Tapos Na

March 24, 2018 (29 days ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Tapos na.

Nandito na talaga tayo sa dulo.

Dito sa hangganan na noon hindi ko naman natatanaw, pero ngayon dito tayo parehas napadpad. Masakit, oo. Nakakapanghinayang. Pero may mga bagay talaga na hindi na natin kayang ipilit at ayusin kapag ayaw na talaga.

Parang tayo, sinubukan naman nating ayusin di ba?

Mahal pa rin naman natin ang isa't isa... pero hindi na gaya noon.

Ang saya natin. Bakit biglang nasira? Bakit biglang nagkulang? Nasobrahan ba ako? O hindi ka lang nakuntento? Sagutin mo naman. Maghihintay ako.

Yung mga tawa at kulitan natin, napalitan ng away at sigawan. Yung halakhak, napalitan ng iyak. Hindi ko alam kung paano tayo maaayos kasi hindi ko naman alam kung saan nagkaproblema. Sabi mo ikaw ang may diperensya, sayo may problema, kaya sa huli ang sabi mo, palayain na kita..

Siguro nga hindi ka na masaya sa sakin. Pasensya ka na mahal ko kung hindi naging sapat yung Ako para Sa'yo.

Hindi ko alam kung ilang buwan o taon ang kailangang lumipas para makalimutan kita kasama lahat ng sakit na nandito pa rin sa dibdib ko hanggang ngayon. Pero alam ko, magiging masaya ulit tayo. Hindi man sa piling ng isa't isa, pero sa piling ng iba.

Sa ngayon, paniniwalain ko muna yung sarili kong hindi kita namimiss, hindi kita naaalala, at hi... Read More

About the Author :

Joined: January 8, 2016 (2 years old)
Writings: 10

Send PM · Female · Offline

I don't think all writers are sad. I think it's the other way around --- all sad people write.
14 comments   0 favorite   678 views