Throwback: A Thousand Years

July 9, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Throwback: A Thousand YearsListen to the song
"A thousand years"
Performed by: Christina Perri
while reading to feel the story

________________________________________________________________

Scheme One
(Edward's Sorrow)

Wala ng gaganda pa sa kasintahan kong si Bella, mahaba ang buhok, may maamong mukha, maputi at glowy skin, hindi matangkad, hindi maliit, may tamang pangangatawan, balingkinitan, mestisa.

Nasa kanya na ata ang hinahanap ng bawat lalaki sa isang babae. Kung titignan mo ay parang anak-mayaman siya, pero iba ang nadatnan ko sa bahay nila nang ipakilala niya ako sa nanay niya,

"Inay, nais ko pong ipakilala sa inyo ang aking iniirog, si Edward"
pakilala sa akin ni Bella pagdating namin sa bahay nila,

Medyo kinakabahan pa ako dahil ngayon lang ako naparito at ngayon ko lang nakita ang nanay niya sa halos anim na buwan ng aming relasyon ni bella,

"magandang gabi po sa inyo, inay"
bati ko sabay kuha ng kamay niya para mag-mano,

"kumusta ka hijo? Ikaw pala ang madalas ibahagi sa akin ni Bella sa kanyang mga kwento, ipagpaumanhin mo sana ang aming maliit na tahanan"
sabi ng nanay niya,

Masaya ako dahil mabait ang nanay niya, maluwag siya kay bella dahil okay lang sakanya ang relasyon namin ni bella kahit edad 17 lang siya at ako naman ay 21.

Pinaupo niya ako sa sala, tumabi naman sa akin si bella habang ang mama niya ay pumunta sa kusina at naghanda ng miryenda.
Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng bahay nila, may kaliitan pero maayos naman sa loob, pero wala lang yon sa akin dahil mahal na mahal ko si Bella,

"ngayo'y iyong napuna ang estado ng buhay ko aking irog, ako kaya'y iyo pang kalulugdan?"
pabiro niyang tanong pero alam kong naghihintay siya ng sagot,

"ako ma'y hindi maharlika aking bella, ako'y walang ari-arian at isa lamang ordinaryong tao katulad ninyo"
sagot ko,

Isang bagay na gusto ko kay bella ay tapat siya at diretsahan, hindi siya nahihiyang magsabi sa akin, di tulad ng ibang babae na mayayabang at social climber, iba si bella, humble siya at mabait, kaya tuloy lalo akong napapamahal sakanya.

"Ang tanging mahalaga lamang sa akin ngayon ay ikaw at ako aking Bella"
patuloy ko.

"at hawak-kamay tayong bubuo ng ating mga panibagong pangarap mahal ko"
dagdag ko.

Sa kalagitnaan ng aming masayang momento ng usapan ay may bigla akong naalala, ayoko sanang maputoy ang ngiti sa mga labi ni Bella sa mga oras na ito, ngunit may isang bagay na kailangan kong sabihin sa kanya ngayon.

"Ako sana'y may nais sabihin sa'yo aking irog" pauna ko.

"bigkasin mo aking irog" sagot niya.

"ako sana'y nais isama ni ama sa bansang amerika...."
hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin ng hindi siya masasaktan dahil sa isiping magkakalayo kami.

Marahil ito na ang pinakamahirap na bahagi para sa aking buhay, ang sabihing iiwan ko ang pinakamamahal ko.

"Ako sana'y nais magpaalam sa iyo aking irog, dahil sa amerika ako'y magtatagal at magtatrabaho"
nakita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Bella nang marinig niya ang sinabi ko.

"kung iyan ang iyong nais irog ko, nauunawaan ko" sabi niya.

Ramdam ko ang kanyang suporta sa akin, ngunit alam kong sa puso niya ay ayaw niya akong umalis. Na-touch ako dahil hindi siya nagpapakita ng mga bagay na magpapahirap sa aking pamamaalam.

"para din ito sa ating dalawa bella, sa ating hinaharap na bukas. Gusto kong kahit papaano ay maranasan mo ang marangyang buhay kasama ko" paliwanag ko.

"iyan ay aking nalalaman aking edward, at iyan ay hindi ko inaalala sapagka't ang buhay ko ay laging marangya dahil ikaw ay nasa aking piling. Masaya ako para sayo giliw" sambit niya.

Kahit pa ngumiti siya sa akin ay alam kong malungkot parin ang puso niya, ngunit wala naman akong magawa dahil ito ang hinihiling ng buhay. Sana'y sapat na ang dahilan ko para mapawi ang kalungkutan niya.

"dalawang taon lang naman bella" sabi ko.

Hindi na siya nakasagot, alam ko na ang nasa isip niya kaya niyakap ko nalang siya, nadarama ko ang kalungkutan niya, naririnig ko ang pag-iyak ng puso niya pero wala akong magawa.

O bella sana'y nadarama mo rin ang kalungkutan ng puso ko. Alam kong alam mo na ayaw kitang iwanan pero kailangan kong umalis. Kung pwede lang na isama kita ay gagawin ko, pero minsan sa buhay natin ay kailangan nating maghintay. Ito ang tawag ng kalikasan na hindi natin kayang pigilan.

"malalim na ang gabi aking irog, ako'y yayaon na para ika'y makapagpahinga aking bella"

"kung gayo'y mag-ingat ka aking edward, sinta ko"

Tunay na malungkot ang aking nadarama, na sa palagay ko ay unti-unting kinikitil ang loob ko.

Lumipas ang magdamag na hindi matanggal sa isip ko ang usapan namin ni bella. Nakahiga ako sa aking kwarto at hindi makatulog, lagi kong naaaninag ang maamong mukha ni bella, iniisip ko kung ano na ba ang iniisip niya sa mga oras na ito

Mahal na mahal ko siya ngunit kailangan ko siyang iwan, mahal na mahal niya ako ngunit kailangan niya akong paalisin. Daig ko pa ang sawi sa pag-ibig, nagmamahalan kami ngunit hindi kami pwedeng magkasama.

