Tu Recuerdo

June 4, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Supernatural | Tags:

Tu RecuerdoBagong upa si Gertrude sa Regina building sa may Escolta. Isa iyong apat na palapag na gusali. Ang magandang estilo ng gusali ay sumasalamin sa neo~klasikong arkitektura nito na gustong~gusto ni Gertrude. Sa katunayan, matagal na niyang gustong tumira doon dahil nagagandahan siya sa estilo ng pagkakayari nito. Unang beses pa lang niyang makita ang gusali ay nabighani na siya nito. Sa isang kuwarto sa pinakaitaas na palapag pinalad na makakuha ng unit ang dalaga. May ilang hanay ng unit doon na private property. Mayroon din namang mga kuwarto sa palapag ng unit niya na nagsisilbing opisina kapag business hours.

Isang freelance photographer si Gertrude. Ilang mga fashion magazines ang regular na kumukuha sa kaniyang serbisyo.

Kadalasan, gabi na kung umuwi si Gertrude sa kaniyang unit. Isa sa nagustuhan ng dalaga sa pagtira sa gusaling iyon ay ang katahimikan ng paligid. Bagaman, maingay ang paligid sa labas ay hindi iyon dinig sa loob. Dahil doon, nakakapag~concentrate si Gertrude sa pag~edit sa kaniyang laptop ng mga photoshoots at pictorials.

Lumipas ang ilang araw, habang nakahiga si Gertrude sa kama; nakarinig siya ng mahinang ingay sa kalapit na kuwarto. Naisip niyang may bagong lipat doon. Parang pianista ito dahil naririnig niya ang pagtugtog nito ng piano sa unit nito. Bagaman medyo mahina lang naman iyon ay naririnig iyon ni Gertrude dahil sa katahimikan ng paligid sa kalaliman ng gabi. Tiyak ng dalaga na mula iyon sa totoong piano at hindi sa cd lang. Isang classic piano piece ang mahina niyang naririnig.

Iyon na ang naging simula. Tuwing oras na ni Gertrude sa pagtulog, naririnig niya ang klasikong piyesa na pinagtutugtog ng misteryoso pianista. Naisip ng dalaga na malamang isang beteranong pianista ito na tumutugtog sa mga music bars ng isang sikat na hotel o sa mga private functions.   

Hindi naman niya makuhang magalit sa taong iyon na tila walang pakialam sa mga kalapit kuwarto niya dahil mahusay itong tumugtog. Sa katunayan, nagugustuhan ni Gertrude ang mga pinatutugtog nito. Hanggang sa hindi na namamalayan ng dalaga na nakakatulog na siya sa pakikinig sa mga iyon.

Minsang inumaga ng uwi si Gertrude, naabutan niya ang isang babaeng cleaner na lumabas sa kuwartong iyon.  Dahil naintriga si Gertrude sa pianistang nakatira doon. Naisipan niyang sumulyap sa nakabukas na kuwarto. Binati pa siya ng tagalinis sa pagsapit niya sa tapat ng pinto. Nakita ni Gertrude na may kalakihan pala ang silid na iyon. Maganda ang kuwarto bagaman vintage ang paligid na halatang alaga sa linis. Halatang mayaman din ang bagong lipat dahil sa mga mamahaling antigong kagamitan doon. Isang kulay puting piano ang nakita niya sa loob. Isang matandang lalake naman ang lumabas ng silid. Nabakas ni Gertrude sa mukha ng lalake na guwapo ito nung kabataan niya. Tinanguan siya ng lalake sa paglabas ng silid. Suot nito ang isang brown na fedora hat. May hawak din itong baston na inaalalayan ng cleaner sa pababa nito ng hagdan. Gusto pa sanang kausapin ni Gertrude ang matanda at sabihing mahusay itong tumugtog ng piano ngunit tila nagmamadaling bumaba ang lalake.

Walang lakad si Gertrude sa umagang iyon. Ang ginawa niya, hinanap niya sa youtube ang classical piece na laging pinatutugtog ng matanda. Iyon pala ay ang Nocturne In E Flat Major, Op.9 No.2 ni Frederic Chopin.

