng pangangailangan nya.

"Mano po, Pa." nagbigay galang sya sa akin, "Mano po, Ma." pati sa mama nya.

Mabait na bata ang anak ko, at maganda. Nakatutok lang sya sa kanyang pag-aaral at hindi sya sumusuway sa lahat ng pinag-uutos namin sa kanya ng mama nya, masunurin sya at talagang ipinagmamalaki ko sya.

Kaya naman talagang gulat na gulat ako sa nalaman ko sa kanya kagabi. Narinig ko lang ang usapan nilang mag-ina, kadarating ko lang noon nung datnan ko silang nag-uusap sa kusina.

Inamin lang naman ni Jenica sa kanyang ina na dalawang buwan na syang buntis. Uminit talaga ang dugo ko at nadisappoint ako sa anak ko. Napagsalitaan ko tuloy sya ng hindi maganda. Sinabihan ko pa sya na malandi sya, wala, natangay ako ng init ng ulo ko.

Noong makita ko syang umiiyak, doon nadurog ang puso ko. Siguro nga nagkamali sya, at dapat, bilang isang ama ay tumayo ako para suportahan at unawain sya, isa pa, nakonsensya rin ako kase may ginagawa din naman akong mali.

Mahal na mahal ko ang anak ko kaya kagabi bago sya matulog kinausap ko sya kasama ng asawa ko. Sinabi namin sa kanya na papuntahin nya sa bahay yung boyfriend nya na syang ama ng dinadala nya upang aming makilala, para na rin itanong sa kanya kung paninindigan ba nya ang pananagutan nya sa anak ko.

Ngayon nga ang araw na iyon.

"O ano anak, nasaan na yung lalaking iyon?" tanong ko kay Jenica.

"Pa, mamayang gabi pa daw po sya pupunta." napabugtong-hininga sya, "Pa, Ma, sana po pakitunguan ninyo sya ng maayos, huwag nyo po sanang tatakutin." sabi pa nya sa amin ni Beth.

Nilapitan ni Beth ang anak nya saka niyakap, "Huwag kang mag-alala anak, kakausapin lang namin sya ng papa mo."

Para naman mapanatag ang loob ni Jenica, pinagluto ng asawa ko ng masarap na hapunan ang darating naming bisita. Wala naman din kaming balak na bastusin sya, ang totoo medyo um-okay na pakiramdam ko nung sabihin ni Jenica na haharapin kami ng boyfriend nya.

Alas syete ng gabi nung dumating sa bahay ang boyfriend ng anak ko. Sakto lang na katatapos magluto ni misis. Tao namin syang tinanggap kahit mag-isa lang syang pumunta.

Pinakilala sya sa amin ni Jenica, sya daw si Sherwin na ka-eskwela nya. Maayos naman makitungo si Sherwin. Magalang sya at sa nakikita ko sa kanya mukhang mabait sya at mapagkakatiwalaan.

Handa daw nyang panagutan ang anak ko hindi dahil sa nabuntis nya ito, kundi dahil mahal na mahal daw nya ito. Ang problema daw ay mauudlot muna ang hinihiling kong kasal dahil mahirap lang daw sila, hihinto na lang daw sya sa pag-aaral, magta-trabaho daw muna sya at mag-iipon.

Anong klaseng trabaho naman kaya ang makukuha nya gayung hindi sya nakapagtapos?

Magaling syang magsalita, mukhang matalinong bata sya kaya sa huli nakumbinsi din nya ako na mahal nga nya ang anak ko.

Hinayaan ko sya sa gusto nyang mangyari na hihinto muna sya sa pag-aaral at mamamasukan pero sabi ko sa kanya na hindi ko kayang makitang lumaki ang tiyan ng anak ko na hindi sya kinakasal, kaya sinabi ko sa kanya na kami na lang ang gagastos sa kasal nila.

Kaya makalipas ang isang linggo namanhikan sila Sherwin sa amin kasama ang pamilya nya. Sa kasamaang palad, nanay lang nya ang nakapunta dahil matagal na daw na patay ang tatay nya.

Humanga pa ako kasi mukhang ma-prinsipyo at makatao sila, kase kahit salat sila sa pera nagawa pa rin nilang magdala ng makakain. Mukhang mabubuting tao naman sila kaya napanatag na rin ang kalooban ko.

May hinanakit lang ako ng konti bilang isang ama, marami akong pangarap para kay Jenica pero sa isang iglap lang naagaw na lahat ito ni Sherwin. Sa kabilang banda naman hindi ko rin naman sila masisisi, siguro talagang nagmahalan lang sila, maaga lang talagang nagbunga.

Noong araw ng kasal nila nahihiya kong pangaralan ang dalawa tungkol sa buhay mag-asawa. Natitiyak kong mabuti naman akong ama sa anak ko, pero inaamin kong hindi ako mabuting mister sa asawa ko. Kahit hindi nya ako nahuhuli sa kalokohan ko alam ko sa puso't isip ko na may pagkukulang at pagkakamali akong nagagawa sa kanya.

