The Power of Love 3

March 31, 2016 (8 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Anal, Erotic Couplings, First Time, Gay Male, Romance | Tags:

The Power of Love 3Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author’s imagination or are used fictictiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.

CHAPTER THREE

                Kilala niya ang mukha ng lalaking sumuntok sa kanya, ito yung lalaking hubo’t hubad na naliligo sa sapa kanina na siyang lumigtas sa kanya sa pagkakalunod. Pero bakit ito pa ang galit na galit sa kanya samantalang pumutok na nga ang labi niya sa marahas nitong pag halik sa kanya.

                “Kapal din ng mukha mo noh, tandaan mo… wala pang bakla ang nakakatikim sa akin at kahit kailan hinding hindi ako papatol sa katulad niyong mga salot!” muli nitong sigaw na sinundan pa ng isang malakas na tadyak sa kanyang sikmura.

                Namimilipit na siya sa sakit at halos panawan na ng ulirat si Miguel sa nararamdaman. Nakita niyang unti unti ng dumarami ang mga tao sa paligid, pawang mga nakiki usyoso sa gulong nagaganap. May mga nagtatawanan at may mga nabubulungan, at mayroon ding naaawa para sa kanyang sinapit. Mabilis na sumaklolo si Leanne sa kaibigan na duguan na ang bibig na pumutok dahil sa mag asawang suntok na natamo ng binata mula sa kung sino.

                “Enough, please stop it.” Histerikal ni Leanne sa di kilalang lalaki.

                “Pipiliin mo ang gagawang mo ng kwentong tarantado ka.” Muli na naman sanang tatadyakan ng lalaki si Miguel, sa takot ay muling namilipit ang katawan ni Miguel sa nerbyos.

                Puno na ng mga estudyante ang paligid, naroon din ang grupo ni Jopay at nag papa cute pa sa lalaking bumubugbog sa kanya. Hindi alintana ang mga sinabi nitong hindi ito papatol sa mga tulad nitong bakla. Sa sulok ng kanyang mga mata, nakikita niyang nakikipag bulungan pa si Jopay sa mga alepores niya at nag tatawanan ang mga ito.

                Dumating na si Richmond at inawat na ang lalaking bumubugbog sa kanya. Bago pa siya nawalan ng ulirat narinig niyang tinawag ito ni Richmond na pinsan at Mark ang pangalan.

                Nagising si Miguel sa hindi niya kilalang lugar, puti ang pintura ng mga dingding at narinig niyang may nag sasalitang babae sa hindi kalayuan sa kanya na tila ba may kausap sa telepono. Kilala niya ang boses na yun, kay Leanne yun base sa boses nito ay galit na ito sa sino mang kausap nito sa telepono.

                “Wala akong pakialam kung ano man ang paliwanag niya, bugbog sarado yung kaibigan ko oh… at hanggang ngayon wala paring malay..” bahagyang putol sa pag sasalita. “Ah leche sya, wag ko syang makikita kung ayaw niyang ako ang sumapak sa kanya.. oh sige, iwasan mo mag cross ang landas namin niyang sira ulong yan at makakatikim s’ya saken.. oh sige na.. bye.. love you too.” Pag tatapos ni Leanne sa tawag at alam niyang si Richmond ang kausap nito.

                “Miss Laxamana, your friends is finally awake.” sabi ng school nurse, kaya ibig sabihin nasa school clinic sila.

                Wala sa isip niyang madadala siya dito minsan sa buhay niya. Dahil sa Mark na iyon naranasan niyang madala sa clinic at ngayon sa eskandalong nangyare kanina nanganganib na mawala ang scholarship niya depende sa hatol ng guidance councilor. Bakit ba napaka malas ng araw niya ngayon, kanina lang muntik na siyang mamatay sa pagkakalunod, ngayon naman nabugbog siya sanhi parin ng iisang lalaki. Napaiyak na si Miguel sa mga isiping iyon na naganap sa buhay niya.