Sa gabing iyon, nakahiga na naman si Gertrude sa kama habang nagbabasa ng libro. Hindi siya dalawin ng antok. Hinahantay niya ang pagtugtog ng matanda. Tila hinahanap na niya ang melodiya ng piano para siya makatulog. Makalipas ang ilang sandali, narinig niyang muli ang matandang lalake na tumutugtog ng piano. Ibang piyesa naman ang pinatutugtog nito.

Tulad ng chopin na pinatutugtog nito, maganda din ang naririnig ngayon ni Gertrude. Habang pinakikinggan niya iyon ay ramdam ng dalaga ang emosyon sa pagtugtog ng matanda sa kabilang kuwarto. Mukha namang mabait ang lalake kanina, kaya naisipang puntahan ni Gertrude ang matanda.

Sa pinto ng kuwarto nito ay mas dinig ni Gertrude ang tinutugtog nito. Kumatok siya. Saglit na huminto ang pianista sa pagtugtog. Pero hindi nito pinansin si Gertrude bagkus ay muling narinig ng dalaga ang pagtugtuog nito ng piano sa loob ng kuwartong iyon.

Naisip niyang baka hindi siya narinig ng matanda kung kaya muli siyang kumatok nang mas malakas. Bumukas ang pinto. Nakapinid lang pala iyon. Sa pagbukas ng pinto ay napansin ni Gertrude na medyo dim ang ilaw sa loob mula sa ilang lampshades doon. Nakita din ni Gertrude ang matanda na nagpa~piano. Mula sa pinto ay nakatalikod ito suot ang isang puting fedora hat na terno sa suot nitong puting suit. Makintab ang kulay puti nitong sapatos na nagta~tap sa sahig habang tumutugtog.

 Natuwa si Gertrude sa husay ng pananamit ng lalake. May nabasa siya sa isang fashion magazine na ganun ang pananamit noong circa 40s. Gaya ng mga damit sa napanood niyang vintage movie na Dick Tracy. Mukhang ganun ang suot ng matandang pianista ngayon. Na tiyak ni Gertrude na maraming kadalagahan ang humahanga sa matanda noong kabataan niya. Na iilan na lang siguro sa mga iyon ang buhay sa ngayon. Makisig tingnan ang matanda sa suot niyang iyon.  

“Ay hello po! Naririnig ko po kasi kayo sa kabilang room. Natuwa lang po akong puntahan kayo dito para sabihing ang husay~husay niyo.”sabi ni Gertrude.

“Salamat kung naibigan mo ang piyesang tinutugtog ko.”sagot ng pianista.

Hindi inaasahan ni Gertrude na parang kasing~edad lang niya ang boses ng matanda. Akala niya mahina at paos na ito gaya ng sa mga kaedad niya.  

Inalis ng pianista ang puting sumbrero. Inaasahan na ni Gertrude na puting mga buhok ang makikita niya pero nagkamali ang dalaga. Makintab at kulay itim na buhok ang nakikita niya ngayon sa lalake. Katamtaman ang haba niyon na maayos ang pagkakasuklay. Humarap ang mukha ng lalake kay Gertrude. Hindi iyon ang matandang nakita niya kanina. Ang lalakeng kaharap niya ay kasing edad niya, makinis ang mukha at matangos ang ilong. Ngumiti ang lalake kay Gertrude. Napansin ng dalaga ang magandang labi nito pati na ang maputing ngipin nito.

“Bagong lipat ka lang ba dito sa Roxas Building?”sabi ng lalake.

 Sumagi sa isip ni Gertrude na dating pangalan iyon ng building nila. Naisip niya na may pagka~oldies pala ang trip ng lalakeng ito. Sinakyan na lang niya iyon.

“Slight lang. Tsaka mas nauna ako sayo dito. Hello? Ikaw kaya ang bagong lipat diyan.”

Nailing naman ang lalake. Bahagya siyang natawa sa tinuran ni Gertrude sa kaniya.

Lumabas ang biloy o dimples ng binata sa magkabila niyang pisngi.