Nairaos naman ng maayos ang kasal at sa pagdaan pa ng mga araw napapansin ko na masaya naman ang anak ko sa kanyang buhay may asawa. Huminto nga lang muna sya sa pag-aaral gawa ng alaga nya sa pagbubuntis nya.

Ito namang si Sherwin palipat-lipat ng trabaho, kung hindi sa fastfood, sa mall sya namamasukan, at sa liit ng sahod nya mukhang hindi pa talaga nya kayang bumuhay ng pamilya. Humihingi pa nga sila sa amin ni Beth ng perang pang-check up sa OB-gyne. Hindi naman namin matiis kaya sinusuportahan na rin namin sila.

"Sherwin, may pasok ka ba bukas?" tanong ni Beth sa manugang nya habang naghahapunan kami, sa amin kasi sila nakatira.

"Opo Ma. Bakit po?" tugon ni Sherwin.

"Naku sayang! Isasama namin sana kayo sa fiesta doon sa kumpare namin sa kabilang barrio. Nag-imbita kasi sila sa Viber eh."

"Kung gusto nyo po mag-absent na lang ako."

Bigla akong nainis sa narinig ko, "Hoy Sherwin, aba kalilipat mo lang d'yan sa bago mong trabaho aabsent ka agad dahil lang sa fiesta? Aba hijo, dapat maging responsable ka na ngayong malapit ka ng maging ama." sabi ko kay Sherwin.

"Sorry po. Naisip ko lang naman po iyon kase madalang lang akong yayain ni Mama tapos hindi pa ho ako pwede."

Bigla namang natuwa si Beth sa naisagot sa akin ni Sherwin, "Haha Ano ka ba hijo, ayos lang iyon. Tama ang papa mo, huwag mong ipagpalit ang trabaho mo para lang sa konting kasiyahan."

Ang fiestang tinutukoy ni Beth ay kina pareng Arnold. Sya lang naman ang asawa ni Nadia, ang kabit ko, at ngayon naalala ko na kung paano kami nagsimula sa aming bawal na relasyon. Akalain mong isang taon na pala ang lumipas.

Kinabukasan, matapos habilinan ni Beth ang mga tao namin sa bigasan dumiretso na kami sa bahay nina Pareng Arnold. Hindi naman iyon ganoon kalayo pero natagalan kami sa daan dahil sa traffic.

Hindi ako mapalagay habang nagmamaneho ako ng kotse. Iniisip ko kasi na baka ano ang mangyari kapag nagkita na ang misis kong si Beth at si Nadia, baka madulas ang dila ni Nadia kapag nagkausap na sila ni Beth, o di kaya ako ang madulas kay pare kapag nalasing ako, sigurado kasing paiinumin ako ng alak nun.

Dating magkaklase si Beth at si Nadia noong high school, at nung isilang na ni Nadia ang panganay nyang anak kinuha nyang Ninang ang asawa ko sa anak nya. Kaya siguradong sangkatutak na kwentuhan na naman iyon sa kanila.

Pagdating namin sa bahay nila unti-unti kong naaalala ang mga kaganapang nangyari dito last year. Lalo na nung makita ko si Nadia na sumalubong sa amin. Tangna hindi man lang nya ako pinansin, si Beth at Jenica ang una nyang inasikaso. Pero nung magkamayan kami ni Pareng Arnold bigla akong kinindatan ng patago ni Nadia.

Last year, pagkatapos naming kumain naglabas agad ng serbesa si Pareng Arnold. Nag-iinuman kami noon sa terrace nila habang nagkukwentuhan naman ang mga misis namin sa sala nila.

Narinig ko ang usapan ng dalawa. Sabi ni Nadia, buti pa daw kami ni Beth maganda na ang buhay, samantalang sila daw ni Pareng Arnold isang kahid, isang tuka pa rin. Napag-usapan nila ang problemang financial nina Nadia. Kesyo ang dami na daw nilang utang at mas nahihirapan pa sila kase lumalaki na ang dalawang anak nila.

Ganoon ang naging usapan nila sa loob ng halos isang oras, yung iba nilang topic hindi ko na napakinggan kase kinakausap din ako ni Pareng Arnold. Mga ilang minuto pa ang lumipas naramdaman kong parang tinatamaan na ako ng alak.

"Pare, ihi lang ako." paalam ko sa kainuman ko nung maramdaman kong parang bumigat ang pantog ko.

"Sige P're."

Pagtayo ko bigla akong nahilo, doon ko lang namalayang naparami na pala ang inom ko. Pero hindi ko pinahalata noon kay Pare na nalalasing na ako.

Nasa kusina ang banyo nila, at dahil nasa terrace kami, dumaan ako sa sala kung saan nadatnan kong nanonood ng TV ang asawa't anak ko. Hindi ko na sila pinansin, dumiretso na ako sa paglalakad papuntang banyo.

Nadaanan ko si Nadia sa kusina, doon sa may lababo nila na katabi lang ng banyo. Hindi nya ako agad napansin kase nakatalikod sya sa akin at abala sa paghuhugas ng pinggan.

