Trixie ang Ate ni Gf 7

July 12, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers | Tags: , , ,

Something came up at medyo natagalan ang kasunod. Sana supurtohan niyo pa rin ang aking mga likha. Salamat sa nag add as favorite ng story ko. Asahan niyong madami pang kasunod! :)

Ano ba ang nangyayari sa akin bakit ganito ang nararamdaman ko. Mahal ko ang bf ko pero bakit parang nasasabik akong makita si George palage... Sa isip ni Margareth

Titig na titig si Margareth sa binata habang nag eexplain ito ng kanilang assignment sa harapan. 

Bakit kaya ako hindi napapansin ni George? Pangit ba ako? Simula ng highschool nagpapacute na ako pero wala pa ding nangyayari. Paanong si Kate pinatulan niya eh mas hamak na maganda at sexy naman ako. Kelangan ba talaga ng alak para lumabas ang tunay na lakas ng loob mo sa babae George?! Nakakainis ka!... Napakunot ng noo si Margareth habang iniisip ang mga pangyayari na naikwento ng kaibigan. 
Gusto niya si George ngunit di maitatangi na mahal niya ang boyfriend.

Si Margareth at Kyle ay 2 years ng magkasintahan. Maligaya sila sa isat isa. Anak ng Senador si Kyle kung kayat walang tutol ang ama ng dalaga na isa namang mayor sa kanilang relasyon. Kontrobersyal ang ama ng binata at pinaghihinalaang may mga tagong yaman, pinaiimbestigahan kung paanong nagsipag sulputan ang mga negosyo nito kasama na rito ang mga condo sa mga sikat na cities ng Pilipinas. Labas masok si Kyle sa bahay nina Margareth maging sa kanyang kwarto. Mahinhin ang dalaga at ang alam ng mga magulang ay napakatatag ng prinsipyo at pangako niya na hinding hindi isusuko ang kaberhinan hanggat hindi pa sila kasal ng binata. Head turner kung tawagin itong si Margareth at masasabing pinakamagandang babae sa buong eskwelahan. Super sexy at wala ka nang ibang titignan pa pag nandiyan siya sa paligid. Kahit napapalibutan pa siya ng ibang magagandang dalaga angat talaga ang beauty niya. Bunso siya sa dalawang magkakapatid, panganay si Trixie 29 years old, may isang anak at misis naman ng isang chinoy na may malaking negosyo sa buong Pilipinas. 

Krrrrriiiiiinnnnnnn... Tunog indikasyon na tapos na ang klase.

"George! Punta tayo kina Margareth sa Saturday ha? Susunduin kita sa bahay niyo"... Bungad ni Kate sa papalabas na sanang binata. 

"Hindi siguro ako makakadalo, nakakahiya bukod sayo si Margareth lang yata ang kakilala ko sa party na yan." paliwanag ng binata.

"pupunta din sina Ruby at Karla, pati na rin si Ryan at iba pa nating mga kaklase." sagot naman ni Kate. 

"Susubukan ko" tipid na mga katagang iniwan ni George sabay ng pagtalikod sa dalaga. 

Sakay ng motorsiklo lumabas ng gate si George para umuwi. Napatigil siya ng may nag uumpukang mga tao na tila may pinapanood na shooting ng pelikula. Napatigil din ang kotse ni Margareth, kasama niya ang kanyang boyfriend na siyang nagmamaneho. 

Duguan ang mukha ni Joey habang hawak hawak ang dalawa niyang balikat ng dalawang estudyanteng taga ibang paaralan. Gumagapang naman at nanghihina si Fred at ang anim niyang kagrupo. Gulpi ang inabot ng pitong magkakabarkada sa labinwalong estudyante ng isang Public University na ka engkwentro ng kanilang paaralan sa Basketball League pang kolehiyo. 

"ikaw putang ina ka kung di ka naman bobo yung pipiliin mo pang talohin sa sugal eh kami pa!" wapak! Isang malakas na suntok ang nagpaputok ng labi ni Joey. 

"u-huh! Pwe! Matapang ka lang dahil andami nin..."

Blag! 

Naputol ang sasabihin sana ng binata ng sundan siya ng isa pang suntok sa sikmura na nagpataob sa kanya.