“Alam  mo mayroong kakatwa sa paraan ng iyong pananalita. Hindi ko matiyak kung narinig ko na ba ang ganyang estilo ng pagsasalita mo.”

“Really? Eh ikaw nga diyan ang weird magsalita. Napaka~oldies mo pala gaya ng lolo mo.”

“Really? Oldies? So you speak English. Natitiyak ko na nagmula ka rin sa isang prominenteng pamilya gaya ko. Tiyak kong hindi rin sisid rice ang kinakain mo ngayon.”

“Sisid rice? Ano naman yun?”

“Ganito kasi yun. Hindi ba’t ilang linggo pa lang ang nakakalipas matapos ideklarang open city ang Maynila?”

“Ganun ba? Hindi ko yata nabalitaan iyon.”

 “Natutuwa ako sa iyo. Kakatwa ka. Bueno, taggutom ngayon sa labas. Kung hindi pa nakakarating sa’yo ay kasta niyog na ang kinakain ng mga ordinaryong tao. Kung hindi naman, kumakain sila ng sisid rice. Mula iyon sa lumubog na barko malapit sa pier ilang buwan na ang nakakaraan. Naglalalaman iyon ng maraming sako ng bigas.

Dahil sa kawalan ng pagkain ay napilitan ang mga tao ngayon na sisirin iyon at iluto para malagyan ang kumakalam nilang sikmura. Ano ba ang kinakain mo ngayon?”

“Ako? Marami. Madalas sa resto ako kumakain pag tinatamad akong magluto.”

“Mapalad ka. Kaninang dumaan ang cadillac ko sa Paseo de Azcarraga may nakita akong lalakeng nakaupo. Patay na siya. Namatay siyang nakaupo dahil sa gutom.”

“That’s creepy. Tsaka yung Azcarraga na sinasabi mo alam ko Recto Avenue yan eh. Nalaman ko yan nung nag~aral ako sa FEU. Nasa history class namin iyan. You’re creepy. Napaka~oldies mo talaga.”

“Hindi kita maintindihan. Bueno, kanina pa tayo masinsinang naghuhuntahan sa kuwarto ko pero hindi pa natin naipapakilala ang isa’t~isa. Ako nga pala si Juanito Paez y Zamora. Beinte otso anyos at panganay sa dalawang anak ni Don Simoun Elizalde Paez at Ambrosia Trinidad Zamora.”

“Ako pala si Gertrude Bernal.”

“Ikinagagalak kitang makilala Binibining Gertrude.”

Nagkamay silang dalawa. Ramdam ni Gertrude ang kinis ng kamay ng lalake.

“Ano ba yan napaka~formal mo namang magsalita Johnny.”

Ngumiti naman ang lalake matapos ibahin ni Gertrude ang pangalan niya. Muli siyang humarap sa piano at itinuloy ang pagtugtog. Napansin ni Gertrude na may kakaiba sa kilos ni Juanito. Halatang may etiquette ito na bihira sa mga kalalakihang nakakasalamuha niya.

“Ano nga pala yang tinutugtog mo?”

“Ito ba? Smoke Gets In your Eyes ang piyesang ito. Ang ganda hindi ba?”

“Oo maganda. Tsaka bilib ako sa husay mo sa piano.”

“Hilig ko kasi ito simula bata pa lang ako.”  

 “Pwede ba akong mag~stay saglit dito. Panoorin lang kita.”

“Oo naman. Sige maupo ka diyan sa sofa sa harapan ko.”

At naupo si Gertrude. Pinanood niya ang lalake. Iyon na ang naging simula ng pagkakaibigan nilang dalawa. Tuwing pagsapit ng alas onse y medya. Nagpupunta si Gertrude sa kuwarto ni Juanito at pinanonood niya ang lalake. Tumitingin si Juanito sa kaniya habang nagpapatugtog ito. Nginigitian naman siya ng dalaga. May pagkakataon na nagkakatitigan sila ng medyo matagal. Ngingiti ng ubod ng tamis sa kaniya si Juanito at muling titingin sa piyesang tinutugtog. Kahit weirdo si Juanito, malakas ang appeal niya kay Gertrude. Sa sandaling iyon crush na ng dalaga ang pianista. Gayundin naman si Juanito na masaya din kapag naroon si Gertrude.