                “Friendster, kumusta na ang pakiramdam mo?” pag aalalang tanong ng kaibigan.

                Humagulhol na lang siya ng iyak habang yakap ang dalaga. Hindi niya lubos maisip kung bakit laging disaster ang dating ng lalaking nag ngangalang Mark sa buhay niya. Kailan kaya siya nito titigilang saktan, nangangamba na siya na baka sa sunod na pagkikita nilang dalawa ay kamatayan na ang sapitin niya dito.

                “M-masakit ang katawan ko, friendster.” Malumanay niyang daing.

                “Do you want me to bring you to the hospital?” nag aalala paring tanong ni Leanne.

                “No, kaya ko to.” Wika ni Miguel sa pagitan ng paghikbi. “Ang problema ko ngayon ay kung paano ko to ipapaliwanag kay Tatay at Nanay pag nakita nila ang mga pasa ko.” muli na naman siyang umiyak, ayaw na ayaw pa naman niyang nag aalala ang mga magulang sa kanya.

                “Gusto mo bang ako na ang mag paliwanag sa kanila? Si Leanne.

                “Hindi na, bahala na akong gumawa ng lusot mamaya pag uwi ko.”

                “Okay, but if you need help just tell me na lang ha.”

                “Salamat sa’yo Leanne, kung di ka umawat kanina baka napatay na ako nung Mark na yun.”

                “May I ask lang ha, pero… kilala mo ba yung Mark na yun?”

                “Parang oo, na parang hindi…” wika pa niya.

                “What do you mean?” nagugulohang tanong ng kaibigan.

                Kwinento ni Miguel ang unang encounter nila ng Mark na iyon sa sapa kaninang umaga, ang kanyang pagka lunod, ang pag sagip nito sa kanya, ang pag halik nito sa kanyang labi na nagging sanhi ng pag putok nito at ngayon naman mas malaki na ang sugat sa kanyang labi sanhi ng malakas na pagkaka suntok.

                “Oh my God, napaka harmful naman pala nung lalaking yun, kung kanina sa sapa eh niligtas niya ang buhay mo, kanikanina lang para naman gusto na niyang bawiin sa tindi ng galit sa’yo.”

                “Hindi ko nga rin alam eh.”

                “You know what, about dun sa transferee guy from Manila na sinasabi ko sa’yo kanina… siya yun eh.. yung hotie na tinutukoy ko.” sabay ngiwi ng bibig ni Leanne.

                “Hotie nga, rapist at killer naman.”

                “Oh my God, don’t you dare say that again.. baka marinig ka n’ya.”

                “Nakakatakot na si Mr. Hotie mo na cousin pa pala ng boyfriend mo.”

                “Oo nga, pero.. alam mo ba yung binibintang niya sa’yo kanina?? .. yun bang ikwenento mo raw or something na nagyari between you and him.”

                “I don’t know, ikaw pa nga lang ang nakaka alam na may nag first kiss na sa’ken.”

                “I think, there must be a mistake pero di ako sure.”

                “Ask mo na lang si Richmond baka may naikwento na yung Mark na yun sa kanya.”

                “That’s a brilliant idea my dear friendster, but for now stay here and take a little rest to make you feel better later.”

                “Okay friendster, thanks talaga sa’yo.”

                “Ano ka ba, wag mo nang alalahanin yun, that’s what friends are for naman di ba?”

                Tumango na lamang siya bilang tugon sa winika ng butihing kaibigan. 4pm na ng payagan na siyang lumabas ng clinic. Wala narin naman siyang klase kung kaya’t nag pasya na lamang siyang umuwi na lamang. Pag dating niya sa kanilang tahanan ay napuna agad ni aling Jessa ang mga pasa sa kanyang mukha at ang pumutok niyang labi. Idinahilan na lang niya ang pagkakahulog niya sa sapa kaninang umaga at nag sinungaling siyang natamo niya ang mga pasa dahil sa pag bagsak niya sa mga bato bago siya tuluyang nahulog sa sapa. Naniwala naman ang butihing ina sa kanyang paliwanag sa kadahilanang naikwento na marahil ni mang Nestor at Kim ang nangyari sa kanya kanina.

