tribute sa magmamani

August 14, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

ang tindang mani

o, aling magmamani,
sa tindang mong mani, ako'y nabighani,
sa halinang amoy ng bawang,
aba, ako'y nabuwang.

lahat ng aswang di makalapit,
o, anong lugod nang sa akin ay di ipagkait,
manapa'y sa unang tingin at salat,
ay nalaman ko agad kung hubad o may balat.

kahit labindalawang taong itinago sa imbakan,
at sa tagal nga ang mga buhok, nagsipagtubuan,
kung sa alaga naman pala at hugas ay madalas,
aba'y angkin pa rin ang kasariwaang ipamamalas.

o, maning nagmamantika,
mas masarap kung iduduyan ng marunong na dila,
ang konting panghe at lasa ng asin,
ay lalong mabuti kung hwag nang pansinin.

kaya sa bilao ng maning ibinuyangyang,
tinikman ko lahat, walang sinayang,
at hindi mo aakalaing, sa maning pinangarap,
titirik ang mata, agos ang sarap.

o, at baket, ang ale, ay tila galet,
sa abang lingkod, oo nga't makulet,
ay ipinaaalam lamang na hwag kukurap...... Read More

About the Author :

Joined: August 6, 2013 (3 years old)
Writings: 29

Send PM · Male · Offline

16 comments   0 favorite   1,061 views