Tinangka ko pa ang pagkakataon na nakatalikod sya upang pagmasdan at titigan ang bibilugin nyang pwet, malalaman at nakakagigil pisilin. Naka-leggings sya na kulay black, tapos naaaninag ko ang puti nyang panty na bumabakat sa mga pisngi ng puwet nya, luma na kasi ang leggings nya kaya manipis na ang tela.

Noon pa man pinagpapantasyahan ko na talaga si Nadia. Hindi sya ganoon kaganda, pero hindi ko sinasabing pangit sya. Maputi kasi sya at may makapal na mahabang buhok, kaya para sa akin kaakit-akit sya, lalo na malusog ang pangangatawan nya, pero may korte sa bewang nya, at may mga oras talaga na kapag nakikita ko sya, medyo tinitigasan din ako...katulad noong araw na iyon.

"Mare, pa-CR ha?" paalam ko sa kanya, at dumiretso na ako papasok sa banyo.

"Sige lang Pare."

Habang umiihi ako sinasalsal-salsal ko pa ang burat ko. Naiimagine ko kasi si Nadia, pati yung malulusog nyang boobs at pwet. Iniisip ko pa na ang swerte ni Pareng Arnold kase may binabanatan syang babae na ganoon kasarap.

"Pare okay ka lang ba d'yan?" tanong ni Nadia mula sa labas ng banyo.

"Oo, okay lang."

Natanong nya siguro kase ang tagal ko sa loob ng banyo. Eh pano sinasalsal-salsal ko pa rin ang titi ko matapos kong umihi. Hindi ko pa alam kung papaano ko itatago ang burat ko sa loob ng pantalon ko, tuluyan na kasing tumigas, nakabukol tuloy sa harapan ko.

Paglabas ko ng banyo nasa tapat pa rin ng lababo si Nadia at nagbabanlaw ng baso't pinggan. Tumayo ako sa tabi nya, naka-side sya sa akin, nakaharap sa lababo.

"Mare, pagpasensyahan mo na nga pala si Beth ha kung hindi ka nya pinautang." sabi ko kay Nadia, narinig ko kasi kanina sa usapan nila na umuutang si Nadia pero tinanggihan sya ni Beth.

"Naku Pare, nakakahiya naman, wala lang iyon, ano ka ba?!" bigla syang nataranta pero patuloy pa rin sa paghuhugas sa lababo.

"Minsan talaga kuripot yung asawa ko." patuloy ko, "Kung gusto mo Mare, ako na lang magpapautang sa iyo." dinukot ko wallet ko sa likod ng pantalon ko at bumunot ng dalawang libo, "Heto Mare, kunin mo na ito."

"Ayy, Pare huwag na! Baka malaman pa ni Mare, nakakahiya."

"Shssh, huwag mong isipin si Beth, pera ko ito kaya wala syang pakialam dito." kinuha ko kamay nya at pinahawak ko na sa kanya yung pera.

"Sigurado ka Pare ha?!"

"Oo naman. Kung gusto mo huwag mo na lang bayaran iyan. Sayo na iyan."

Nagulat sya, "Ha? Ikaw talaga Pare, babayaran kita noh!"

Noong oras na iyon hindi na ako nakakapag-isip ng maayos, medyo nalalango na ako at nananalaytay pa ang mumunting libog sa katawan ko. Hindi ko na rin naisip na nandoon lang sa sala at sa terrace ang mga asawa namin.

"Open minded ka ba Mare?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Bakit mo naman natanong iyan?" pagtataka nya.

Malakas na talaga ang loob ko para sabihing, "Ganito Mare, huwag mo na akong bayaran, pero may hihilingin lang ako sayo."

Napaharap sya sa akin at napangiti, "Ano namang pabor iyang hinihiling mo?"

"Hindi pabor Mare, huwag ka sanang magagalit, gusto ko sanang ipakita mo sa akin ang puwet mo." diretsahan kong sabi.

Nanlaki mga mata nya sa pagkabigla pero hindi naman sya nagalit, "Hahaha" natawa lang sya, "loko-loko ka talaga pare, lasing ka na ata?"

"Lasing ako Mare pero hindi kita niloloko, seryoso ako, huwag mo ng bayaran yung dalawang libo basta ipakita mo lang sa akin ang pwet mo."

"Ikaw talaga Pare, bakit mo naman gustong makita ang pwet ko?"

Sa nakikita ko sa kanya, parang papayag sya, hindi kasi sya nabastusan sa akin at nagalit. Tingin ko gusto din nya ang gusto kong mangyari, kaya mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob.

"Wala lang, nakakagigil lang kasi." maiksing sagot ko.

Bigla nya akong tinapik sa balikat, "Ikaw pare ah! Pinagnanasaan mo ako! O sige papayag na ako, pero titignan mo lang Pare ha? Tapos hindi na kita babayaran sa utang ko."

"Oo naman."

Tumaas ang libog ko at nasabik nung bitawan nya yung hinuhugasan nyang pinggan at naglakad papunta doon sa back door para isara. Dumungaw-dungaw pa sya dun sa labas bago nya ito tuluyang sinara at kinandado.