Alam kong hindi lang iyon basta dalawang taon dahil sa pag-uwi ko dito ay siguradong babalik na naman ako.

Dumating ang araw ng aking pag-alis, bukas hindi ko na masisilayan ang minamahal kong si bella, kaya inimbita ko siya para pumunta sa paborito naming lugar sa huling mga oras ko bago ang flight patungong america.

Isang lugar kung saan kami unang nagkita, sa isang waterfalls sa lugar namin kung saan kami lang ni bella ang nakakaalam, isang lake na may waterfalls at napapalibutan ng mga malalaking bato at punong-kahoy.

"ano ba ang iyong regalo sa akin edward?" tanong niya nang magkatabi na kaming naupo sa mga malalaking bato na nakapalibot sa lake.

hinahampas ng mga paa namin ang agos ng malinaw na tubig ng lake kagaya ng parati naming ginagawa.

"maaari bang ika'y pumikit muna aking irog?" hiling ko sa kanya, at nang nakapikit na siya, dinukot ko ang isang bagong cellphone mula sa bulsa ko, ito ang regalo ko sakanya.

"ito'y sadyang napakaganda aking irog" tuwang-tuwa siya sa regalo ko.

"hindi ba't ito yaong makabagong teknolohiya na aking napapanood sa telebisyon?" tanung niya.

"oo irog ko, mayroon narin yang Globe simcard" sabi ko.

"para sa iyo yan bella, para pag-abot ko sa amerika ay may naguugnay pa rin sa atin" patuloy ko.

Sa sobrang saya ni bella ay napayakap siya sa akin. Niyakap ko rin siya ng mahigpit, tapos biglang naging siryoso ang kanyang mukha, nagkatinginan kami at halos matunaw ako sa lagkit ng kanyang tingin na kung minsan ay pasulyap-sulyap sa mga labi ko, alam ko na ang nais niyang ipahiwatig pero hindi ko alam ang gagawin.

"...Edward..." bulong ng mga labi niya.

"...Bella..."

hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang nabigkas ang pangalan niya at kung bakit unti-unting lumalapit ang mga labi ko sa mga labi niya kasabay ng malamlam kong pagpikit.

Damang-dama ko ang pagdampi ng malalambot niyang labi na lumalapat sa mga labi ko. Ang sarap! Ang tamis niya, dama ko ang lambot ng mga basa niyang labi.

Ito ang aming unang halik.

"tanging Iyong-iyo lamang ako Edward" biglang kumalas si bella.

"salamat bella"

"Kung iyong nanaisin Edward, ibig ko sana'y ako'y iyong angkinin na ngayon" nagulat ako sa sinabi niya, siryoso kaya siya o sinusubukan lang niya ang pagkalalaki ko?

"ano ang iyong nais tukuyin?" paniniguro ko.

Ngumiti lang si bella at imbes na sumagot ay tumayo siya at bumaba sa tubig,

Naglakad siya papunta dun sa ilalim ng tahimik lang na pagbagsak ng tubig sa maliit na falls, at nang mapatapat na siya sa bagsak ng tubig ng waterfalls ay bigla siyang naghubad, medyo nabigla ako dahil walang natira sa suot niya.

Nakaramdam ako ng kakaiba dahil ngayon ko lang nakita ang katawan ni bella na walang saplot.

Tinititigan ako ni Bella na tumatagos hanggang kaluluwa ko, parang nangungusap ang kanyang mga mata.

Huminga ako ng malalim at lumusong narin sa tubig, may kalamigan ang tubig pero tila mainit ang pakiramdam ko. Naglakad ako palapit sa kanya sa lampas tuhod na lalim ng tubig, at habang naglalakad ako ay hinuhubad ko ang mga saplot ko sa katawan hanggang makalapit ako sakanya ng hubo't-hubad narin.

Kinuha ko ang mga kamay niya at pinahawak ko sa baywang ko, gayundin ang mga kamay ko na humawak din sa magkabila niyang baywang. Muli ko siyang hinalikan dahil sabik na sabik ako sa mga labi niya.

Nagmistulan kaming apoy na nagliliyab sa malamig na tubig. Napayakap siya sa katawan ko habang ang mga kamay ko ay marahang bumababa sa likod niya. Nanginginig ang buong katawan niya, hindi ko alam kung dahil yon sa lamig ng tubig ng waterfalls o dahil sa init ng katawan niya sa lovemaking namin.

Halos malunod na kami sa daloy ng waterfalls sa mga katawan namin pero hindi na ata yun alintana ni bella.

Bahagya kong ibinaba ang katawan ko para maabot ang isang hita ni bella para itaas, nakalas ang halikan namin ngunit hinawakan ni bella ang magkabila kong pisngi at sinundan ng mga labi niya ang mga labi ko.

Para hindi na ako mahirapan ay kusa ng itinaas ni bella ang isa niyang paa. Ngayon ay napag-isa kami ng aming pagmamahalan.
Napakapit siya ng mahigpit sa akin at tumatangis sa kasakitan, pero damang-dama ko ang pagmamahal niya, nagawa niyang magtiis para sa akin.

Ito ang pinakamaligayang araw na hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Nang matuyo na ang aming mga katawan, nagbihis kami at umupo sa ilalim ng malaking punong-kahoy, nakasandal ako sa puno at siya nama'y nakasandal sa dibdib ko.

"Naaalala mo pa ba ang lugar na ito?"
tanong ko sa kanya habang kayakap siya.

"hindi ko maaaring makalimutan ang lugar na ito, dahil dito ko unang nakilala ang pinakamamahal ko." sagot niya.