"bilib din ako sa tapang mo bata, tignan natin kung di mabahag yang buntot mo pag inubos ko yang lahat ng mga ngipin mo, hahaha..." pasigaw si Brando sa nakataob ng si Joey. Tawanan naman ang grupo ni Brando. Alam niyang tototohanin ng kanilang leader ang pag pitas ng mga ngipin ng kaaway.

"Aha-hahahahaha... Alam mo kung sino ka mang hinayupak ka hindi ako natatakot sayo! Marami lang kayo kaya ka matapang. Putang ina mo pakawalan mo ako dito at tayong dalawa ang magtuos. Tignan natin kung sino ang malalagasan ng mga ngip... 
Blag! 

Naputol ang mga sinabi ni Joey matapos makatikim na naman ng isang sipa sa sikmura.

"Mga brad hawakan niyo yan! Tignan natin kung di ka iiyak ngayon, hihihi". Isinuot niya ang isang asero o brass knuckle kung tawagin sa inglies sa kanang kamay at umamba ng suntok. 

Kitang kita ni Margareth ang mga pangyayari. Awang awa siya kay Joey at sa mga kasama nito. Alam niyang barumbado at mahilig sa gulo ang grupo subalit naging mabait ang mga ito sa loob ng paaralan ng matapat at maturuan ng leksyon ni George ng minsang silay makipagbuno. Isa pa, naging school mate niya ang mga ito simula elementarya hanggang sa kasalukuyan. 

"bababa ako makikiusap ako sa kanila Kyle..." mangiyak ngiyak na pakiusap niya sa bf.

"wag na babe mapapahamak ka lang! Walang pwedeng umawat diyan. Kahit pulis hindi sasantohin ng mga yan" paliwanag ni Kyle na wari'y nininerbyos. 

"Susubukan kong maki usap!" Lumuluhang lumabas ng kotse ang dalaga at hindi na nilingon ang bf.

"Margareth! Oh fuck!" Napahampas na lamang sa manibela si Kyle at lumabas na rin ng sasakyan.

"Stop it! please tama na yan... Hindi na makakalaban ang mga yan. Maawa naman kayo! Pleeeassee... Huhu.." naagaw ang atensiyon ng lahat. Napahinto saglit si Brando at napatingin sa dalaga.

Niyakap naman ni Kyle at pinigilan ang paglapit nito. Sinusubukang ipasok ang girlfriend sa loob ng sasakyan. Nanginginig naman at umiiyak si Margareth at tuloy lamang sa pag abante. 

"hahaha! Wag kang makialam dito at malilintikan ka sa akin!" Ngayon Joey boy tangapin mo ito!"

Pak! 

Naudlot ang pagsuntok ni Brando ng may kung anong bagay ang tumama sa kanyang ulo. Nakita niya ang isang helmet na umiikot sa lapag na parang trumpo. Natahimik ang lahat. Nagsipagtayuan ang lahat ng kagrupo ni Brando na kaninay nakaupo lamang sa hood ng dalang sasakyan at napalingon sa direksyon kung saan nangaling ang helmet na tumama sa ulo ng leader. 

"Anak nang puta sino yun?!" nanlilisik ang mata na napalingon si Brando sa kinarorooanan ni George. 

Gulat din si Joey at ang mga kasamahan sa ginawa ni George. Napawi ang gulat at napalitan ng ngiti sa mga labi. 

"Laban na ito"... Bulong ni Joey.

"Anong sabi mo?" tanong naman ni Brando. 

Isang malakas na siko ang pinakawalan ni Joey at nakawala siya sa pagkakahawak ng dalawang estudyante. Nagsipagsuguran naman ang ibang kasamahan ni Brando kay George isang suntok ang tumama sa kanang pisngi ni George ngunit lima naman ang papasugod na bumulagta at nawalan ng malay. Natahimik ang iba habang papalapit si George sa kinaroroonan ni Joey. 

"akin na yang polo mo" bungad ni George sa nakangiting kaklase. 