Sinilip din nya yung mga asawa namin sa may sala mula doon sa pinto papuntang sala. Aba alam na alam na ata nya ang gagawin ah.

Ako naman nakatayo pa rin sa tabi ng lababo at napahawak sa nakabukol sa harapan ko na sumagad na agad sa tigas at parang gustong kumawala.

"Bilisan lang natin Pare baka lumabas dito si Kumare eh." sabi nya sa akin pagbalik nya.

"Oo, sige."

Hinarap nya yung lababo upang matalikod sya sa akin, tapos hinawakan nya ang magkabilang garter sa bewang sa suot nyang leggings, at napalunok na lang ako nung bigla nya itong ibaba, pahubad.

Ang puti talaga ni Mareng Nadia, ang puti ng pwet nya. Binaba nya ang leggings nya, kasama ng puti nyang panty hanggang sa tuhod nya. Lantad na lantad sa akin ang mabibilog nyang pwet. Hindi pa nga ako lubusang makapaniwala na ipapakita talaga sa akin ni Nadia ang pwet nya ng ganito kabulgar.

"O, ayan Pare, okay na ba?" tanong nya sa akin, na kung titignan mo sya parang alalang-alala sya, pero ako, dahil nakainom ako, hindi ko gaanong nararamdaman ang nerbyos na baka may makahuli sa amin.

"Teka lang Mare, saglit lang."

Hindi ko talaga inaasahan ang pangyayaring iyon. Nakatalikod sa akin si Mare, nakahubo sya at nakatambad sa akin ang pwet nya, kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.

"Tumuwad ka ng konti Mare." utos ko kay Nadia.

Agad naman syang sumunod at itinukod ang magkabilang kamay sa lababo at yumuko sya ng bahagya, "Ayan, okay na ba? Bilisan mo, baka may makakita sa atin."

Lalo akong nag-init na feeling ko pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang libog nung umangat ang pwet nya at tumambad sa akin ang biyak ng pekpek nya sa kanyang pagyuko.

Dahil nakatalikod sya sa akin, hindi nya alam na nailabas ko na ang burat ko mula sa zipper ng pantalon ko, at nagsalsal ako habang tinititigan kong mabuti ang biyak nya at malulusog na pwet.

"Mare, baka pwede kong hawakan?" hiling ko.

"Ha? Hawakan? Sabi mo titignan mo lang?"

"Ito naman! Pakonswelo man lang. Nakakapanggigil kasi ang pwet mo eh. Sarap atang salatin."

Ayaw na rin nyang matagalan pa kaya pumayag din sya, "O sya! Sige na!"

Kaagad kong hinawakan ang pwet nya, lumapat ng husto ang palad ko sa pisngi ng pwet nya. Yung kalambutan ang una kong nasalat, at nung marahan kong pisilin ito napaangat ang pwet ni Mareng Nadia.

"Pare, bilisan mo na, baka may makakita sa atin!"

Hindi ko sya pinansin, tuloy lang ako sa pagsalat sa kanya habang sinasalsal ko ang titi ko. Hanggang sa tuluyan ko ng nilalamas ang pwet nya. Hindi ko rin matiis na hindi hawakan ang biyak na pumapagitan sa parteng ibaba ng pwet nya.

"Ayy!" bigla syang napatili at nanginig ang katawan nung salatin ko sa daliri ko ang pekpek nya, "Ano ba Pare, ba't ka nakahawak d'yan?"

"Shhss, huwag kang maingay, baka marinig ka nila." pananakot ko.

Tinuloy ko lang ang ginagawa kong paghimas sa biyak ng puki nya. Sumagad na ako sa libog, gusto ko na talagang kumantot, at sya ang gusto kong totnakin.

At sa palagay ko gusto nyang magpakantot sa akin, hindi lang nya masabi ng diretsahan. Kase kung ayaw nya, dapat agad na syang pumalag, pero sa nakikita ko sa kanya parang nag-eenjoy sya.

"Mare, basang-basa na..." bulong ko sa tenga nya.

Pero iba ang sinagot nya, "Tama na Pare, baka mahuli nila tayo."

Pero pursigido ako, "Ayaw mo ba?" tanong ko, tapos sinubukan kong ipasok ang isa kong daliri sa lagusan ng pekpek nya, "Gusto mo ipasok ko?" ang titi ko ang tinutukoy ko.

Hindi sya sumagot pero hindi rin naman sya pumapalag sa ginagawa kong pag-finger sa kanya. Madulas na madulas na talaga ang lagusan nya, malikot na rin ang katawan nya habang nakalapat ang mga kamay sa ibabaw ng lababo.

"Ano Mare, ayaw mo bang ipasok ko? Sige na, libog na talaga ako sayo..."

"Loko-loko ka talaga Pareng Ben, bilisan mo lang ha? Baka magtaka na mga asawa natin sa labas, antagal natin dito."

Akala ko hindi sya papayag, pero sa sinabi nya kaagad kong hinawakan ang titi ko at itinutok sa bukana ng pekpek nya. Madulas na ito kaya agad na pumasok ang ulo ng burat ko sa lagusan nya.