Napangiti ako nang maalala ko ang araw na nagkakilala kami ni bella, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yon. Ang araw na bumago sa buhay ko.

"bella, may nais sana akong sabihin sa iyo"

"ituloy mo sinta"

"bella, kung iyong mamarapatin, nais ko sanang magpakasal na tayo pagbalik ko"
Pangako ko sa kanya.

"nagagalak ako sa mithiin mong iyan mahal ko" sagot niya.

"ako'y maghihintay giliw, kahit ito'y abutin pa ng isang libong taon"
Pangako niya rin sa akin.

Dito nabuo ang matamis naming sumpaan ni bella.

Maligaya akong umalis ng bansa, bitbit ang pagmamahal ng aking bella.

________________________________________________________________

Scheme Two
(Bella's Sorrow)

Kahapon lang ang lumipas nang umalis ang nobyo kong si Edward, pero parang isang libong taon na ang lumipas. Ngayon ay heto ako, tinatamad pumasok sa eskwelahan, parang gusto ko lang isipin si Edward buong maghapon.

Hanggang kailan kaya ako maghihintay para muling masilayan ang mukha ng minamahal ko? Kung ang isang araw pa lang ay katumbas na ng isang libong taon dahil sa pangungulila ko? Haay... Salamat na lang at naimbento ang telepono. Naudlot ang pagmumuni-muni ko nang marinig kong mag-ring ang cellphone ko.

"ikaw na ba yan aking sinta?" pagkasagot ko sa cellphone.

"oo mahal, halos kararating ko lamang dito sa banyagang bansa at ngayo'y papalabas na sa paliparan" sagot niya.

Naging mahaba pa ang aming kwentuhan sa unang beses niyang pagtawag. May kamahalan ang long distance call pero parang bale wala lang ito sakanya, patunay na mahal nga ako ng aking edward.

"anak, bella, anak ko, naihain na ang pagkain, halika na't kumain at baka ika'y mahuli sa paaralan" sigaw ni inay na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

"opo inay, ako po'y susunod na" sagot ko.

Dito lang naputol ang usapan namin ni edward, gusto ko ng pumasok at pagbutihin ang aking pagaaral, para matupad ang mga nabuo naming mga pangarap ng inspirasyon kong si edward.

"tila bago ang teknolohiyang iyong hawak bella?" tanung ni inay nang mapansin niya ang hawak kong cellphone.

"ganoon na nga po inay, ito po ay regalo sa akin ni edward irog ko" sagot ko.

"tunay na mahal ka ng iyong nobyo, hindi biro ang halaga niyang hawak mo subalit ibinili ka parin niya" sabi ni mama.

"iyan po ay totoo inay, tila ba nasa loob ng teleponong ito ang sinisinta kong si edward, kung kaya't maging sa hukay ko ay aking isasama ang teleponong ito"
sabi ko kay mama.

"hija, huwag kang sasambit ng ganoong klase ng pagbibiro, tunay na matalim ang tabak ng salita" pagaalala ni inay.

"ipagpaumanhin mo inay, nadala lamang ako ng pagibig ko kay edward" sagot ko at sabay kaming natapos kumain ni inay.

Mula non, lumipas ang mga araw na hindi na natanggal sa kamay ko ang cellphone ko, lagi kaming magkatxt ni edward at araw-araw din siyang tumatawag, lagi kong dala ang cellphone ko kahit saan ako magpunta, kahit ano pa ang ginagawa ko, maging sa banyo at maging sa eskwelahan.

"bella, bagama't nauunawaan kong nagmamahalan kayo ng nobyo mo, ngunit hindi ka kaya masita ng ating guro sa gawain mo?" pagmamalasakit ng kaklase ko at bestfriend kong si jacob.

Napansin kasi niya na panay ang pindot ko sa cellphone ko kahit pa nasa kalagitnaan ng klase.

"huwag kang mag-alala jake, hindi ako magpapahalata sa ating guro" sagot ko.

"subalit maaari mo namang gawin yan pagkalipas ng ating klase?" patuloy niya na parang naiirita.

Ang totoo, hindi naman talaga nagaalala si jacob na baka mahuli ako ng guro namin, kundi nagseselos lang siya kay edward, alam kong may lihim siyang pagtingin sa akin pero hanggang bestfriend lang talaga ang tingin ko sakanya.

"anu ba ang mayroon sa teleponong iyan at hindi mo mabitawan?" masidhing tanong niya.

"ang aking pag-ibig, si edward.." bulong ko sakanya na tila natahimik.

"at maging sa aking libingan ay isasama ko ang aking telepono jake" dagdag ko pa.

Natahimik na siya at salamat dahil hindi naman ako nahuli ni guro.

Hay edward, aking edward, kailan ka ba uuwi? Kailan ko muling malalasap ang tamis ng iyong halik? Ang init ng iyong haplos at ang sarap ng iyong pagmamahal?

Talagang miss na miss ko na si edward, nakahiga ako sa aking kama at hinihintay ang tawag niya, at sa kahihintay ko ay kung anu-ano ang sumasagi sa isip ko. Naaalala ko ang araw na yon na pinaranas niya sa akin, noon pa lang ako nakaramdam ng matinding bugso ng damdamin at unti-unting bumabalik ang pakiramdam na yon sa mga sandaling ito.

Malalim na ang gabi, alam kong tulog na si inay dahil tahimik ang paligid. Naiimagine ko ang paguwi ni edward at ang pangako niyang kasal sa akin.

Naiimagine ko ang kasal namin na parang ako'y naglalakad sa isang mala-paraisong hardin na punong-puno ng nagliliparang paro-paro sa paligid, habang si edward ay naghihintay sa tabi ng altar. Isang tipo ng fairytale wedding ceremony.

Naudlot ang pagpapantasya ko ng marinig ko ang caller ringtone ni edward.

"mahal ko, naistorbo na ba kita? Ipagpaumanhin mo at ngayon lamang ako nakatawag" pauna niya.