                Kinabukasan, muli na naman siyang pumasok sa Seanford, nagmamadali siya dahil malapit na siyang ma-late sa first subject niya, sakto namang mag sisimula pa lang mag check ng attendance ang kanilang professor na si Ms. Valera. Pag pasok niya meron pang isang tao sa kanyang likuran na mukhang na-late din ng pasok. Nanginig sa takot ang buo niyang katawan ng makilala ang pag mumukha ng lalaking nasa kanyang likuran.

                “You two gentlemen, you may take your seats.” Utos ni Ms. Valera ngunit puno na lahat ng upuan at sa bandang likuran na lamang may bakante.

                No choice siyang makatabi ang lalaking nambugbog sa kanya kahapon. Masama parin ang tingin sa kanya nito. Ngunit ng makita nito ang mga pasa sa kanyang mukha at ang sugat sa kanyang labi ay tila nag bago ang expression ng mukha nito. Para bang may habag itong naramdaman sa kanyang sinapit.

                “Okay, people, as I call your name please stand up and introduce yourself, your course and everything what you think we want to know about you.” Panimula ng professor.

                “Jane…” wika ng teacher at may isang estudyanteng tumayo mula sa kanang bahagi bandang unahan, talagang literal na pangalan ang binabanggit ng guro.

                Matapos mag pakilala ang nag ngangalang Jane ay sumunod naman tinawag ang iba pa hanggang halos na ngangalahati na sa klase ang natatawag at nag pakilala.

                “Next is, Marc.” Wika ulet ng professor.

                Tumayo siya at ang lalaking nambugbog sa kanya kahapon kung kaya’t naalarma ang professor, muling ini-scan ang classcard na hawak.

                “I’m sorry, we have two students here who named Marc, and those are the name Marc with letter “C” and the name Mark with letter “K”… okay, you first, Marc with letter “C” mahabang paliwanag ng guro kaya nag simula na si Miguel.

                “Good morning everyone.” Bati ni Miguel sa lahat habang tinitignan ang mga kaklase maliban lang sa kanyang katabi. “My name is Marc Miguel Andrade, 17 years of age.. I am the eldest in our family and we’re currently residing in Barangay Mariquit, I am a second year student now taking up Bachelor of Business Administration under the scholarship grant offered by the school administration that’s why I am here in our prestigious institution to take the good chance to fulfill my dream and bring the good life for my family as well… thank you so much for listening.. And again … good morning.”

                Ang may kahabaang pag papakilala ni Miguel sa buong klase, nakatingin lang sa kanya ang kanyang katabi na kanya rin palang kapangalan. Matapos nuon ay nag palakpakan ang kanyang mga kamag aral bilang papuri sa magandang pagpapakilala na kanyang ginawa.

                Ngayon naman mag papakilala naman ang lalaking nambugbog sa kanya kahapon, mataman lang niya itong pinakiramdaman, ayaw niyang taponan ng kahit na kaunting tingin ang lalaking katabi. May takot na kasi siyang nararamdaman dito dahil sa magkasunod na masamang pangyayari sa kanilang dalawa kahapon.

                “Good morning, my name is Mark Adrian Asurenia, 19 years old… thank you.” Matapos ang maikl nitong pag papakilala ay agad na itong umupo sa katabi niyang silya.

                Naupo narin si Miguel at nakinig sa pag papakilalang ginawa ng iba pa niyang mga kaklase, ngunit kahit isa man lang sa mga pangalan nito ay hindi tumatak sa kanyang isip, bukod tanging pangalan lamang ng katabi ang kanyang natatandaan. Marahil sa kadahilanang mag kapareho sila ng pangalan ng lalaki.