Pinunit ni Joey ang polo, nagsipagtalsikan ang mga butones nito. Ibinigay niya ang polo sa binata. Ipinulopot naman ni George ang uniporme ni Joey sa kanyang kamay. Kagaya ng mga nakaraang gulo na nasangkutan ni George kailangan niyang balotin ng kung ano mang tela ang kanang kamao sa pag aalalang makakapatay siya ng tao kapag hindi niya napigilan ang pwersa ng kanyang suntok. Alam iyon ni Joey at kanyang tropa dahil sila mismo ay nakatikim na ng suntok galing kay George nung sila ya mga High School pa lamang, ang iba sa kanila ay na hospital pa nga dahil sa basag ang kanilang mga ribs at panga. Nagsipag tayuan  ang tropa ni Joey na kanikanina lang ay halos di na makabangon. 

"George ang Leon ng Nayon". Ngitngit sa galit at napabulong na lamang si Brando. 

"Ikaw pala si George, totoo nga na malakas kang manuntok. Babalian kita ng mga kamay! Sugod mga puta! Ipalasap nyo sa mga gagong yan kung paano ang bumanga sa grupo natin!" siyam kaagad ang bumwelo at nag bitiw ng mga kamao. Hindi naman natinag si George at humahakbang sa bawat lalaking napapaluhod. Paminsan minsay natatamaan subalit tig iisang suntok lang at pag tumatama nawawalan ng malay ang mga kalaban. Hirap man ay sumuporta ang grupo ni Joey, lahat ng nakakalampas kay George ay sila ang sumasalo. Bagsak ang siyam, ang iba'y nangawalan ng malay. Apat na lamang ang nakatayo kabilang si Brando. Tulala, nanginginig at hindi makapaniwalang tatalunin sila ngaun ng walong kalaban dahil lamang sa pag entra ng itinuturing na Myth ng mga gang na nakaka dinig ng mga kwento patungkol kay George. 

Lumapit si George sa apat at naguumpisa ng sumugod ng awatin siya ni Joey. 

"Ibalato mo yang Brando sa akin pare" tango lang ang tugon ng binata. Naging hudyat ito para kay Fred at bago pa man nakahakbang ang leader nilang si Joey ay nauna na itong umatake sa tatlong nakapaligid kay Brando. Sumunod ang iba pang ka grupo ni Joey. Isa isang nagsiatrasan ang ibang mga kaaway hangang sa si Joey na lang at si Brando ang natira. 

Dinampot ni George ang kanyang helmet at tahimik na umalis. Kita niya si Margareth na yakap yakap ng kasintahan. Nangingilid pa din ang luha sa mga mata subalit may ningning itong nakatitig sa kanya. Pinaandar na niya ang kanyang motorsiklo humarurot pauwi. Alam niyang sapat na ang tulong niya sa grupo na kanya ding nakaalitan at nagulpi nung sila ay mga bagito pa lamang. 

"ano ka ngaun ha?! Ikaw putang ina mo ang tapang mo kanina nung madami pa kayo ah? Kung pumatol man sa akin ang gilfren mo di ko na problema yun! Wag mong idahilan ang sugal natin sa Basketball dahil alam ng lahat na hindi namin kayo dinaya at hindi namin binayaran ang referee! At kasalanan ko ba kung maliit yang titi mo ha?!" pang asar ni Joey.

"Putang ina mo!" sumugod si Brando sa kinaroroonan ni Joey.

Bugbog si Brando, bali ang mga braso, putok ang ilong at nalagas ang dalawa niyang ngipin sa harap. Iniwanan ng grupo ang lalake na bulagta sa daan. Tumawag naman si Fred sa kanyang ama para isuplong ang mga estudyanteng nangulo. 

"Hello? police station! Ano pong maipaglilingkod ko sa kanila?" sagot ng babaeng operator.

"Pwede po bang makausap si Hepe?" sagot ni Fred.

"sino po sila?" -operator

"Si Fred ito"

"Ay! Sandali lang po itatransfer ko po kayo sa office niya".