"Aahhmfff." iniipit nya ang ungol nya, "P-pare..."

Ang sarap sa loob nya, pakiramdam ko parang iyon pa lang ang unang beses na kumantot ako ng babae. Gigil na gigil ako nung simulan ko na syang hindutin. Humawak ako sa magkabilang bewang nya upang makabwelo, atsaka ko na sya kinantot na masidhi.

Marahan lang ang kadyot ko para maiwasan ang ingay ng pagsasalpukan namin. Pinagmamasdan ko talaga ang pagpasok at paglabas ng titi ko sa pagitan ng pwet nya. Alam kong maluwang na si Nadia pero damang-dama ko pa rin ang lagusan ng pekpek nya.

Nilamas ko rin ang magkabilang suso nya, dinukot ko, at damang-dama ko ang kalambutan at kalakihan kahit may suot syang bra at shirt.

"Pare, h-huwag mong ipuputok sa loob ha?" sabi pa nya, kaya nung malapit na akong labasan hinugot ko agad ang burat ko at ipinutok ko ang tamod ko sa pwet nya.

Sumirit ang masagana kong tamod sa pwet nya at dumaloy ito pababa sa biyak ng puki nya.

"Ahh, ang sakit Pare, binigla mo naman!" reklamo pa nya nung matapos na kami.

Iyon ang naging simula ng nakakalibog na ugnayang namamagitan sa aming dalawa ni Mareng Nadia. Mula noong araw na iyon hanggang sa mga oras ito ay buhay na buhay pa rin ugnayang iyon.

Pero parang iba na ang pakiramdam ko ngayon sa nangyayari habang pinagmamasdan ko ang mag-ina ko na kasama kong kumakain sa kusina nina Nadia.

"Kain lang kayo ng kain Mare, pakabusog kayo." sabi ni Nadia sa asawa ko.

Palakad-lakad sya sa mesang kinakainan namin habang palihim nya akong sinusulyap-sulyapan at nginingitian.

"Ang sarap talaga ng luto mo Mare," papuri ng asawa ko kay Nadia, "Okay talaga fiesta nyo dito." dagdag pa nya.

Nakatingin sa akin si Nadia nung sumagot sya, "Talagang masarap ang luto ko Mare," sa pagkakasabi nya parang iba ang tinutumbok nya, "Diba Pare?" sabi na nga ba!

"Ah, o-oo n-naman!" taranta kong sagot.

Hindi ko alam kung nananadya itong si Nadia, lalo pa't nakakainsulto ang ngiting pinapakita nya. Insulto para sa asawa ko, dahil sa puntong ito, tanga ang tingin nya sa asawa ko dahil nasa harapan na nya ang ahas, hindi pa nya alam na tinuklaw na sya.

Ewan ko ba kung bakit bigla akong nalungkot.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha ng asawa ko parang naaawa na ako sa kanya, para bang ibang tao sya sa paningin ko, parang hindi sya ang asawa ko. Pati na si Jenica, parang hindi ko sila kilala, parang ngayon ko lang sila nakita.

Bigla kong natanong sa sarili ko, 'Tama pa ba itong ginagawa ko?' Tinutubuan na ata ako ng konsensiya, parang hindi ko na kayang makita pa ang asawa ko na pinagmumukha ko syang tanga, pati na ang anak ko, pinagmumukha ko ring tanga, gayung alam kong pareho silang matalino. Siguro nga buo lang talaga ang tiwala nila sa akin na hindi ko makakayang gawin sa kanila ang mga bagay na ginagawa ko na sa kanila ngayon, ang pagtataksil.

Kinagabihan, nung tumabi na sa akin sa kama si Beth sa pagtulog, napansin ko na parang malungkot sya. Humiga sya sa tabi ko, sinaluhan nya ako sa kumot namin, tapos inabot nya yung lampshade sa side table nya upang patayin.

Pagpatay ng ilaw sumunod ay dilim, pero umusbong ang liwanag ng buwan na nagmumula sa mga bintana kaya medyo maliwanag pa rin. Naaaninag ko pa rin si Beth, at nakita kong tumalikod sya sa akin.

Ngayon ko lang nahalata na ganito na lang pala palagi ang senaryo namin gabi-gabi sa aming pagtulog. At hindi ko na matandaan kung kailan ko huling napaligaya ang asawa ko sa kama.

Umusog ako ng konti sa kanya, tapos nag-back hug ako sa kanya, niyakap ko sya ng mahigpit, gumapos ang kamay ko sa parteng tiyan nya, nagulat na lang ako nung hawakan nya ito at kanyang niyakap.

Sa pagkaka-back hug ko sakanya nadikit ang titi ko sa pwet nya. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtigas nito. Medyo nakainom pa naman ako dahil pinainom ako ni Pareng Arnold kanina sa fiesta.