                Hindi pa man nauubos mag pakilala ang buong klase ng may isang estudyante ang nag interrupt sa klase nila. Kumatok ito sa pinto upang maagaw ang attention ng professor nila.

                “Yes, Miss Bueno, what can I do for you?” sabi ng guro sa dumating na estudyante.

                “Ma’am, can I excuse Mr. Andrade and Mr. Asurenia?” tanong ng estudyante sa guro.

                “Is it really important matter Ms. Bueno, why you need these two gentlemen?”

                “Mr. Requiron did not tell what was the reason behid, ma’am.”

                “Mr. Requiron? The guidance councilor?” tanong ni Ms. Valera.

                “Yes ma’am.”

                “I think it’s a serious matter, you, two gentlemen, you may go with Ms. Bueno.” Utos sa kanilang dalawa ng kanilang guro.

                Inayos na ni Miguel ang kanyang mga gamit at humanda na sa pag alis, gayon din si Mr. Asurenia at lumabas na sila ng silid aralan.

                “Thank you so much ma’am, and I’m sorry for the interruption.” Wika ni Ms. Bueno bago lumabas ng room.

                Tumango lang ng guro bilang tanda ng kanyang pag sang ayon. “Ok, let’s proceed,.. ahhm next is Jerone.” Narinig niyang pag papatuloy ng guro bago nila tuluyang nilisan ang lugar.

                Iniisip ni Miguel kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa habang kaharap ang guidance councilor na nag papatawag sa kanila, siguro ito na yung tungkol sa gulong nangyari sa kanila kahapon. Kahit kalian ay hindi niya inisip na mapatatawag siya sa office of the guidance councilor. Tahimik lang siyang nag aaral para sa katuparan ng kanyang mga pangarap at pangarap niya para sa pamilya. Paaano na lang kung matanggalan siya ng scholarship dahil sa nangyari, saan siya ngayon pupulotin, ano ang ipaliliwanag niya sa mga magulang pag nagkataon. Paniguradong sasama ang loob ng mga ito sa kanya, iyon pa naman ang bagay na ayaw na ayaw niyang maramdaman ng mga magulang para sa kanya.

                Wala silang imikang nakasunod sa pag lalakad kay Ms. Bueno, ito ang S.A. (Student Assistant) ni Mr. Requiron, kapwa niya scholar ito. Napapagod na siya sa kakaisip sa mga magaganap sa harap ng guidance councilor, bakit ba siya napasok sa ganitong sitwasyon, nagulo ng lalaking kasabay ang buhay niya ng simula niya itong makita. Ano pa kaya ang susunod na gagawin nitong paninira sa tahimik niyang buhay? Napa buntong hininga na lamang siya. Dapat lang kalmahin niya ang sarili bilang pag hahanda sa nalalapit na pag gigisa sa kanila.

                Habang abala ang isip niya sa kung anu-anong bagay ay sumagi din sa kanyang kamalayan ang presensya ng lalaking katabi. Matangkad ito sa kanya, marahil ay 5’11 ang height nito, dahil hanggang tainga lang siya ng lalaki samantalang 5’7 ang kanyang height. Mabango ang gamit nitong pabango na talagang naiiwan sa hangin ang amoy, samantalang siya ay Lewis & Pearl Scent Shop Rain cologne lang ang gamit na tinitipid pa niya. Mabango naman ang cologne na gamit niya, gusto nga niya ang amoy nito pero ang katabi niyang lalaki mukhang lumangoy na ata sa swimming pool ng cologne sa tindi ng bango nito. At ang porma nito na “can’t resist” ang dating sa mga makakakita, pamatay sa porma. Naka black na polo shirt ng bench naka button lahat, khaki slim fit pants na lacoste at naka fold para mag muhang ¾ at sperry top sider shoes na grey and misty green ang kulay. Sa porma nito ay mag mumukha siyang alalay.

