The Last Goodbye

May 24, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: First Time, Mature | Tags: ,

Hindi ako handa sa kung ano man ang makikita ko sa gabing ito. Hindi ko inaasahan na sa ganitong situwasyon ko makikita ang sarili ko. Nakakapang hina ng tuhod, ramdam at dinig ko ang sariling pintig ng puso ko. Bakit kelangan sa ganito kelangan mauwi ang lahat. Hindi sa ganitong paraan ko gustong mauwi ang lahat. Pero nung makita ko siya, lahat ng alaala ay bumalik sa akin. Nakakapanghina pero kelangan kong tanggapin dahil alam kong wala na akong mababago pa. 

Nasa Baler ako ng makatanggap ako ng tawag mula kay Calel. Ito ay tungkol kay Neri, at ang pagbabalik niya ng bansa. Handa na akong i-dismiss lahat ng idea ni Calel nung mga oras na yun, pero sabi niya siguro panahon na rin para magkita kaming muli ni Neri matapos ang apat na taon. Oo, apat na taon na din ang lumipas at sa huling tatlong taon, pinilit kong kalimutan siya at bumuo ng panibagong buhay. Alam na alam ko naman na may mga pagkakamali din ako sa relasyon namin and it is a fair share if I may say. Naputol ang pagmumuni muni ko ng sigawan ako ni Calel sa kabilang linya na talaga namang nakapagpabalik sakin sa katawang lupa ko. 

Si Calel talaga. Napailing nalang ako. 

Hindi ko na matandaan kung paano ko naging best friend si Calel. Siya lang ulit ang naging best friend kong babae bukod kay Neri na naging girlfriend ko naman. Si Calel ang nasa tabi ko sa loob ng apat na taon. Siya ang tumulong sakin nun sa loob ng isang taon simula ng tuluyan na kaming maghiwalay ni Neri at mag asawa ito. Naalala ko, sa aming dalawa ni Calel, mas nahirapan siya kesa sa akin. Naging hands on siya sa pag asikaso sakin nung unang taon pagkatapos naming maghiwalay ni Neri. Wala akong kapatid, ang mga magulang ko matagal ng may sari sariling buhay at pareho na itong nasa abroad. Araw araw niya akong pinupuntahan sa condo ko, kinakaladkad palabas para kumain, magliwaliw, para kalimutan lahat ng sakit. She made sure din na maramdaman ko ng husto lahat ng sakit at ipaalala ang lahat ng pagkakamaling ginawa ko kay Neri na naging dahilan ng hiwalayan namin. 

Sa sobrang sakit ko sa ulo at sakit na nararamdaman ko nung unang taon, halos gabi gabi o madaling araw ay sinusundo niya ako sa bar o di kaya ay sa presinto na. Iuuwi niya ako sa condo ko kahit na pagod na siya o puyat pa. Wala akong narinig na kahit anong sumbat sa kanya. Lagi niya lang akong pinapaalalahanan. Pati ang trabaho ko nun, napabayaan ko na hanggang sa mag quit ako. Pero andun siya para kumbinsihin ang CEO ng kumpanyang pinapasukan ko na muli akong tanggapin. Buti nalang at good friends sila kaya nakuha ko ulit ang trabaho ko. 

Nawala nanaman ang pagmumuni kong iyon ng dumating si Calel at iluwa siya ng kotse niya. Oo, pinuntahan niya ako sa Baler agad. Akala ko kinabukasan pa siya darating tulad ng napagkasunduan namin. Halos lumuwa naman ang mata at tumulo ang laway ng mga kasama kong surfer nang makita nilang maglakad-takbo papunta sakin si Calel. Bakit hindi, may hawig kay carla abellana, fair skin tone pero sobrang kinis. At ang suot niya nung oras na yun ay isang fitted white sando at pink short shorts. Dun ko lang din napansin kung gano kaganda si Calel, ang babaeng nag alaga sakin sa loob ng apat na taon, ang naging bestfriend ko. Hawak ko pa ang aking surfer board nang bigla siyang yumakap sakin at halikan ako sa pisngi. Mahilig siyang mangyakap talaga, at para sakin, wala akong malisya sa kanya. 

