Poem

Tunay na Pag-ibig

February 12, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Mula nang makilala kita naging maayos na ang buhay ko.
Tinuruan mo ako kung paano magmahal.
Tinuruan mo ako kung paano maging mabuting tao.
Pinakita mo sa akin ang katotohanan sa huwad na mundong ito.

Sa simula pa lang minahal mo na ako.
Ibinigay mo ang buhay mo para sa akin.
Iningatan mo ako at hindi pinabayaan.
Minsan pinapahirapan mo ako pero sa huli ipinahiwatig mo lang sa akin na kailangan kong masaktan upang tumibay ang kalooban ko.

Sa dami ng ginawa mo para sa akin,
ni minsan hindi ka humingi ng kapalit.
Tingin ko pa nga namimihasa na ako,
pero lahat ng hingin ko sayo binibigay mo parin.

Dumating pa tayo sa puntong hiwalayan.
Pinagdudahan ko ang pag-ibig mo,
Feeling ko kase binabalewala mo na lang ako,
Hindi mo na ako pinapansin na parang hindi mo na ako mahal.

Inaway kita, sinigaw-sigawan.
Kung ano-anong masasakit na salita ang binitawan ko sayo,
Pero nanatili kang kalmado.
Hindi mo pinapatulan ang init ng ulo ko.

Sa relasyon natin marami akong naging kasalanan,
Pero ang lahat ng ito pinatawad mo.
Nanatili kang tapat sa akin kahit hindi ko magawang magbago para sa iyo.
Hindi mo ako hinusgahan, hindi mo ako sinaktan tulad ng pananakit ko sayo.

Ni minsan hindi ka gumanti.
Binigyan mo ako ng kalayaang magdesisyon sa ano mang bagay.
Ni minsan hindi mo ako sinumbatan.
Palagi kang nariyan sa mga oras na kailangan kita.

Pinapasaya mo ako sa twing malungkot ako.
Sinasamahan mo ako sa lahat ng problema ko.
Dinadamayan mo ako sa lahat ng hinanakit ko.
Kapag kailangan ko ng makakausap nandyan ka.
Ni minsan hindi mo ako iniwan.

Lagi mo akong naaalala sa twing nalilimutan kita.
Lagi kang kumakatok sa aking puso.
Mahal na mahal mo ako, tunay at totoo.
Alam kong hindi ko mapapantayan ang pag-ibig mo sa akin.
Sana lang sapat na ang inaalay ko para malaman mong ikaw ang buhay ko.

Tinanggap mo ang buong pagkatao ko.
Kung ano ako, kung anong meron ako.
Samantalang ako ang dami ko pang tinatanong tungkol sayo.
Hindi ko alam kung anong nagustuhan mo sa akin.
Ni hindi ako karapat-dapat mahalin ng isang tulad mo, pero minahal mo pa rin ako.

Salamat...
Pasensya ka na nga pala kung minsan tinotopak ako.
Alam mo na, tao lang, nagkakamali din.
Salamat sa mahabang pasensya.

Salamat...
Pasensya na kung minsan iniindian kita sa weekend date natin.
Alam mo na, busy lang sa mga ilang bagay.
Salamat sa understanding.

Sorry kung minsan narereject kita.
Sorry kung minsan nagpapadala ako sa tukso.
Sorry kung minsan kahit alam k... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
4 comments   1 favorite   993 views