"huwag mong alalahanin yaon aking irog, sapagka't ako'y nandito lamang na laging naghihintay sa iyo" sagot ko.

Hindi talaga nauubusan ng ikukwento si edward, ni hindi ako naboboring sa bawat tawag niya, at hindi ko napansin na magdamag na pala ang kwentuhan namin.

Masayang-masaya ako kahit papaano sa relasyon namin. Nakatulog ako sa sarap ng aming pagmamahalan.

Paggising ko kinabukasan, ewan ko ba kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko ngayon, para bang tinatamad akong pumasok at ewan ko kung bakit parang kinakabahan ako. Gayunpaman pinilit ko paring pumasok para sa pangarap namin ni edward.

Kausap ko siya sa cellphone nung palabas na ako ng bahay at naglalakad papuntang eskwela. Nasa gilid ako ng daan at hawak ko ang cellphone ko na nakatapat sa tainga ko, nagulat ako nang bigla akong nadulas pero mabuti nalang at hindi ako natumba, ngunit nabitawan ko ang hawak kong cellphone at napansin kong may tubig ang babagsakan nito kaya buong bilis ko itong hinabol para saluhin sa pag-asang hindi ito mababasa.

Laking pasasalamat ko nang magawa ko pang saluhin ang cellphone ko. Nasindak na lang ako sa lakas ng tinig ng busina kasabay ng tinig ng pag-gasgas ng gulong, paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko, nakita ko lang ang tatak na 'Volkswagon' na akmang dadampi na sa mukha ko, tapos bigla na lamang nagdilim ang buong paligid ko.

________________________________________________________________

Scheme Three
(A Mother's Sorrow)

Isang malagim na insidente ang aking nasaksihan, halos mamatay ako sa kakaiyak nang makita ko ang anak kong si Bella na nasagasaan ng sasakyan at nakahandusay sa gitna ng daan.

Magkasunod lang kaming naglalakad para ihabol sana ang naiwan niyang aklat, ngunit sa isang iglap lang ay inagaw na ng kapalaran sa akin ang pinakamamahal kong anak na si Bella.

Hindi ko matanggap na nakaburol ngayon si Bella sa aming bahay. Isang mabait na anak at mabuting tao. Ang mahirap pa ay hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa kanyang pinakamamahal na kasintahang si edward.

Kumusta na kaya siya na nasa bansang amerika? Kumusta kaya siya kapag pinadalhan ko siya ng telegrama at nalaman niyang patay na ang pinakamamahal niya? Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa, alam kong hindi makakayanan ni edward ang sakit kaya nagpasya akong huwag nalang ipaalam sa kanya.

Napakasakit makita ang ginagawang hukay para sa anak ko, hindi ko na ata makakayanan pa ang pighati. Bakit ang anak ko pa? Bakit hindi nalang ako? Ngunit sadyang masaklap ang ibinubulong ng tadhana, kailangan tanggapin, kailangang magtiis.

"ayos na ang hukay ginang, amin na pong ibababa ang kabaong ni bella" sabi sa akin ng supurtorero.

Nagtulungan ang apat na katao para buhatin ang kabaong ni bella para ibaba na sa hukay, ngunit parang hindi man lang nila maiangat ang kabaong.

"bakit kaya ganito mga ginoo? Kanina lamang ay kaya natin buhatin ang kabaong na ito, subalit ngayon ay kay bigat ng buhatin." sabi ng isang lalaki.

Nagtataka ang lahat dahil kahit anong pilit nilang buhatin ang bangkay ni bella ay hindi parin nila ito maiangat. Maging ako ay hindi makapaniwala, mahigit sampung katao na ang nagtulong-tulong ay hindi parin nila ito talaga mabuhat.

Mula sa kumpol ng mga tao ay may isang matandang babae na lumapit sa akin, itim ang kasuotan niya at naka-balabal sa ulo niya ang itim na belo.

"huwag kang matakot ginang, iwaksi mo ang alalahanin pagka't ako'y isang ispiritista" napaatras ako nang magsalita siya.

Hinayaan ko lang siya na lumapit sa kabaong ni bella, tapos umupo siya at pinatong niya ang magkabila niyang kamay sa kabaong ni bella, tumingala siya sa langit at bumubulong ng mga katagang hindi ko naman maintindihan.

"mayroong kulang..." ang sabi ng ispiritista.

"ano po?" nagtatakang tanong ko.

"hindi ko mawari subalit mayroong kulang sa kabaong niya" sagot niya.

Bigla kong naalala ang cellphone ni bella na binigay ni edward, lagi niyang sinasabi sa akin na isasama daw niya sa hukay niya kapag namatay na siya, baka iyon ang kulang na sinasabi ng ispiritista. Madali kong kinuha ang cellphone niya sa bahay, ibinalot ko sa plastic bag kasama ng simcard at charger niya. Binuksan muli ang kabaong ni bella at inilagay ko sa tabi niya ang cellphone niya.

Nagulat ang lahat nang biglang gumaan ang kabaong ni bella. Walang humpay ang pag-iyak ko nang nabuhat na nila ang kabaong at inilagay na sa hukay.

"Paalam Bella"

________________________________________________________________

Scheme Finale
(A Broken Man's Vow)

Parang isang libong taon na ang lumipas mula nang iwan ko ang pinakamamahal kong si Bella, at ngayon hindi parin ako makapaniwala na nasa tapat na ako ng pintuan ng bahay ng mahal ko.

Hindi ko pinaalam kay bella ang aking pagdating, gusto ko siyang surpresahin. Ano na kaya ang hitsura niya, siguradong lalo siyang gumanda. Hindi na ako makapaghintay na masilayan siyang muli, mahagkan ang kanyang mga labi at madama ang kanyang haplos. Haay... Ako'y tunay na nasasabik.