Pagkatapos ng kumustahan, at konting kwentuhan sa kanyang byahe, kinuha ko na ang ibang gamit niya sa kotse para dalhin sa hotel room ng resort na tinutuluyan ko dito sa Baler. Sakto at maghahapunan na rin, kaya napag pasyahan ko ng mag shower at gayun din siya, syempre pagkatapos ko. Lumabas ako sa veranda pagkatapos kong magbihis upang uminom ng wine at manigarilyo na rin. Nagulat nalang ako ng may kumurot sakin, si Calel tapos ng maligo at nakasuot ito ng mahabang bestida, di ko alam ang tawag dun pero yung hanggang talampakan, summer dress daw yun. Talaga namang natulala ako sa itsura ni Calel nun, naka lugay pa ang buhok niya at di niya suot ang kanyang eye glasses. Inaya ko na siya sa dine hall ng resort para makapag hapunan. Pagkatapos nun ay lumabas kami upang makapaglakad lakad sa may dalampasigan. Tamang tama nung araw na yun ay may kaunting palabas at tugtugan sa resort. Habang nanunuod kami, napagkwentuhan namin kung saan, kelan at kung pano ako makikipag kita kay Neri. Tinanong niya din ako kung ano ang nararamdaman kong maaari ko ng makita muli si Neri pagkatapos ng apat na taon. 

Naging maayos ang gabing iyon sa aming dalawa. Nang ihatid ko siya sa kanyang kwarto (na katabi lang naman ng kwarto ko) inaya niya akong mag wine kami sa veranda ng kwarto niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko nun na yinakap ko siya at hinalikan sa lips. Smack lang naman, pero hindi naman siya umiwas o nakitaan ng pagtanggi pagkatapos ko siyang halikan, kundi isang matamis na ngiti lang na ni minsan hindi ko pa nakita sa kanya. Sinabi ko nalang na isa iyong pasasalamat sa pag aalaga niya sakin sa loob ng apat na taon at hindi niya ako iniwan miski minsan. Inubos namin ang isang bote ng wine at mahaba pa ang kwentuhan namin nung gabing iyon. Lahat ng masasayang alaala namin ni Calel, napag kwentuhan namin. Di ko alam kung bakit yun ang napag usapan namin pero habang tumatagal, dun ko lang din naamin sa sarili kong mahal ko nga si Calel, minamahal ko siya. Lakas loob kong hinalikan muli si Calel, mas matagal, mas banayad. Nang tumigil ako at tignan ang mukha niya, nakita kong namumungay ang kanyang mga mata na talaga naman lalong nakakapag paibig sakin at ngumiti siya. 

"Calel, I know what you have done for me the last four years, you know me in and out, all through out that I have been. My ups and downs......"

"Anj, stop. Please kiss me again. I have been longing for that kiss from you."

Nakita ko siyang nakangiti saakin. Yinakap ko siyang muli at hinalikan ang kanyang pouty lips. 

"Calel, I love you. I am in love with you."

"I love you too Anj. Hinding hindi ako mag sasawang alagaan ka." 

Sukat nun ay hinalikan ko siya at binuhat papunta sa kanyang kama na animo ay bagong kasal at nag ha-honeymoon lang. Hinalikan ko siya muli sa kanyang mga labi ng maihiga ko siya sa kanyang kama. Mga halik na bumaba sa kanyang baba, paakyat sa kanyang matangos na ilong at mata, pabalik sa kanyang mga pisngi at isang madiing halik muli sa kanyang mga labi. Habang ang kanyang mga kamay ay nakahawak sa aking ulo at batok. 