Naging agresibo ako nung tumaas ang init na nararamdaman ko. Nangyari tuloy binaba ko ang suot na pajama ni Beth. Nakahalata naman sya na gusto ko kaya tinulungan nya ako, at sya mismo ang nagbaba ng pajama nya at panty.

Tinanggal ko ang kumot namin. Nakatalikod pa rin sya sa akin pero nakahubo na sya hanggang tuhod. Inagat ko ang isang pisngi ng pwet nya upang malantad sa akin ang biyak nya. Inilabas ko lang din mula sa pajama ko ang titi ko at kaagad na ibinaon sa puki nya.

Nung una ayaw pang pumasok pero nagawa ding sumagad matapos kong pahiran ng masaganang laway. Umalsa ang katawan nya nung simulan ko na syang kadyotin.

Ganito lang kami magsiping, sa twing lasing lang ako ko ito nagagawa, ganito na lang kami magtalik ngayon, hindi tulad dati na talagang umaabot kami ng halos kalahating oras at nakakagawa pa ng iba't-ibang posisyon.

At sa puntong ito, mga ilang kadyot lang agad na akong linalabasan. Pinasok ko lahat ng tamod ko sa kanya.

Nung makaraos na ako binunot ko na agad ang titi ko at muling isinuot sa loob ng brief ko. Sinuot na rin ni Beth ang panty at pajama nya, at ngayon, ako naman ang tumalikod sa kanya.

Ilang saglit pa naramdaman ko ang kamay ni Beth na gumapos sa akin, ako naman ang binack hug nya. May kakaiba akong naramdaman sa yakap nya. Naglalambing ba sya?

"Ben, mahal mo pa ba ako?" bigla nyang naitanong na kinagulat ko ng husto.

Kinabahan ako sa narinig ko, medyo nabaduyan ako pero may halong konting kilig.

"Ha? Ba't bigla mo namang natanong iyan?"

"Wala, feeling ko kasi hindi mo na ako mahal, baka kinakasama mo lang ako dahil sa marriage contract natin, o kaya baka dahil kay Jenica, kase ako yung ina ng anak mo."

"Ano bang sinasabi mo d'yan?" hinarap ko sya at niyakap ko rin sya, "Mahal kita, mahal ko kayo ng anak mo, huwag ka sanang mag-isip ng kung ano-ano."

"Salamat Ben, akala ko kase hindi mo na ako mahal dahil mataba na ako at losyang na ang ganda."

Nagi-guilty na ako sa mga ginagawa ko. Sa palagay ko nararamdaman na ni Beth ang paglayo ng kalooban ko sa kanila.

Totoong mahal ko sya, mula pa nung una ko syang makita, nung magkakilala kami, mula pa noong araw ng kasal namin at hanggang sa mga sandaling ito mahal ko pa rin sya.

"Sana Ben, may pag-ibig pa rin sa ugnayang namamagitan sa atin." ito ang huli nyang sinabi bago kami matulog ng asawa ko.

Hindi ako nakatulog ng maayos, lingat akp ng lingat. Iniisip ko kase ang masasayang alaala namin ni Beth noong magkasintahan pa lang kami. Nagsisisi na ako sa ginagawa kong panloloko at pangangaliwa sa kanya.

Gusto ko ng bumawi sa kanya, at gusto ko ng tuldukan ang anumang ugnayang namamagitan sa amin ni Nadia.

Sa sumunod na araw, nagtext sa akin si Nadia. Nasa bigasan kami ng asawa ko, masaya kaming nagtatawanan habang nagtatrabaho. Parang muling sumigla ang aming pagsasama buhat nung magkausap kami tungkol sa aming relasyon. Kaso biglang nag-beep cellphone ko, nung tingnan ko, si Nadia ang nagtext. Magkita daw kami mamayang hapon sa dating oras, sa dati naming tagpuan.

Sa isang iglap lang, nagdadalawang isip na ako, sa isang iglap lang parang ayoko na talaga. Gusto ko ng bumawi sa pamilya ko, gusto ko ng bumawi sa asawa ko at gusto ko ng itama ang lahat ng pagkakamali ko. Gusto ko ng simulan ngayon ang pagbabago habang may pagkakataon pa ako at sapat na panahon.

Nireplayan ko si Nadia, sabi ko abala ako ngayong araw, maraming delivery at mag-iinbentaryo pa kami. Totoo naman yung dahilan ko, marami naman talaga kaming gawain ngayon sa bigasan. Isa pa gusto ko na talagang maging tunay na katuwang ng asawa ko sa negosyo namin.

Mga bandang alas singko ng hapon, tinext ko si Jenica upang sabihing huwag na nyang dagdagan ang lulutuin nyang hapunan dahil gagabihin kami ng Mama nya. Sabi ko magluto na lang sya ng para sa kanila ni Sherwin.

Ang totoo hindi naman talaga kami gagabihin ni Beth sa bigasan, gusto ko lang syang yayaing kumain sa labas ng kaming dalawa lang, gusto ko syang i-date at tuwang-tuwa sya nung nasa restawran na kami.

Sinorpresa ko kasi sya, at talagang nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mukha. Masarap sa pakiramdam ang makita kong masaya sya.

