The Unexpected Bonus

May 1, 2016 (7 months ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags:

NOTE: This is not an erotic confession but more of a message intended to confess the thoughts inside my head.


Hindi ko alam kung tama na sa "CONFESSION" ko ito ilagay pero para sa akin isa din itong pag-confess and at the same time, hoping that this will make things clearer on who I really am to someone that I had thought of a million times kung magpapakapal ako ng mukha na i-attempt na makilala kahit through an add request man lang but it seems that the window of luck had opened up for me to not just get an acceptance of the said request, for it then had a "BONUS" private message.  Well, BONUS talaga para sa akin 'yan. :)

One thing more, hindi ko din naman ito ginagawa upang magpapansin o magdulot ng kahihiyan sa iba.  Sadyang ito lamang ang aking naisip na paraan upang mapatunayan na sadyang sa kanya ko lamang ito ginawa at sa kanya ko lang din naman naramdaman na isang BONUS ang makatanggap ng mensahe na ang tanging nasa isip ko lang noong una ay matanggap ang aking request.

At talaga naman yata na napakabait ng pagkakataon sa akin dahil ang isang mensahe ay nadagdagan pa ng ilan pa, hanggang sa dumating ang huli na akin naman itong nauunawaan dahil sa isang katulad ng ganitong "online community" ay nagkalat ang mga mandaragit at mga dilang sadya yatang ibinabad sa asukal sa tamis, kung kaya hindi ko talaga naisip na malungkot o anuman sa kanya. Bagkus ito ako, ginagawa ang paglathala nito bilang aking pagtugon sa kanyang katanungan kung ilan nga ba ang aking BONUS na natanggap mula dito sa FSS o saan pa man lupalop ng worldwide web.

Isa lang. Isa at isa lang ang aking BONUS na natanggap at BONUS na hindi inaasahan bagamat inaasam asam, sapagkat tulad ng aking tinuran sa aking liham na hindi  naman ako hipokrito para sabihin na sapat na ang pag-accept o sapat na ang mga sulat online, dahil walang sinuman na nilalang ang gumawa ng isang hakbang na hindi umaasam na ito ay magbunga at mamulaklak man lamang at para sa akin, ang hiling kong BONUS nawa ay hindi naman maputol o mawala na lamang, kung kaya sana ay nauuwaan n'ya ang aking ginawang ito para isigaw sa lahat na ISA LANG ang BONUS na aking natanggap at umaasang matatanggap pa. (Wish ko lang. Haha.)

Salamat po at pasensya na sa lahat na nag-isip ng kakaiba base sa aking napiling pamagat para sa aking confession na ito. Hindi man ito erotic, sana ay worth naman na mabasa nang kahit iilan lang.  Lalo na s'ya.

Salama... Read More

About the Author :

Joined: December 12, 2012 (3 years old)
Writings: 5

Send PM · Male · Offline

I can LIVE being an OUTCAST,
Living my own, in ISOLATION,
Than to WASTE MY TIME talking
to a person who thinks to KNOW-IT-ALL.

SUBCONSCIOUS
1 comment   1 favorite   1,215 views