                Ok naman ang porma niya, bagay naman sa kanya kaso hindi kaseng branded tulad ng sa katabi niya. Gray and black polo shirt button din lahat, maroon skinny jeans na nabili niya sa palengke at binarat pa niya ang presyo sa tindera, at ang sapatos niyang white from U.K.-U.K. sa halagang 100 php. Napansin din niya pareho jansport ang bag nila na kulay light blue at gray and strap, sakanya imitation lang.

                Nilakad nila ang isang mahabang pasilyo patungo sa administration building, sa third floor pa ang office ni Mr. Requiron. Pinakikiramdaman na lang niya ang katabi, ano kaya ang iniisip nito, kinakabahan din kaya ito tulad niya? ang tanong niya sa kanyang sarili. Marahil ay hindi, dahil kung masisipa man ito sa Seanford University ay makakaya parin nitong mapunta sa ibang paaralan na kasing tanyag ng Seanford. Eh siya ba, kung matatagal siya sa paaralang iyon, saan siya pupunta? Hindi ba’t umaasa lang naman siya sa scholarship na binigay sa kanya ng paaralan matapos niyang maka grauduate ng high school bilang salutatorian.

                Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng makita niyang nsa harap na sila ng pinto ng office of the guidance councilor.

                “This is it.” Bulong ni Miguel sa sarili.

                Binuksan ni Ms. Bueno ang pinto ng office at pinatuloy sila sa loob.

                “Have a seat.” Wika ni Mr. Requiron sabay hubad sa suot na reading glass at nilapag sa ibabaw ng mesa, habang papaupo silang magkaharap sa isa’t isa.

                Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa buong silid habang palit palitan ang tingin ng matandang guidance councilor sa dalawang binata.

                “Do you know why you’re here?” panimulang tanong nito sa kanilang dalawa.

                “I don’t know sir.” Hindi niya siguradong sagot habang nakatingin siya sa sahig ng opisina.

                “What about you, Mr. Asurenia?” tanong ng matanda sa kanyang kaharap. Hindi ito umimik.

                “Well, let me tell you this.” Panandaliang putol ni Mr. Requiron sa kanyang salita. “There was a commotion happened yesterday, right? And this turmoil was come from the both of you.”

                Walang gustong umimik sa kanilang dalawa ng mga sandaling iyon.

                “I don’t want to ask who started it, and what the reason was… I want you to tell me the story, the whole story… now, who wants to talk first?”

                Wala pa rin gustong umimik sa kanilang dalawa, si Miguel ay nanatiling nakatingin sa sahig ng opisina at hagip ng kanyang paningin ang sapatos ni Mark Adrian.

                “Okay, I have here on my desk your school profile, no wonder Mr. Asurenia is now here, based on your track record you have a lot of school rule breaking incidents you had made from your prior school.” Patuloy ni Mr. Requiron.

                Napansin ni Miguel na napa tiim bagang si Mark Adrian sa narinig na sinabi ng matanda.

                “And I don’t know why, why you are here in our school, maybe because of the power of money and influence.. since you are now part of the institution Mr. Asurenia, I am expecting you to behave as a grown man, I do hope so that you raise by your parents with a good values.” Putol panandalian ni Mr.Requiron.

                “Do you know why am I obviously put the blame on you Mr. Asurenia?” tanong nito kay Mark Adrian.

                “No, sir.” Sagot ni Mark Adrian.

                “Because I knew Mr. Andrade very well, since last year, he has no track record of rule breaking being put in his name, just now, and it’s because of you.”sabi pa ng guidance councilor at nanatili parin silang nakikinig, pareho na sila naka tingin sa tiles na sahig.

                “Okay, I don’t want to prolong this converstion anymore, I just want to make things right….  now, could you be friends, you, the two of you…. This is the first day of school, It should be the getting to know you period, not fighting together.” Paliwanag nito sa dalawa.

                Nakatungo parin si Miguel sa sahig, pero napansin niya ang kamay ni Mark Adrian na nakalahad sa kanya.