Pag-uwi namin sa bahay, mga alas onse na ng gabi, nadatnan namin si Jenica na nasa sala pa rin at nagbabasa ng libro.

"O, ba't gising ka pa? At bakit gabi na nagbabasa ka pa d'yan? Gusto mo bang lumabo ang paningin mo?" sabi ni Beth kay Jenica.

"Ah, hinihintay ko pa po kasi si Sherwin."

"Ha? Ano? Wala pa rin ang asawa mo?" bigla kong natanong.

"Wala pa po eh, sabi po nya mag-oovertime sya."

"Aba Jenica," tumabi ng upo si Beth sa anak nya, "Napapansin ko laging ginagabi ng uwi si Sherwin ah! Tapos nung isang gabi naamoy ko pa sya na amoy alak. Madalas ba syang umuwing lasing?"

Laging umuuwi ng disoras ng gabi, tapos lasing pa? Ang unang pumasok sa isip ko ay baka gumagawa ng kalokohan ang manugang ko.

"Nahahalata ko nga rin po Ma eh. Pero sabi nya nag-oovertime lang sya, at kapag amoy alak naman, tinagayan lang daw po sya sa kanto."

Lokong mokong yun ah! Sobrang gasgas na ang mga palusot nya! Hindi kaya nagbi-beerhouse lang sya? Malinaw para sa akin ang mga senyales. Pero ayoko munang magbitiw ng salita, ayoko muna syang husgahan.

Pero sa loob-loob ko natatakot ako. Hindi ako nahuli ng asawa ko sa pangangaliwa ko, natatakot ako na baka kay Jenica, sa anak ko, napunta ang karma ko.

Paano na lang kung sa mga oras na ito nandoon pala si Sherwin sa babae nya? Paano na lang kung gawin din nya sa anak ko ang kalokohang ginawa ko sa asawa ko, at paano kung mas malala pa?

Dito na nabuo ang desisyon ko na kailangan ko ng makipagkalas sa ugnayang namamagitan sa amin ni Nadia, kailangan ko ng makipagkalas sa kanya. At sana huwag madamay ang anak ko sa lahat ng kalokohan ko.

Agad akong nakipagkita kay Nadia kinabukasan upang wakasan na ang aming bawal na relasyon. Tinext ko sya, sa dating oras, sa dating tagpuan.

Pagdating ko sa motel nandoon na sya. Tulad dati nauna na naman syang dumating. At nung makita na nya ako, na halos kabubukas ko lang sa pinto sinalubong na agad nya ako ng halik.

"O, Ben, ba't ngayon ka lang? Miss na miss na kita eh!" habang hinahalik-halikan nya ako, "Kahapon hindi ako mapakali eh, buti na lang nakipagkita ka ngayon." patuloy nya.

Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat upang awatin, "T-teka lang." sabi ko.

"O, bakit?"

"May sasabihin sana ako sayo." pero ang totoo hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Hindi naman kasi ganoon kadaling basta makipagkalas na lang.

"Ano?" taka nya, "Pwedeng ako muna? May gagawin sana ako sayo eh!" nakangiti nyang sabi.

"Ha? Ano?" usisa ko.

Bigla syang lumuhod sa tapat ko at mabilis nyang kinalas ang sinturon sa suot kong pantalon, at bago ko pa sya maawat nagawa na nyang ilabas ang burat ko mula sa brief ko.

"Heto..." sagot nya sa tanong ko.

Nabigla na lang ako nung bigla nyang isubo ang malambot ko pang burat. Nanginig na lang ang katawan ko nung sipsipin nya ang ulo ng titi ko.

Gumapang ng mabilis ang libog sa akin na lumaganap sa buong kaluluwa ko, hindi ko na tuloy sya nagawa pang awatin, at hindi ko na rin nagawang ituloy pa ang sasabihin ko sana sa kanya.

Sa loob kasi ng isang taon naming nagtatalik, ngayon lang nya kinana ang burat ko, ngayon ko lang naranasang kantutin sya sa bibig.

Pinagmamasdan ko sya habang tsinutsupa nya ako. Unti-unting tumitigas ang titi ko sa loob ng bibig nya. Unti-unti nya itong pinahahaba at pinalalaki. Alam na alam nya ang gagawin, mukhang sanay na sanay sya. Aliw na aliw ako at sarap na sarap.

Kapag nasa gitna ka ng kaligayahang iyong tinatamasa hindi mo talaga maiisip pa na mali ang iyong ginagawa. Hindi ko tuloy nagawang makipagkalas sa kanya, ang balak kong pakikipaghiwalay sana ay nauwi sa isang nagliliyab na sex.

Nung makaraos na kami, tulad dati dumiretso ako sa bigasan. Doon ay nadatnan ko ang asawa ko na hinahagod ang likod ng anak ko. Nakatayo ang asawa ko at nakaupo si Jenica habang umiiyak.

Nag-worry ako kaya agad ko silang nilapitan, "Ano'ng nangyari? Bakit umiiyak ka anak?" tanong ko agad kay Jenica.

