The Last Song Syndrome

August 19, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

(Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.)

"The Last Song Syndrome"
by: Fiction-Factory

--I remember the days when you're here with me,
those laughter and tears we shared for years,
memories that we have for so long just you and me,
but now you're gone away and left me all alone.--

Be known that a man's tears ought to be hid somewhere depth in the heart, for it's not easy to flaunt something which is obviously a distraction.
Falling in love is not an easy task while being departed is the only way to get out. Escaped from the fate of pain. Untill he swim-drunk in a glass of sorrowed wine, but still shut and drownin' in silence.
No other man nor a woman could totally understand why the feeling has gone, only a certain dull-consideration of a bit judgemental eyes could see the appearance of a fully broken-soul'd man.

The name is Will.
The first time I saw her was like a magical land of fairytales, the next glance was most-alike hell disaster era.
I truly love her, I know she loves me, saying love is all that matters, but sometimes love just ain't enough.
But I still love her!

Walang-wala sa isip ko nang tapikin ni Jack ang balikat ko para ituro ang isang babaeng nakaupo sa isang bench-park sa harapan ng Simbahan dito sa amin. Nakatayo kami sa parteng gilid, sa madilim na gate kasama ang ibang barkada.

"Pare, tignan mo yung chicks! Ang ganda diba?"
nakangiting sambit nya.

Paglingon ko isang babaeng maganda nga ang nakita ko. Isang tipo ng sosyal, na ni minsan hindi ko natipuhan.

"Oo nga noh! Lapitan mo na!"
sagot ko nalang.

Napansin kong may isang babae na naman ang lumapit sa babaeng 'yon, atsaka umupo sa tabi nito.
Sya ngayon ang babaeng kumuha ng atensyon ko. Ang itim nyang buhok na parang kaylambot haplosin, angelic face ngunit mala-diwata ang kagandahan, samahan pa ng balingkinitang pangangatawan.

"Teka Pare! Ako'ng babanat!"
pagyayabang ko kay Jack at ang puntirya ko ay ang kasama ng itinuro nya.

Hindi ko alam kung bakit bigla kong nasabi 'yon, gayung saksakan ako ng eprot at ang mga daga sa dibdib ko tunay na nagsisiksikan.
Lakas-loob ko silang linapitan, at isang tipikal na banat ang aking binira.

"Miss, pwede bang magpakilala?"

At tulad ng inaasahan ko, hindi nya ako pinansin! Shit! Deadma! Shy-to-death ang inabot ko pagbalik ko sa barkada sa tindi ng kanilang hiyawan at tawanan.

Hindi ako nawalan ng pag-asa, na-challenge ako ng babaeng 'yon! Hanggang sa prosisyon ng Patron sinundan namin sila. Ang dalawang babaeng 'yon na pumukaw sa amin ni Jack. Ang problema, kung torpe ako, mas torpe itong si Jack.

Naglalakad kami sa kasagsagan ng pagrorosaryo nina Lola habang nagpo-prosisyon. Sumabay ako ng paglalakad sa dalawang babae.

"Miss, pwede ulit magpakilala?"
muling banat ko, at tulad kanina, ini-snub na naman nya ako.

Nakakainis! Nakakabanas! Tunay na nakakaasar ang muling tawanan ng mga barkada ko.

Kinabukasan, Coronation night.
Nang maibalik na ang Patron sa simbahan matapos mai-prosisyon, hindi na rin kami nagtagal ng barkada at nagdesisyon ng umuwi.
Ngunita ampota! Biglang nakita ng mga barkada ko ang babaeng 'yon.

"Will, ayun sya oh! Tara ipapakilala ka nalang namin! He he"

Sa 'di malamang kadahilanan, ayoko! Ayoko! Ngunit makulit ang barkada at pilit nilang hinihila ang magkabilang braso ko papunta sa babaeng 'yon.

"Pare, ayoko! Ayoko! Ano ba! 'wag kayong magbiro ng ganyan! Bitawan ny--"

Natigilan ako nang mapansin ko ang paglingon ng babae, at ngayon nakatingin sa amin. Para hindi asiwa, tumindig ako at tumayo ng maayos para magpakalalaki.

Lumapit ako sa kanya,
"Ahm. Miss--"
at nagulat nalang ako nang bigla nyang iabot ang kamay nya sabay bigkas ng kanyang pangalan,

"Grace!"

Hindi ako agad nakapag-isip, parang nawala ako sa sarili nang masilayan ko ang kagandahan nya sa malapitan.

"Ah. I'm Will"
sabay abot ng aking kamay.

Napakalambot ng pagdampi ng kanyang kamay. Sa hitsura nya mukhang hindi ako uubra. Ayokong mag-assume, alam kong pagpapakilala lang ito at walang ibang ibig sabihin sa kanya ito.

Gayunpaman, ngayong gabi, nakilala ko ang babaeng unang nagpatibok ng aking puso.

(This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this story to an actual living or non-living is definitely coincidental. Vulgarity of such words were used for further collaboration. Please do not continue reading if you are below 18 years of age.)

Relationship ends but love will last forever in a form of blissful reverie-memories, hate will follow, for always, fades for awhile, stays a li'l bit longer. Tears remains in a cold-haunt shivery night. Wherein your wishful fantasy dreams tantalizes your asleepless senses in bottom grief. Widely awake in a be... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
6 comments   1 favorite   1,111 views