Napabilib si Margareth sa tapang at concern ni George sa kapwa mag aaral. Oo nga't hindi niya kaklase ang mga ito sa lahat ng subjects pero naging matino ang mga ito. Hindi na naging sakit ng ulo ng kanilang paaralan kagaya ng dati. Nagkatampohan ang mag syota dahil din sa pagiging duwag ng kanyang boyfriend nung araw na iyon. Masyadong na disappoint ang babae sa naging tugon ng kanyang boyfriend sa mga panahong kailangan niya ng suporta na ipaglaban ang damdamin para sa mga kaibigan. Hindi tipo ni Margareth ang mga taong kagaya nina Joey subalit sa tagal ng pagiging schoolmates nila at ang pagiging malapit ng mga parents nito, naging kaibigan din niya ang grupo. Feeling ni Margareth hindi siya kayang ipagtangol ng boyfriend sa mga pagkakataong may mambabastos sa kanila or may masasamang loob na may masamang balak sa kanya. Nawala ang isa sa mga pinakaimportanteng bagay na kailangan ng babae sa isang lalake, SECURITY. Hindi na nag imikan ang dalawa sa loob ng kotse habang hinahatid ni Kyle ang girlfriend sa kanilang bahay.

...

Magkasabay na nagpark ng kotse at motor si Margareth at George sa rooftop ng isang builiding ng kanilang eskwelahan. Nasa bandang kanan ang mga kotse habang may parking space ng mga motor sa kaliwang bahagi. Dito pinapark ni George ang kanyang motor kahilera ng ibang  big bikes ng iilang estudyante. 

Bumaba ng kotse si Margareth matapos niyang mailock ang dalang sasakyan. Napag decisyonan niyang dalhin ang sariling kotse dahil ayaw niyang makasabay sa araw na iyon ang kanyang nobyo. Kinakabahan man ay binalak niyang lapitan si George.

"H-hi George!" bati ng dalaga.

"Hi! Balita?" casual na tugon ng binata.

"Salamat nga pala at hindi mo hinayaan na mapuruhan sina Joey kahapon. Naawa talaga ako sa kanila..."

"Wala yun. Di naman kasi patas na labinwalo sila samantalang pito lang ang tatambangan nila, kaduwagan yun." saad ng binata.

"George punta ka bukas sa bahay ha? Pinaiimbetahan ni ate ang mga kaklase ko. Wala kasi siyang masyadong bisita at gusto niya ng bibong party. Hehe.."

"Susubukan ko Margareth". Sagot ng lalake at nag uumpisang maglakad. 

"Aasahan kita bukas George!" pahabol ng dalaga na nangingiti habang nakatitig sa papalayo ng binata.

Itinaas lamang ni George ang kanyang kanang kamay na nakapang thumbs up habang nakatalikod. Kinilig naman ang dalaga sa naging gawi ng binata.

"George!" Sigaw ng dalaga.

Napalingon ang binata at napahinto sa paglalakad. 

"Aa-akin na ang cellphone mo." halos pabulong si Margareth.

Ibinigay naman ni George ang kanyang cellphone. Titig na titig ang binata sa mukha ng dalaga. Halatang namumula ito at tense.

"Te-text mo ako mamaya..." nahihiya at di makatingin si Margareth. Tumalikod kaagad siya sa lalake at nagdahilang may naiwan sa kotse.

Napangiti naman ng lihim si George. Nasabi sa sarili na ito na ang simula. Matagal na niyang gusto ang dalaga ngunit hindi niya alam kung papano itong pormahan. 

"Gosh! What am i doing?! I feel like im cheating on my boyfriend..." worried face ang dalaga subalit napalitan agad ito ng ngiti at kilig. Sakto namang tumawag ang kanyang boyfriend. Nakailang missed call pa si Kyle bago niya ito sinagot. Mahal talaga niya ang bf at napag decisyonang makipagbati.

"Hi Babe! Sinundo kita sa bahay niyo kanina pero sabi nila nauna ka na daw. Do we have a problem babe?"

" Ah.. Nope babe. Medyo nainis lang ako sayo pero ok na wag na nating isipin yung nangyari". Sagot ng dalaga.

"yun pa din ba ang iniisip mo babe? Inexplain ko na naman sayo diba? Safety mo lang naman ang iniisip ko kaya mas pinili kong wag makialam."

"enough na babe. Ok na nga di ba?" ni Margareth.

"Ok fine. Mamaya pang hapon ang pasok mo di ba? Saan ka ngayon?"

"Nandito ako sa school. Balak ko sanang tumambay sa Library" tugon naman ng babae.

"punta ka dito sa condo babe. Miss na kita" lambing ni Kyle sa girlfriend.

