Trick Or Treat?

October 20, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags:

Trick Or Treat?Ang 'trick or treating' ay isang kilalang tradisyon sa Amerika na unti-unting ginagawa na rin sa Pilipinas. Ito yung mga bata na kakatok sa pintuan mo na naka-costume at kapag pinagbuksan ay magsasabi ng 'trick or treat'.

Ang may-ari naman ng bahay ay agad na magbibigay ng candy o tsokolate bilang premyo sa 'effort' lalo na ng mga batang malilit. Door-to-door ito at talagang sinusuyod ng mga bata ang bawat bahay upang makaipon ng maraming tsokolate at candy. Ang ibang mga bata pa nga ay punda ng unan ang dala dahil inaasahan na marami ang makokolekta.

Bilang tradisyon sa Amerika (at ilang bansa sa Europa), ito ay ginagawa tuwing katapusan ng Oktubre at nagsisimula sa hapon hanggang gabi. Kinabukasan ay Nobyemre at abala naman tayong mga Pilipino sa pagpunta sa sementeryo upang alalahanin ang mga mahal sa buhay na lumisan na.

Bilang paghahanda sa trick or treat, pagtuntong ng buwan ng Oktubre ay nagkalat na sa lahat ng mga tindahan ang iba't ibang klase ng mga tsokolate at candy maging ang iba't ibang constumes na pagpipilian.

Ngayon, upang malaman na ang isang bahay ay nakikiisa sa kaugalian na ito ay kadalasan na may makikitang kalabasa o anumang simbolo ng 'Haloween' sa labas ng pintuan.

Sa Pilipinas naman ang katumbas nito ay naging tradisyon sa ilang probinsiya na tinatawag na "Pangangaluwa". Ito yung kumakanta sa labas ng bahay na kapareho ng "caroling" sa kapaskuhan. Isa itong paggunita sa kaluluwa ng mga mahal sa buhay na kalimitan na may kapalit na pera o kakanin mula sa bahay na tinapatan. Bagama't may gumagawa pa rin nito ay patuloy na namamatay na ang tradisyon at napapalitan na ng Haloween party sa mga young adults at trick or treat naman sa mga mas bata.

Gayunpaman, ito ay isang katuwaan na lamang na halos wala na ring simbolo kundi ang makisaya at pagmasdan ang mga iba't ibang kasuotan. Kaya huwa... Read More

About the Author :

Joined: November 22, 2012 (4 years old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

Blogger and writer. Friendly and diplomatic.
11 comments   0 favorite   870 views