TOK TOK TOK

"o ikaw pala edward" nanay niya ang nagbukas ng pinto.

Nakaramdam ako ng kaba nang makita ko ang nanay niya. May kung anong mali sakanya, parang wala siya sa sarili.

"inay, bakit parang malungkot po kayo?" tanong ko nang mapansin ko ang kalungkutan niya sa mga mata.

Hindi siya agad nakasagot sa tanong ko at tila natigilan siya. Napalitan ng takot ang kaninang kaba na nadarama ko.

"edward, huwag mo sanang ikabibigla... Ika'y aking pupuntohin na... Pumanaw na si bella" nagulat ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam ang aking iisipin, naglolokohan ba kami? Bakit ganito magbiro si inay? Napakaimposible dahil hindi naputol ang komunikasyon ni bella mula nung araw ng pag-alis ko hanggang sa mga oras na ito.

"huwag naman po sana kayong magbibiro ng ganyan inay" sabi ko.

Napansin kong namumuo ang luha sa gilid ng mga mata ni inay. Nahihiwagaan ako dahil dama ko ang sinseridad sa mga salita niya, ngunit imposible ang sinasabi niya...

Pero teka! Hindi kaya't kamamatay lang ng aking pinakamamahal?

"Bella! Bella! Bella" sigaw ko sa loob ng bahay, baka nagtatago lang si bella, ayokong isiping patay na siya sa mga sandaling ito. Hindi ako naniniwala kay inay.

"totoo ang sinasabi ko edward" pagkumpirma niya.

Tumutulo na ang luha ng nanay ni bella kaparang ng pag-agos ng luha ko sa aking pisngi.

"Imposible po ang sinasabi ninyo inay, katatawag ko lang po kay Bella kanina." sagot ko.

Totoo namang kausap ko lamang si bella kanina, pero bakit ganito ang sinasabi ni inay? Bakit niya ginagawa ito gayong alam niyang masasaktan ako.

"hah?! Paano nangyari yon? Matagal ng patay si bella!" pagkagulat ng nanay ni bella.

Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko kagaya ko na hindi rin makapaniwala sa sinasabi niya.

Biglang nagring ang cellphone ko at nang tignan ko ito, si bella ang tumatawag.

"o heto po inay, tignan po ninyo ang telepono ko, tumatawag po si bella"
sabi ko sakanya habang ipinapakita ko ang pangalan at simcard number ni bella na nakarehistro sa cellphone ko.

Inagaw niya ang cellphone ko na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya kaya sinagot niya ang tawag ni bella.

"kumusta na ang irog ko?"
ang narinig ni inay sa telepono.

Nakita ko kung paano nanginig ang buong katawan ni inay.

"Bella aking anak, ikaw ba talaga iyan?"
masidhing tanong ni inay kasabay ng masakit niyang pag-iyak.

"bella, ako'y sagutin mo! Bella! Bella! Uhhoh bakit ikaw pa anak ko?! Bakit hindi nalang ako?!"
Tila nahihirapan na si inay sa kanyang pag-iyak, hindi ko narin kayang pigilan pa ang luha ko sa nakikita ko kay inay.

Ramdam ko ang sakit na kanyang nadarama.

Niyakap ko si inay para icomfort siya.
Hindi mawalay sa isip ko ang hiwagang ito.
Totoo bang iniwan na ako ng minamahal ko? Bakit ang sabi niya ay hihintayin ako? Hindi ko na nga ba muling masisilayan ang kislap ng kanyang mga mata? Kinukumbinsi ko ang sarili ko na nananaginip lang ako, hindi ito totoo, nagkakamali lang si inay. Sadyang kay pait ng pinupukol ng kapalaran.

Si inay na mismo ang nagsabi na siguradong kay bella ang boses na narinig niya, ngayon ay naniniwala na siyang nakakausap ko nga si bella at naniniwala narin akong humayo na ang mahal ko...

Sinamahan ako ni inay sa puntod ni bella para ipakita sa akin at para maibulgar ang hiwagang hatid nito.

"imposibleng mangyari ito" sambit ko habang hinahawakan ang lapida sa libingan ni bella...parang tinaga ng isang libong sibat ang puso ko, ayoko paring maniwala dahil sa sakit na nadarama ko, bakit ganito ang kapalaran? Bakit hindi man lang niya kami binigyan ng pagkakataong magkasama ni bella? Kahit man lamang magkausap bago mamaalam si bella?

Idinukmo ko ang mukha ko sa pangalan ni bella na nakaukit sa marmol na lapida.

"Bella irog ko, bakit mo ako iniwan? Ano pang saysay ang mabuhay kung wala ka rin lang sa tabi ko? Paano na ang mga pangarap natin? Uhhoh napakasakit aking sinta"

Sadyang masakit ang mawalan ng minamahal, mas pipiliin ko pang ipagpalit mo nalang ako sa iba na kahit papaano ay nasisilayan parin kita at nakakasama, kaysa ganitong hindi na kita mahawakan o makita man lamang. Magdurusa na lamang ba ako habang-buhay?

Dahil sa hiwagang nababalot sa cellphone ko, nagpatawag ng spiritista ang inay ni bella para tuklasin kung bakit nakakatawag parin si bella kahit patay na ito.

Nakatayo kami ni inay at ng lalaking ispiritista sa tabi ng lapida ni bella.

Tinawagan ko si bella at nang sumagot na siya ay binigay ko agad sa spiritista ang cellphone ko. Pumikit ang ispiritista at tumingala sa langit, kasabay ng mga pabulong niyang dasal na hindi ko maintindihan...tapos nagulat kami ni inay sa sinabi niya..

"ang tindi talaga ng globe! Abot mo ang mundo!" sabi niya.