Naginit naman bigla si Margareth. Di maitatangi na namimiss din niya ang ginagawa nila ng boyfriend. Hindi niya maintindihan ang sarili. Parang sabik siya sa sex simula nung naikwento sa kanya ni Kate ang naging kantutan nila ni George.

"miss na din kita babe. I'll be there in 40 mins". Balik ni Kate kay Kyle.

"iloveyou, sabik na ako sayo. Parang may gusto akong kainin ngayon. Hehe." mapanuksong mga kataga ng lalake.

...

"Hi Margareth" isang text message ang nareceive ni Margareth bago siya matulog. 

"Hi George akala ko di mo talaga ititext eh. hehe..." reply naman ng dalaga.

"huh? Si Ryan ito! New number ko ito, magtatanong lang naman sana kung may assignments tayo para sa Monday. Hindi ako nakapasok kanina eh masama pakiramdam ko"

"Hi gurl ikaw pala, hihi. Wala naman pero this coming Sunday may gaganaping try outs ng beach volleyball at basketball sa Apollo Resort ang Division natin. Preparation para sa parating na intramurals."

"Ok salamat gurl! Tuloy ba tayo bukas?" tanong ni Ryan.

"Yes! Inimbetahan ko nga si George eh kaso hanggang ngayon wala pang confirmation kung makakasama siya, akala ko nga ikaw si George gurl. Hihi".

"gusto mong hingin ang number niya gurl? Hehe". Tanong ng kaklaseng bading.

"bakit may nunber ka ba niya?" sagot ng dalaga.

"Haler? Magkagrupo kami sa reporting last time diba nga? Hehe"

"Forward mo gurl" naexcite si Margareth.

"Ok, wag mong ipagsabi sa akin galing yan ha? Lalo na kay Kate! Naku malilintikan ako dun,bet pa naman niya si papa George! Yummy! Hahaha." reply naman ni Ryan.

Namula naman ang dalaga. Hindi alam kung ititext o hihintayin na maunang magparamdam ang binata. 30 mins ang nakalipas ng biglang tumunog ang cellphone ni Margareth. Nang tignan niya ito ay galing sa kanyang bf at nangungumusta. Hindi niya ito nireplyan. Guilty man ay inunahan niya mag text si George. 

"Hi George! Wag mong kalimutan bukas ha. Sana makapunta ka". Text ng dalaga. 

Nagantay ito hangang sa makatulogan niya ang pag aabang.

Madaling araw ng tumunog ang cellphone ng dalaga.

"Hi Margareth"

"Hi George! Kumusta?" kinilig at nawala ang antok ng dalaga.

"ok lang naman. Ikaw kumusta? Pasensiya ngayon lang ako nakapagreply ngayon lang dumating load ko eh. Hehe" reply ng binata. 

"Ok lang naman ako. Remind lang sana kita bukas, aasahan kita dito sa bahay. teka bakit gising ka pa? Madaling araw na ah?" 

"may gusto kasi sana akong itext kagabi pa matagal nga lang  dumating load ko. Di ako makatulog kakaisip sa kanya eh. Hehe" sagot ni George.

"Ang swerte naman ng babaeng yan. Siguro napakaimportante niya sayo" kinakabahan ang dalaga, nanginginig ang mga daliri habang tumitipa ng mensahe sa cellphone. May hinala siyang siya ang pinapatamaan ng binata. 

"oo importante nga siya. Matagal ko na siyang gusto ang kaso may boyfriend na siya." patuloy lamang sa pag diskarte ang lalake.

"kilala ko ba yan George? Pwedeng malaman kung sino yang babae na yan?"

"hindi pwedeng malaman mo kung sino siya Margareth." -George

"Bakit naman?"

"kasi pag nalaman mo kung sino siya tiyak na malalaman niya na siya ang tinutukoy kong babae".

Halos mabitawan ng dalaga ang hawak niyang phone sa mga nababasa. Alam niyang siya ang tinutukoy ng binata. Napakalaki ng ngiti niya sa labi. Nakalimutan niya ng panandalian ang mahal niyang boyfriend. Nagsimula na silang magpalitan ng mga mensahe, lahat ng pwedeng mapag usapan ginagawa nilang topic. Ibang iba si George sa kumpara personal, kung sigurong nasa harapan niya ito naiimagine niyang madaldal ang lalake sa tema ng mga reply niya. Inabot sila ng magdamag hanggang makumbinse niya ang binata na dumalo sa birthday ng ate niyang si Trixie. 