Isang gabi, habang nakikinig si Gertrude sa isang klasikong tinutugtog ni Juanito ay nakatulog siya sa sofa.. Namalayan na lang ni Gertrude na umaga na. Wala na doon si Juanito.

Kinagabihan, muli na namang pinuntahan ni Gertrude si Juanito. Gaya ng inaasahan niya, papaupo pa lang ito sa piano. Nakasuot naman ito ngayon ng isang oxford suit.

“Ang daya mo Johnny, bakit hindi mo ko ginising? Nakatulog pala ako sa sofa kagabi.”

“Binantayan naman kita magdamag. Tsaka pansin ko na pagod ka kaya hinayaan na lang kitang magpahinga sa sofa. Tsaka maaga akong umalis. Bumisita ako sa aking kapatid na lalake. Heto nga at kakauwi ko lang.”

“Hmmm. Ganun ba? Salamat ha. Bakit ba gabi ka lang nandito sa kuwarto mo?”

“Madalas nandito rin ako sa umaga.”

“Hmmmm. Wala kaya. Baka naman sa umaga may babae ka dito sa room mo at ayaw nyo lang maistorbo.”

 “Nobya ang tinutukoy mo? Wala na akong nobya Gertrude.”

“Bakit naman?”

“Hindi na siya bumalik dito sa akin. Nag~antay ako.”

“Ganun ba. Wawa ka naman.”

“Tanggap ko na iyon. Maluwag na ang dibdib ko ngayon.”

“Nakapag~move on na ang weirdo ha.”

“Kung iyan ang tawag doon ay Oo…Nakapag~move on na ako Gertrude.”

“At bakit naman?”

“Dahil may nagpapasaya na sa akin ngayon. Na sa kabila ng lahat ay muli akong nabuhayan ng loob.”

Tinitigan ni Juanito si Gertrude. Ngumiti ito sa dalaga. Naupo na ang binata sa harapan ng piano. Muling umupo sa puwesto nito sa sofa si Gertrude. Nag~piano na si Juanito habang nagkakatinginan sila ng dalaga.

Sa paglipas pa ng mga linggo, weird man kausap si Juanito ay masaya si Gertrude kapag naroon siya sa kuwarto nito. Sa kabila ng pagka~oldies nito ay intelihente itong kausap. Sa sandaling iyon, naramdaman na lang ni Gertrude na nahulog na ang loob niya sa lalake.  

Tuwing gabi lang sila nagkikita ni Juanito sa kuwartong iyon pero ang oras na iyon ang pinakamasayang oras sa buong araw ni Gertrude.

Isang gabi, naabutan ni Gertrude ang lalake na nakadungaw sa saradong bintana. Iba naman ang kasuotan ni Juanito. Naka~putting long sleeve shirt ito na may suspender. Disente pa rin itong tingnan sa suot nitong slacks at brown leather shoes.

Nang mapalingon si Juanito kay Gertrude ay ngumiti ito sa dalaga. Napansin ng dalaga ang kislap sa mga mata ni Juanito. Umupo ito sa harap ng piano at inalok naman niyang maupo na si Gertrude sa sofa.

“Madalas kong itugtog sa kasintahan ko ang piyesang ito noong magkasama pa kami. At nang iwan niya ako ay patuloy ko pa rin itong tinutugtog. Ngayon, hindi na balot ng kalungkutan kong patutugtugin ito. Masaya na ako. Masaya ako dahil nakilala kita. At para sa’yo ang itutugtog kong ito.”

Narinig ni Gertrude ang himig sa piano. Kung dati ay may halong lungkot ang pagtipa ni Juanito ay iba na sa gabing iyon. Puno ng pag~ibig ang laman ng melodiyang kaniyang tinutugtog.