"Mahal na mahal kita Calel. Salamat sa lahat. This time, I want to make you happy for the rest of our lives."

"Anjelo, I would love that. I love you too so much Anjelo." 

Yun lang at muli ko siyang hinalikan, mas mapusok ang naging halikan namin, mas instense. Natapos ang aming magdamag na naka 4 rounds kami, pareho kaming hinang hina ni Calel. Dahil narin sa dun ko lang na devirginize si Calel, ako ang nakauna sa kanya. Ako lang pala ang hinihintay niya. Napangiti akong muli ng maisip yung ng pag gising ko. Hinalikan ko siya sa kanyang noo nung magising ako at pinagtimpla ko siya ng kape at nagpaalam na mag eempake na ako. Maaga kaming umalis ng Baler nang araw na yun nang sa gayon ay hapon ay makauwi na kami ng Manila upang masabi na namin ni Calel sa kanyang magulang ang tungkol sa aming relasyon. Excited kami parehas nung paalis kami ng Baler. 

Habang nasa byahe kami sinulyapan kong muli si Calel, tulog ito ngunit naka ngiti. Napangiti na rin ako at kinuha ang kanyang kamay upang mahalikan. Napansin ko rin na hindi naka buckle up ang kanyang seatbelt. Inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng highway upang maiayos ko ang kanyang seatbelt. Muli kong dinampian ng halik ang kanyang noo at sinambit ang mga katagang "I love you Calel." Nang paandarin ko na ang sasakyan at papasok ng highway, nagulat nalamang ako ng may sumalpok sa aking pinto at umikot ang aming kotse sa highway. Pinilit kong ibalik sa tamang kalsada ang kotse, habang ginagawa ko yun, naramdaman kong humawak sa braso ko si Calel at nakangiti ito habang sinasambit ang "I love you" na walang kahit anong tinig at walang bakas na kahit anong pag aalala sa kanyang mukha. Next thing I know, sumalpok ulit kami at nag black out na ako. 

Nagising nalang ako na may mga tubo ng nakakabit sa aking katawan, nananakit din ang buo kong katawan at naka benda ang aking braso. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa hospital ako, at may nakita akong babaeng nakaupo sa sofa ng kwarto. Pinilit kong bumangon at napansin ako ng nakaupo, si mommy pala iyon. 

"Mom, asan si Calel?" 

"Anak, magpahinga ka na muna. Hindi pa maganda ang kalagayan mo. Bali pa ang braso mo."

"Gusto ko ng makita si Calel, asan siya? Ok lang ba siya?"

"Anjelo Oliemar, tumigil ka. Hindi pa kaya ng katawan mo. Nurse, I need some assitance here in room 414, the patient is now awake."

Nang magising ako ulit, isinama ako ni mommy kasama ang mama ni Calel sa isang part ng ospital, kakaiba ito. Para itong chapel. Hindi ako handa sa kung ano man ang makikita ko sa gabing ito. Hindi ko inaasahan na sa ganitong situwasyon ko makikita ang sarili ko. Nakakapang hina ng tuhod, ramdam at dinig ko ang sariling pintig ng puso ko. Bakit kelangan sa ganito kelangan mauwi ang lahat. Hindi sa ganitong paraan ko gustong mauwi ang lahat. Pero nung makita ko si Calel, lahat ng alaala ay bumalik sa akin. Nakakapanghina pero kelangan kong tanggapin dahil alam kong wala na akong mababago pa. Wala na ang babaeng minamahal ko, wala na si Calel. Nakahimlay na siya sa sarili nitong kabaong. Hindi ko napigilan ang nag uunahang mga luha sa... Read More

About the Author :

Joined: May 22, 2014 (2 years old)
Writings: 2

Send PM · Male · Offline

* Adventurous guy, loves to explore. In and out.
* Writer by heart,
* Decent yet, devilish in a very stylistic way
Suggested writings:
15 comments   0 favorite   1,713 views