...

Happy birthday!!! Sigaw ng mga bisita bago hinipan ng Trixie ang maliit na cake na binake ng kanilang ina. Kumpledo ang lahat ng pagkain sa bawat mesang nakapaligid sa malaki at modernong pool ng mansiyon. May malaking human size Cake din sa gitna ng pinagdadausan ng party. Lahat ng klase ng baso ng alak ay naka hilera sa isang mahabang mesa katabi ng mga naka antabay na waiters.  Kasama ni Trixie ang kanyang mister na may hawak ng isang baso ng alak at nag uumpisa ng uminom. Mangiyak ngiyak ang babae ng hagkan siya ng kanyang asawa.

"Happy Birthday Hon ang ganda mo" bati ng mister niyang si Anton.

"Thank you Hon, ready na ba ang gift mo sa akin?" makahulugang bulong niya sa kapareha.

"Oo naman Hon, nagpupumiglas na nga Hon, tiyak na mapapalaban ka mamaya" sagot naman ng lalake. 

Two months ding hindi nagkita ang mag-asawa dahil sa busy ang isat isa sa pag aasikaso ng mga business nila. Galing si Anton mula sa business trip niya sa Singapore. Tigang na tigang si Trixie, tiniis niyang hindi makasama ang asawa sa loob ng dalawang buwan. Madami mang nag kakagusto sa kanya at nagbabalak ng ligaw ay hindi niya ito pinapansin. Mapa artista o modelo o kahit pa mga mayayamang pulitiko lahat walang dating sa kanya. Faithful siya at mahal niya ang kanyang asawa.

Napakaganda ni Trixie bagamat may isa ng anak napaka sexy nito sa edad na 30. Naka dress ito na hanggang hita lamang ang tabas. Walang kapintasan ang mga namimilog na legs, hanep sa kurba ang katawan at may maumbok at bilogang hugis puso na puwet. Katamtaman lamang ang laki ng mga suso. Pinay version siya ni Catherine Zeta Jones at mas pina bata. Parang naka slowmo siya sa paningin ni George. 

"Hi George! Buti at nakarating ka talaga!" galak na bati ni Margareth.

"Hi Margareth! Sinundo ko siya sa bahay nila" tugon naman ni Kate sabay hawak sa braso ng binata.

"Hi Kate, kumain muna kayo!" Di ipinahalata ang pagkainis at selos. Subalit napawi naman ito ng kindatan siya ng binata.

Nag uumpisa na party. Ang ibang bisita ng kanyang ate ay nagsasayawan, ang iba ay nagsipag swimming na habang nag iinuman. Nasa iisang table naman sina Kate, Margareth, Kyle, George at ang mga brats. Nasa kabilang table naman ang grupo nila Joey at Fred. 

Nagsiuwian na ang mga bisita ni Trixie habang nag uumpisa samantalang nag uumpisa pa lamang ang kasiyahan para sa mga bisita ni Margareth. Pinalitan ng house music ang tugtog. Nag sipag hubaran ang mga natirang bisita at naglundagan sa pool. Halos mapuno ito ng mga nagkikinisang mga bebot, hiyawan, tuksuhan at kanya kanyang diskarte ng mga lalake para maka score. Lasing na ang karamihan. Natira na lamang ang mesa nina Margareth. Bulol na sa pagsasalita si Kyle. Namumula naman ang pisngi nina Kate at Margareth. Unang tumayo si Kate at humarap kay George.

"Ang init na ng katawan ko, ang tapang talaga ng whisky. Ayaw mo pang maligo George" saad ni Kate habang nagtitirintas ng buhok. 

"wala akong dalang pamalit". Casual na sagot ng binata.

"pahihiramin kita ng damit pare". Bungad ni Joey sabay abot ng baso kay George. 

Tinanggap naman ito ng lalake sabay saludo matapos lagokin ang alak. 

"salamat nga pala George, sanay kalim... Read More


About the Author :

Joined: July 9, 2013 (3 years old)
Writings: 9

Send PM · Male · Offline

43 comments   9 favorites   6,725 views