Nagkatinginan kami ni inay at parehong nagalit sa sinabi ng ispiritista. Pinalayas ko ang walang kwentang ispiritista, Paglingon ko kay inay ay may isang matandang babaeng nakatayo sa may likuran niya, nakaitim na damit at nakatalukbong ng itim na belo ang kanyang ulo, habang nakatitig sa lapida ni bella.

"hindi matahimik ang kaluluwa ni bella" biglang nagsalita ang matanda.

Sino ang matandang ito at bakit ganito ang sinasabi niya? At bakit alam niya ang pangalan ni bella.

"kayo po pala" sabi naman ni inay na parang kilala niya ang matanda.

"isa siyang ispiritista edward" sabi ni inay sa akin at ikinwento niya ang nangyari sa araw ng libing ni bella. Tunay ngang misteryoso ang pagkamatay ni bella.

"may bumabagabag sa dalaga kaya hindi siya matahimik" muling nagsalita ang matanda.

Gulong-gulo ang isip, hindi sa kababalaghang nangyayari, gulong-gulo ang isipan ko dahil hindi ko matanggap na tuluyan na ngang nawala sa piling ko si bella.

Naging palaisipan sa akin ang tinutukoy ng matanda, bakit kaya hindi matahimik si bella? Ano ang bumabagabag sakanya?

Pumunta ako sa tagpuan namin ni bella, sa lake waterfalls kung saan kami unang naging isa, sa lugar kung saan kami bumuo ng mga pangarap.

O bella, sana'y nandito ka ngayon sa bisig ko para hindi ako nalulungkot at mag-isang nagtatampisaw sa lake natin. Hindi na ba talaga kita mahahaplos? Kay hirap isiping tanging ala-ala mo nalang ang kasama ko. Hindi, hindi ko kaya to, ayokong maiwan sa magulong mundong ito na wala ang inspirasyon ko, paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay ko kung nakitil na ng tadhana ang puso ko.

Ayoko ng maghintay pa ng isang libong taon pa, para lang ika'y makapiling kong muli sa langit man o kung saan. Ika'y aking susundan kahit kapalit nito'y ang buhay ko.

Inakyat ko ang matarik na ibabaw ng waterfalls. Tumayo ako sa dulo kung saan natatanaw ko ang kataasan ng waterfalls. Tumingala ako sa asul na langit at sumigaw ng malakas.

"Bella! aking bella ika'y hahanapin ko hanggang sa dulo ng kalangitan!"

Tumulo ang luha ko na nagmumula mismo sa puso ko, pumikit ako at tanging mukha ni bella ang nakikita ko, nagpahulog ako sa kataasan ng waterfalls, naririnig ko ang pagaspas ng tubig kasabay ng paghuni ng hangin, narinig ko ang pag-awit ng mga angel habang ako ay nahuhulog, para akong lumulutang sa ulap.

Pagbagsak ko sa lake, nagtataka ako kung bakit biglang lumalim ang tubig. Minulat ko ang mga mata ko dahil nahihiwagaan ako kung bakit nakababad at nakalubog na ang buong katawan ko pero hindi parin ako dumadampi sa lupa sa ilalim ng tubig.

"edward...edward"

Hindi ako pwedeng magkamali, kay bella ang tinig na naririnig ko sa kung saan, kahit nahihirapan na akong huminga ay pinilit kong makaaninag at nakita ko si bella na papalapit sa akin, inabot niya ang kamay ko ngunit bigla na lamang nagdilim ang paningin ko.

Humugot ako ng hangin at huminga ng malalim.

HHAARRPP

Nagising ako na mahapdi ang mga mata ko, hawak ko ang sumasakit kong balikat habang hinahabol ang hininga ko. Hindi ko maintindihan kung bakit tuyong-tuyo ang katawan ko samantalang kanina lamang ay babad ako sa tubig.

Nang tuluyan na akong magka-ulirat ay iginala ko ang aking paningin ko sa paligid.

Nasaan na ba ako? Anong lugar ba ito?
May nakita akong pinto na aking pinuntahan. Ito na ba ang pintuan patungong langit? Pagbukas ko sa pinto, nagsilabasan ang iba't-ibang klase at kulay ng paru-paro sa pinto, parang ibang dimensyon ang nasa loob, parang isang paraiso na napapalibutan ng iba't-ibang klase ng makukulay na bulaklak, pero teka, tila isang kasal ang nagaganap dahil sa ayos ng lugar na may altar sa gitna at isang groom na naka-black tuxedo, at ang bride naman bakit kaya kulay itim ang wedding gown niya?

Bahagya pa akong lumapit para makita pa ng maayos ang nasa harapan ko, biglang lumingon sa akin ang groom, laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko sakanya, oo, kamukhang-kamukha ko siya, imposible! Ako ba ang ikinakasal?

Bigla kong naalala si bella, hindi kaya't hinihintay ng mahal ko ang pangako ko sakanya? Ito ba'y isang senyales na bubuo sa palaisipan ko?

Lumalakas ang kabog ng dibdib ko, tila ba may kung anong bagay na tumutulak sa puso ko, tila ba nahihirapan akong huminga.

Tuluyan ng nanikip ang dibdib ko nang humarap din sa akin ang bride, ang bride na iniisip kong si bella.

Bigla akong natakot at nasindak nang makita ko ang bride, hindi ako nagkamali, siya nga si bella, ngunit ang kinatakot ko ay ang hitsura niya, kulubot ang balat niya at parang naaagnas ang mukha niya.

"edward! Edward! Edward!"
Paulit-ulit na sinasambit ni bella ang pangalan ko.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, takot na takot ako sa bangungot na ito,
pumikit na lamang ako para iwasan si bella, tapos bigla akong napamulat at sa pagmulat ko ay muli akong lumanghap ng hangin at huminga ng malalim...

"edward! Edward! Edward"

Bigla akong napaupo at nagtataka kung bakit ako nakahiga.