Tumayo si Gertrude, nilapitan niya si Juanito at naupo sa tabi ng binata. Nagkatinginan silang dalawa. Hinawakan ni Juanito sa pisngi ang dalaga. Lumapit ang labi nito sa labi ni Gertrude. Napapikit si Gertrude nang magdikit ang kanilang labi. Napasinghap siya nang hawakan ni Juanito ang kaniyang kamay.

Naupo si Gertrude sa ibabaw ng piano. Tumayo si Juanito at muling nagdikit ang kanilang mga labi. Nalanghap ng dalaga ang mabangong hininga ni Juanito. Naramdaman ni Gertrude na inililislis ni Juanito ang suot niyang damit. Nagpaubaya siya sa gustong mangyari ng lalake. Hanggang sa maging ganap na siyang hubad sa ibabaw ng piano. Naghalikan silang muli. Si Gertrude naman ang nag~aalis ng kay Juanito. Hinawakan siya sa kamay ng lalake. Hinila siya nito patungo sa kama. Sabay silang naglakad papunta doon. Sabay silang humiga doon. Magkadikit at magkayakap ang hubad nilang katawan. Amoy ni Gertrude ang bango ng katawan ni Juanito. Ramdam niya ang kakisigan ng katawan nito. Sa ibabaw ng kamang iyon ay ginawa nila ang ritwal ng pagmamahalan.

Kinabukasan, nagising si Gertrude sa kama. Wala na si Juanito. Hindi na niya namalayan kung ano pa ang sumunod na nangyari matapos ang maiinit nilang sandali kagabi.

Naghintay si Gertrude buong maghapon pero walang Juanitong bumalik sa kuwarto nito.

Sa gabing iyon, nakahiga na sa sariling kama si Gertrude sa loob ng kaniyang kuwarto. Inis siya dahil sa ginawa biglaang pag~alis ni Juanito sa kabila ng espesyal na naganap sa kanila. Nang papikit na siya ay narinig niya ang pagtugtog ng piano ni Juanito. Mabilis siyang bumangon at pinuntahan ang lalake.

Sa muling pagkikita nilang dalawa, sabik silang nagyakap. Biglang nawala ang galit ni Gertrude sa ginawa ng lalake. Yakap siya nang mahigpit ni Juanito. Kasama niya ang lalaking mahal niya at iyon ang mahalaga para kay Gertrude. Isinara ng dalaga ang pinto at muling nakipaghalikan kay Juanito. Ilang sandali pa ay nasa ibabaw silang muli ng kama. Doon ay mapagpaubayang ipinagkakaloob ni Gertrude ang sarili sa lalakeng minamahal niya.

“Juanito…Huwag mo akong iiwan ha. Huwag kang aalis.”

“Mahal kita Gertrude…”

“Ikaw din Juanito. Mahal na mahal kita…”

Sa buong magdamag na iyon ay pinagsaluhan nila ang init ng kanilang pagmamahalan. Pilit pinipigilan ni Gertrude ang makatulog pero tuluyan na siyang binalot ng antok. Nakatingin pa sa kaniya si Juanito na nagsasabing mahal na mahal siya nito.

Kinaumagahan, muling nagising si Gertrude. Gaya kahapon, wala muli si Juanito.

Nagtaka na siya. Nagtungo siya sa kuwarto upang magpalit ng damit. Sa pagbalik niya sa kuwarto ni Juanito ay naabutan niyang papasok ang matandang lalake sa kuwartong iyon. Humahangos siyang pinuntahan ang matandang lalake.

“Excuse me po. Kayo po ba yung lolo ni Juanito?”

Parang nabigla ang matanda sa sinabi ni Gertrude.

“Iha. Pakiulit nga yung sinabi mo. Juanito kamo?”

“Opo. Si Juanito nga. Siya po yung nakatira sa unit na to hindi ba? Siya yung mahilig magpatugtog ng piano diyan.”

Nakita ni Gertrude na magkahalong pagkabigla at pagtatakang reaksiyon ng matanda.

“Me problema po ba? Nasan po si Juanito?”