                “Mr. Andrade.” Pahiwatig ng matanda kay Miguel para tanggapin na niya ang pakikipag kamay ng binata.

                 Napilitan na siyang abotin ang kamay ng lalaki at makipag kamay, para matapos na ang lahat. Ngayon tapos na silang mag shakehands ay nag salita muli si Mr. Requiron.

                “Since, this meeting is over I want you to know that there is a appropriate punishment I have to sentence for you gentlemen, you are going to clean the entire stock room at the 4th floor of administration building right now.”

                Nag katinginan na lamang silang dalawa.

                “Remember, no more fight again.. because the next sentence I will give to you is expulsion… understand?”paalala nito sa kanilang dalawa.

                “Yes, sir.” Halos sabay nilang wika.

                “Now, you may go..” pag tataboy ni Mr. Requiron sa kanila.

                Lumabas na sila sa guidance office, mabuti na lang at pag lilinis lang ng stock room ang punishment sa kanila. Akala ni Miguel mare-repeal na ang scholarship niya. Pero naawa naman siya para kay Mark Adrian dahil nagisa ito kanina. Parang unti unti ng lumilinaw sa kanya ang pagka tao ng lalaki. Mukhang may hindi tama dito.

                Pag dating nila sa stock room, naka bukas na ito na dati naman parating naka sara sa tuwing magagawi sila dito. Binuksan niya ang ilaw at doon tumambad sa kanila ang patong patong na mga upuan na hindi na ginagamit, mga kahon na kung anu-ano ang laman, mga lumang dyaryo, musical instrument tulad ng trumpet, bass drums, xylophone, gitara. Maging mga pinag palitan na screen monitor ng computer naroon din.

                Maya maya pa ay dumating naman ang janitor at inabot sa kanila ang mga gagamiting panglinis, walis tambo, timba na may tubing pang mop ng sahig, basahan, trash bin at dustpan. Nag simula na si Miguel sa pag lilinis samantalang palinga-linga parin sa paligid si Mark Adrian. Pinabayaan na lamang niya ito kahit napipika na siya sa hindi nito pag tulong.

                Pinag sama-sama ni Miguel ang mga bagay na pwedeng pag sama-samahin at inilagay sa tabi ang sa tingin niya ay patapon na. Pawisan na siya sa tindi ng pagod at init na nag mumula sa bubong, sira pala kase ang kesami doon. Si Mark Adrian naman ay kinakalikot ang gitara, kinumpleto nito ang kwerdas ng isang gitara gamit ang kwerdas ng ibang gitara.

                Nag pupunas si Miguel ng mga gamit na nakasalansan na ng maka rinig siya ng tunog ng gitara. Si Mark Adrian pala ay naayos nito ang gitarang kinakalikot, maya maya pa ay nag strum ito at nag simula ng umawit, “Hard To Say I’m Sorry” version ng Boyz II Men, napaka lamig ng boses at pinaganda pa sa dami ng kulot nito.

Everybody need a little time away

I heard her say, from each other

Even lovers need a holiday

Far away from each other

Hold me now

It's hard for me to say, I'm sorry (oh)

I just want you to stay (stay with me)

After all that you've been through

I will make it up to you, I promise you baby

And after all that's been said and done

You're just a part of me I can't let go

Couldn't stand to be kept away

Not for a day, from your body

(baby, I can't live without you, not even day)

Wouldn't wanna be swept away (away)

Far away from the one that I love

Hold me now

It's hard for me to say, I'm sorry

I just want you to know (you to know)

Hold me now

I really wanna tell you I'm sorry

I could never let you go

After all that we've been through

I will make it up to you, I promise you

And after all that's been said and done

You're just a part of me I can't let go

I can't let go

           ... Read More

About the Author :

Joined: March 28, 2016 (8 months old)
Writings: 3

Send PM · Bisexual · Offline

i am an avid reader and trying hard author.
0 comment   0 favorite   965 views