Tanim Bala?

November 2, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Tanim Bala

Starst1949@Stardust1949

Super excited si Maria Leonora Cirkera    (MLC for short).  Bukas na kasi ang lipad niya papuntang Tanzania.  Mga ilang buwan din niyang hinintay ang trabaho duon bago nafinalized.  Matagal din kasi siyang nabakante mula ng magbalik  galing  Papua New Guinea matapos ang dalawang taong kontrata.

At dahil laman ng media ang balita tungkol sa tanim bala sa NAIA,     balot ng plastic ang kanyang mga bagahe pati na ang kanyang handcarry. Parang  mga pagkain ito na ilalagay sa freezer. At para panigurado,  nakapacking tape pa ang mga ito. Lalo na ang lahat mga zipper.  Zipper lang ng pantalon niya ang walang tape at bukas ( iba na  laging handa..hehehe)  Pati mga bulsa ng pantalon  niya  ay nakatape din.

Kampante si MLC habang naghihintay sa paglabas ng kanyang  bagahe  sa  Xray machine,  ng biglang  tawagin siya ng isang  officer dun.

“ Mam, may problema ho tayo dito sa bagahe ninyo.”

“Ho, bakit ho, ano problema”  Tanong ng namutlang si MLC.

“May bala hong  nakita sa Xray ng  handcarry ninyo.  Me kalakihan ho ito.  Mukhang mataas na kalibre. Halika ho at tignan ninyo. “

 Ngising aso ang officer,  nasaisip na ang malaking halagang makokotong kay MLC.

Lumapit si MLC, tumingin.

Nagulat si MLC, ang pamumutla ay napalitan ng pamumula  dahil... Read More

About the Author :

Joined: February 2, 2014 (2 years old)
Writings: 84

Send PM · Male · Offline

prefers love story with open-ended and sad endings, tragic settings/characters but writes about other erotic genre to suit readers' popular preferences.
, also writes poems and personal essays/blogs
20 comments   0 favorite   2,024 views