Hindi sya makasagot dahil sa pag-iyak nya kaya si Beth ang sumalo sa tanong ko, "May nakita daw kasi syang text message sa cellphone ni Sherwin kagabi."

Naknang! Sinasabi ko na nga ba! Ano pa't babae ang nagtext kaya umiiyak ang anak ko.

"Jenica tahan na anak, hindi makakabuti sa baby mo ang pag-iyak mo, lalo't kabuwanan mo na." comfort ko sa kanya, "Ano bang text yun? Sino nagtext?" sunod kong tanong.

"P-pa, Janet yung sender, hindi ko kilala, magkita daw sila bukas, ngayon nga, sa dating oras, at sa dating tagpuan. Malamang sa mga oras na ito magkasama na sila."

Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko sa biglaang galit at pagka-inis. Hindi kay Sherwin, kundi sa sarili ko. Heto na ata yung araw na pinakatatakutan ko. Sa dating oras, sa dating tagpuan? Tangna dapat noon ko pa tinigilan ang pambababae ko!

"Pa, nagkulang ba ako? May nagawa ba akong mali? Bakit nambabae si Sherwin? Wala pa man kaming isang taon ah!"

Niyakap ko ang anak ko ng mahigpit na mahigpit, at napaiyak na lang din ako sa kanya. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na wala syang kasalanan, na ako ang may kasalanan, na sya ang nagdurusa sa karma ng kapalaran na dapat sana sa akin!

Pero hindi ko magawang umamin...

Ngayon talagang itatama ko na ang lahat. Sinabi ko kay Jenica na kakausapin ko ang asawa nya mamayang gabi. Kung talagang may babae sya, si Jenica na ang bahalang magdesisyon kung makikipaghiwalay ba sya o bibigyan nya ng pangalawang pagkakataon.

Lalo akong napaiyak sa naisagot sa akin ni Jenica, "Hindi Pa, wala pong hiwalayang mangyayari, mahal na mahal ko po si Sherwin, at mahal na mahal ko po itong baby sa sinapupunan ko, wala akong pake kahit ilang babae pa ang meron sya, ang mahalaga sa akin ay huwag magkawatak-watak ang ugnayang namamagitan sa pamilya namin. Kaso Pa, masakit nga lang kaya po ako umiiyak."

Pinauna ko ng umuwi sina Beth at Jenica, sabi ko may dadaanan lang ako. Pumunta ako sa Templo ng Hari, doon ako lumuhod at humingi ng tawad, at nagmakaawang bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon.

Paglabas ko sa Templo parang bumuti ang pakiramdam ko, umaliwalas ang loob ko at nakakapag-isip na ako ng maayos. Kalmado na rin ako. Hindi ko rin naman kasi kayang saktan si Sherwin lalo't pareho lang kaming nambabae.

Nung pasakay na ako sa kotse ko may tumawag sa aking lalaki, sya yung pamankin ko na anak ng kuya ko.

"Tito, pauwi na kayo? Pasabay po?" sabi nya sa akin. Tatlong bahay lang kasi ang pagitan ng mga bahay namin.

"O, san ka galing? Ginabi ka ata?" tanong ko sa kanya sa loob ng kotse nung bumibyahe na kami.

"Opo, galing lang po dun sa kaklase ko." ang alam ko magka-edad lang sila ng anak ko.

"Sya nga pala Tito, ayos yung manugang nyo ha, si Sherwin." bigla nyang nasabi.

"Aba kilala mo sya?"

"Opo. Kapag nag-iinuman kami tinatagayan namin sya pag napapadaan sya sa gabi. Ayos syang makisama, mabait at mukhang mabuting tao."

Bigla kong naalala yung sinabi ni Jenica na minsan umuuwi ng lasing si Sherwin. Hindi kaya ang mga pinsan ni Jenica lang talaga ang nakakainuman nya?

Napangiti na lang ako.

"Sige po Tito, salamat po." binaba ko na sya sa tapat ng bahay nila.

Pagkagarahe ko sa kotse, isasara ko na sana yung gate pero nakita ko si Mang Pedro na nagtitinda ng balot sa amin. Tinawag ko sya, dati kasi pinagbibilhan nya ako, sinadsadya nya talaga akong katukin sa bahay, pero nitong mga nagdaang araw malimit ko na lang syang makita.

"Mang Pedro, pabili nga ho ako." pagtawag ko sa kanya.

Paglapit nya, "O, ba't ka bumibili sa akin? Hindi ba nagtitinda rin ng balot ang manugang mo?"

Nanlaki mga mata ko, "Ho? Si Sherwin?"

"Oo si Sherwin, magkatabi pa nga kami ng pwesto sa plaza eh. Nagtataka nga ako kung bakit nagtyatyaga pa syang magtinda at magpagabi sa plaza gayung mayaman naman kayo. Pero mukhang masipag ang manugang mo ah."

Naku, ano kaya pinaggagagawa ng Sherwin na 'to, bakit sya nagtitinda ng balot?

"M... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (4 years old)
Writings: 188

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
18 comments   3 favorites   3,349 views