“K~Kasi iha. Ang sinasabi mong Juanito ay kuya ko. Na imposible ang sinasabi mo kasi matagal na siyang patay. Namatay siya nung japanese occupation sa kuwartong ito.”

Nanlambot ang tuhod ni Gertrude sa narinig. Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig. Kusang dumaloy ang luha sa mga mata niya.

“Nagbibiro ho ba kayo? Sabihin nyong nagbibiro kayo. Buhay si Juanito. Buhay siya. ”

“Iha. Totoo yung sinasabi ko. Oo at dito nakatira si Juanito. Na kuwarto niya ito at kaniya ang mga gamit dito. Pero imposible ang sinasabi mo. Namatay siya dito. Sa kuwartong ito siya pinatay ng mga sundalong hapones na may kasamang Makapili. Tinupad niya ang pangako sa kasintahan na mag~aantay siya dito hanggang sa huli.

Humagulgol si Gertrude. Nang mahimasmasan, ipinakita ng kapatid ni Juanito ang mga black and white na larawan ng yumao niyang kapatid sa mga lumang album na nakatago sa cabinet ng silid ni Juanito.

Nakita ni Gertrude ang masayang si Juanito sa mga larawan nito. May larawan pa ito kasama ng kaniyang kasintahan sa tabi ng puting piano na naroon.  

“Ano po bang nangyari sa kasintahan ni Juanito? Bakit hindi siya dumating sa usapan nila ni Juanito?”

“Nalaman na lang namin mula sa isang liham na pinadala niya matapos ang digmaan na kaya siya hindi nakabalik kay Juanito dahil isang Makapili ang gumahasa sa kaniya. Matagal na pala siyang gusto nito. Na nagsinungaling din ang lalakeng iyon sa pagsasabing nagpakasal na sa iba ang aking kapatid. Nagbunga ang ginawa ng makapili sa kaniya dahilan upang mapilitan siyang pakasal dito para hindi mapintasan ang dangal ng kaniyang pamilya.”

“Buhay pa ba ang dati niyang kasintahan? Ano po bang pangalan niya?”

“Matagal nang pinutol ng aming pamilya ang komunikasyon sa kaniya. Ang pangalan niya ay Remedios Yniquez.”

Muntikang himatayin si Gertrude. Pangalan iyon ng kaniyang yumaong lola.

“Ang pangalan naman ng makapiling pumatay kay Juanito ay si Miguel Bernal. Siya din ang lalaking gumahasa at kalaunan ay napangasawa ni Remedios.”

Hindi na nagawang makapagsalita ni Gertrude sa narinig. Ang lola pala niya ang naging kasintahan ni Juanito. Ibig sabihin multo ni Juanito ang lalakeng minahal niya. Nagmahal siya ng lalakeng matagal ng patay. At ang lolo niya. Ang lolo Miguel niya ang naging hadlang sa pagmamahalan ng dalawa. Hindi na matandaan ni Gertrude kung paano siya nagpaalam sa matandang lalake. Namalayan na lang niyang umiiyak siya sa sarili niyang kama. Hawak niya ang larawan ni Juanito at ng yumao niyang lola. Umiyak siya nang umiyak buong maghapon.

Mahal na mahal niya si Juanito. Mahal na mahal niya ang lalakeng nabuhay sa ibang panahon. Na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay muling nagtama ang landas ng kanilang lahi sa pamamgitan niya.

Gabi na. Namamaga ang mata ni Gertrude sa kaiiyak. Natigil siya sa pag~iyak. Narinig niyang muli ang musika ng piano. Mabilis siyang bumangon. Ilang saglit pa ay nasa pintuan na siya ng kuwarto ni Juanito. Naroon si Juanito, mas maaliwalas ang mukha ngayon ng binata. May liwanag sa katawan ni Juanito. Mas naging guwapo ito sa mga mata ni Gertrude. Nakangiti sa kaniya ang lalake habang t... Read More

About the Author :

Joined: July 11, 2014 (2 years old)
Writings: 78

Send PM · Male · Offline

I love to write erotic stories. I also write in Wattpad under the same name. My stories will be published soon.
38 comments   4 favorites   3,241 views