"edward, sa wakas ika'y gumising din"
sabi sa akin ni jacob na bestfriend ni bella.

Basang-basa ang buong katawan niya pati na suot niya, at maging ako ay basang-basa.

"a-anong nangyari jake?" tanong ko kay jacob habang hinahabol ko ang hininga ko.

"ano ang iyong nais gawin? Ikaw ba'y magpapatiwakal? Bakit mo babawiin ang sarili mong buhay?"
tanong din ang naisagot niya sa tanong ko.

Naalala ko ang ginawa ko kaninang pagpapakamatay pero iniligtas ako ni jacob. Bakit kaya niya ako niligtas? alam ko ang lihim niyang pagtingin para kay bella at alam ko ding kaaway ang tingin niya sa akin dahil ako ang pinili ni bella pero sa kabila non ay iniligtas parin niya ako.

"bakit mo ako iniligtas?"
Tanong ko sa kanya nang makatayo na ako.

"ako'y nalulungkot sa kawalan mo ng pag-asa. Huwaran ang pag-ibig sa iyo ni bella at napakadakila" sabi niya.

"ngunit ako'y tao lamang jake. Isang nakakaawang tao na nangungulila sa kanyang minamahal"

"ngunit hindi sagot sa pangungulila ang kamatayan edward. Isipin mo na lamang kung ibig ba ni bella ang iyong ginawa"

"ano ang iyong nalalaman sa aking nararamdaman jake? Hindi ikaw ang nasa katayuan ko kaya mo nasasabi ang mga bagay na iyan. Hindi ikaw ang nasasaktan at nagdurusa sa dagok ng pag-subok na ito"

Napansin ko ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ni jacob, matapos ay itinulak niya ako sa naiinis niyang hitsura.

"huwag ka sanang magsalita na parang ikaw lang ang nasasaktan sa pagpanaw ni bella. Ako ma'y nangungulila at alam ko kung ano ang iyong saloobin sapagka't ako'y umiibig din kay bella"
tuluyan ng napaiyak si jacob, tanda ng sinseridad niya sa kanyang sinasabi.

Hindi na ako nakasagot. Ang totoo ay hinahangaan ko si jacob sa walang hanggang pagmamahal niya kay bella na walang hinihinging kapalit. Hinihiling ko na sana'y makita niya ang babaeng iibig sakanya kaparang ng kung paano siya umibig.

"ako jake...ako ang siyang dahilan sa pagpanaw ni bella...ikinwento ng inay ni bella kung papaano siya namatay. Hindi nalang sana ako tumawag ng araw na yaon, para sana nakatuon lang sa paglalakad niya ang atensyon niya, hindi sana siya napahamak, kaya hindi ko mapapatawad ang aking sarili"

"mali ang iyong pananaw. Hindi natin hawak ang ating buhay ni ibang tao. Kaparang na lamang sa mga oras na ito, gusto mong kitilin ang iyong buhay ngunit hindi ka naman namatay. Huwag mong isisi sa iyong sarili ang hiningi ng kapalaran"

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya, marahil kung nasaan man si bella ngayon ay tiyak na ayaw niya ang hangarin kong magpakamatay.

"ingatan mo ang iyong sarili edward. Alam mo ba kung bakit kita iniligtas? Sapagka't may isang pangako ako kay bella. Hiniling niya sa akin na bantayan kita at ingatan."
Sambit niya at naglakad na siya palayo sa akin.

Sa usapin namin ni jacob ay bigla kong naalala ang pangako ko kay bella.

Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi siya matahimik? Ito kaya ang bumabagabag sa kanyang kaluluwa? Ngunit sa palagay ko'y hindi ito ang dapat kong intindihin sa ngayon, kundi ang pangakong binitawan ko at hindi tinupad.

Sana'y hindi pa huli ang lahat para sa pangako ko.

Patawad bella kung ako ma'y nawalan na ng pag-asa sa sarili kong pangako.

Kinabukasan, halos kauusbong pa lang ng liwanag ng sikat ng araw, maaga kong inanyayahan ang inay ni bella para muling puntahan ang puntod niya, isinama ko rin ang ama ko at maging ang pari dito sa lugar namin.

"inay, ama, naparito po tayo para idaos ang isang seremonya" sabi ko nang makarating na kami sa tapat ng libingan ni bella. Masayang-masaya ang pakiramdam ko, para sa akin ang araw na ito.

Nagkatinginan sina ama at inay.
Napangiti sila at mukhang may ideya na sa seremonyang tinutukoy ko.

"opo. Naparito po tayo upang bigyang kaganapan ang kasal namin ni bella" patuloy ko kahit hindi pa sila nakakapagsalita.

Niyakap ako ni ama pati na ng nanay ni bella, halos pareho ang pinapakita nilang reaksyon at pareho silang napapaluha, marahil luha ng galak.

"umpisahan na natin" sabi naman ng pari na kinausap ko na kagabi tungkol dito.

Ngayon lang daw siya magkakasal ng isang buhay sa isang sumakabilang buhay.
Nung una ay nag-aalangan pa siya ngunit salamat at napapayag ko rin siya.

Tumayo ako sa tabi ng lapida ni bella para tabihan ang magiging kabiya ko.

O bella, dasal ko na sana'y tunay na nandirito ka sa tabi ko.

Namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko, ngunit ito'y aking pinipigilan dahil ayokong masira ang kagandahan ng araw na ito.

Mahal ko, sa araw na ito ay magiging kabiyak na kita mula ngayon hanggang magpakailanman.

Uumpisahan na sana ng pari ang seremonya ng kasal nang makita kong muli ang nakaitim na belo na matanda na nakatingin sa akin.

Kinilabutan ako sa mga titig niya.
Punong-puno siya ng hiwaga.
Ano kaya ang nais niyang iparating? Bakit siya naparito?

Humakbang siya papalapit sa akin. Napaatras ako dahil sa kaba ko ngunit nahihiwagaan ako dahil habang papalapit siya ay tila ba bumabata ang kanyang hitsura.

Unti-unting nag-iiba ang mukha niya, unti-unting nababanat ang kulubot niyang mukha at lumilinis. Unti-unting umiitim ang puti ng buhok niya at unti-unting pumuputi ang kayumanggi niyang kutis.

Biglang umihip ang malamig na hangin sa paligid na dumadampi sa balat ko, hindi ako makapaniwala nang tumabi na sa akin ang kanina'y matanda ngunit ngayon ay si bella. Oo, ang kanina'y kulubot na mukha ng matanda, ngayon ay ang kagandahan ng mukha ng pinakamamahal kong si bella.

"bella??" pagkagulat ko.

"oo irog ko" ang bilog at pino niyang pagsagot.

Hinimatay si inay nang marinig niya ang boses ng anak niya, hindi rin siguro siya makapaniwala sa nasasaksihan, buti nalang at nasalo siya ni ama na natahimik din at gulat na gulat.

Maging ang padre sa tabi ko ay nanginginig at hindi makagalaw.

"ako'y nagbalik upang tuparin ang ipinangako kong paghihintay sa'yo kagaya ng pagtupad mo sa pangako mo" sabi ni bella.

Nanginginig narin ang buo kong katawan, ngunit bakit naman ako matatakot sa pinakamamahal ko? Alam kong hindi siya mananakit. Alam kong hindi niya ako sasaktan.

Hindi ko alam kung totoo ba ang nangyayari ngayon o nananaginip lang ako,
pero bakit naman ako tatakbo kung pananabik ang nasa puso ko.

Niyakap ko siya sa sobrang pananabik ko ngunit tumagos lang ako sa katawan niya. Hindi ko alam kung halusanasyon ito o kung ano man.

Tunay na kaluluwa nga ito ni bella, nagbalik siya upang pakasalan ako.

Nakakalungkot isiping nasa tabi ko na si bella ngunit parang hindi ko parin siya kasama, pero masayang-masaya parin ako kahit pa hindi ko siya mahawakan ngayon..

Paano ko ipapasuot ang singsing sa mahal ko, paano niya tatanggapin ang basbas ng aming pag-iisang dibdib? Napapaiyak na ako sa nangyayaring ito.

"Padre, ituloy na po natin ang seremonya"
Sabi ko kay padre na nanginginig parin.

"ah..eh..papaanong?? Imposible.."
Hindi parin makatawid sa pagtataka si padre, ngunit salamat at hindi na siya nag-abalang magtanong pa.

"Sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, kayo ngayo'y pagsasamahin ng inyong pagmamahalan" panimula ni padre.

Inilabas niya ang isang pares ng singsing na sagisag ng sumpaan namin ni bella.

"ika'y naparito edward upang tanggapin sa iyong puso si bella"
Patuloy ni padre habang inaabot sa akin ang kapares na singsing na para kay bella.

Heto na, paano ko kaya ipapasuot ang singsing kay bella kung hindi ko siya mahawakan? Gayunpama'y inabot ni bella ang kamay niya sa akin.

Hindi na ako nag-isip pa at ibinigay na lamang ang hinihiling ng kasal.

"Bella aking irog, tanggapin mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking walang hanggang pagmamahal sa iyo" hindi ko na talaga mapigilan pa ang pagtulo ng aking luha.

"hindi ko alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay ko, ngunit mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko, tanging ikaw lamang... Mahal na mahal kita" patuloy ko at isinuot ang singsing sa palasingsingan niya kahit pa tumagos lamang ito.

"gayundin, ika'y naparito bella upang tanggapin sa iyong puso si edward"
patuloy naman ni padre ngunit nalilito kung iaabot ba niya ang singsing kay bella.

Kinuha naman ni bella ang singsing.

"padre, hindi ako mahahawakan ng buhay na tao, ngunit kaya kong humawak ng bagay" nakangiting sabi ni bella.

Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko.

"edward aking sinta, tanggapin mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking walang hanggang pagmamahal sa iyo"
nakangiting sabi niya.

"kung sa iyong buhay ay makatagpo ka ng panibagong pag-ibig, pagbigyan mo ang iyong sarili, ito'y lubos kong mauunawaan sapagka't mahal na mahala kita" patuloy niya.

Kumirot ang aking puso sa sinabi niya, wala siyang ibang hangad kundi ang kaligayahan ko.

"and now you are pronounce, 'husband and wife'" pagtatapos ni padre sa seremonya.

"you may now kiss the bride"
patuloy niya.

Nagharapan kami ni bella. Paano ko siya hahalikan kung tumatagos lang ako sakanya?

"edward, ngayon ako'y matatahimik na mahal ko, mahal na mahal kita aking asawa" sabi niya.

"mahal na mahal din kita bella"

Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang katawan ko para halikan siya, ngunit nang dumampi ang mga labi ko sa mga labi niya ay naramdaman ko si bella,
naramdaman ko ang halik niya na parang buhay parin siya.

Ngunit bigla nanamang umihip ang malakas at malamig na hangin, kasabay ng nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa katawan niya, unti-unting nalalagas ang mga parte ng katawan niya at nagliliparan sa anyo ng paro-paro, hanggang tuluyan na siyang maglaho. Pinagmasdan ko ang mga makukulay na paro-paro, mga paro-parong nagsiliparan sa paligid at nagpatungo sa kalangitan.

WAKAS

(The Day We Met)

Napangiti ako nang maalala ko ang araw na nagkakilala kami ni bella, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yon. Ang araw na bumago sa buhay ko.

Masayang-masaya ako nang madiskobre ko ang isang lake na may munting waterfalls nung 12 years old palang ako, mula non, halos araw-araw ko itong pinupuntah... Read More


About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
7 comments   0 favorite   2,697 views