Tanginang Pagibig Yan

September 22, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Tanginang Pagibig YanAng dami kong nababasang mga sulatin ngayon na tungkol sa pagibig, hindi lang dito sa FSS kundi sa facebook at blogosperya, at karamihan sa mga nababasa ko eh masasakit at masaklap sa buhay-pagibig ng me akda. Hindi ako magkukunwari na perpekto ang love life ko, nasaktan na rin ako minsan at hindi rin ako magsisinungaling na maraming beses na rin akong nakasakit, at baka nga tuluyan pa ring nakakasakit hanggang ngayon.

Hindi ako eksperto sa larangan ng pagmamahalan dahil katulad nga ng sinabi ko, ang buhay pagibig ko man ay punong puno ng kamalasan. Pero dahil nga siguro sa edad at paghutok ng panahon sa akin, marami akong natutunan sa putanginang pagibig na yan. Hindi ako bitter, pero dahil nasaktan ako, nasugatan at nagkapeklat na sa tuwing masasaling ko sya o makikita eh nagpapaalala sa akin ng aking karanasan. Sa tingin ko maraming makaka-relate sa akin sa sulatin ko na to, at tiyak akong marami rin namang kokontra din, dahil siguro hindi nya pa nasubukan magmahal ng lubos, or baka nilaspastangan sya ng clown nung bata pa sya.

Sa totoong buhay di naman ako kumontra, at hinding hindi kailanman kokontra sa mga kapwa mambabasa at manunulat na hopeless romantic. Minsan isang parte ng buhay ko eh naniwala din ako na ang pagibig eh katulad ng napapanood sa sine. Yun bang punong puno ng kilig, me konting aberya pero in the end happily ever after pa rin ang peg. Pero habang nagkakaedad ako narerealize ko na mas marami ang aberya kesa sa sweet sweetan sa totoong relasyon. Mas madalas na poproblemahin mo ang pukinginang pagibig na yan kesa pasasayahin ka. Kung baga, mas malapit sya sa ‘action thriller’ kesa sa romantic comedy.

Masarap naman ang mainlove eh, mangingiti ka palagi, para kang hindi maihing pusa, at yung pakiramdam na nakalutang ka sa ulap sa tuwing maaalala mo ang partner mo. Pero ang tanong, hanggang kailan mo ba mararamdaman ang sarap? Hanggang kailan lang ba nanatili ang pesteng kilig na yan? Kaya ba syang isustain? Papaano pag nanlamig na, ayawan na ba kaagad? Ano nga ba ang susi sa perfect relationship? Me forever nga ba? Ang daming tanong no? Actually mas marami pa yan, hindi ko na lang kayang isa-isahin dahil baka makagawa na tayo ng isang buong libro, eh tanong pa lang ang idinidiscuss.

Pero katulad nga ng paulit ulit kong sinasabi hindi ako eksperto dahil ang sarili ko man relasyon eh marami ring butas, pero hayaan nyo kong ibahagi sa inyo ang ilang panuntunan na nagturo sa akin habang nagkakaedad ako, ituring nyo na lang itong isang advice na hindi mo hiningi mula sa isang kaibigan na nakakatanda, or sa isang kuya (kuya… wag po... Please wag pooo...)

Sa totoo lang iniisip ko kung tama ba tong topic na napili ko na isulat. Mag dadalawang lingo na kasi akong binabagabag ng tema tungkol sa putanginang pagibig (malamang epekto ito ng aldub fever at ng on the wings of love, o mas kilala sa tawag na OTWOL). Kanina habang nasa bus ako, iniisip ko yung mga naging karelasyon ko at inaanalyze (hindi ko sila lahat pinuwetan, dalawa lang po sa kanila) kung masasabi ko bang totoo ang pagibig na binigay ko nung habang kami pa. Iniisip ko rin kung minahal ba nila ko (ginamit nya lang ang katawan kong kasarapan) or wala lang.

Ang dami kong binasa na articles, books, blogs, atbp patungkol sa pagbig. Iba iba ang panlasa, iba iba ang pananaw, depende yata talaga sa experience ng nagsulat. Ako kasi simple lang love story ko, kung baga sa ulam eh ginisang gulay lang maihahambing. Walang masyadong palabok, hindi masyadong magarbo. Hindi masyadong malasa pero me sustansya. Pero kahit gaano yata kasimple ang relasyon, maeenjoy mo sya kung gugustuhin mo or magkakaroon ka ng positibong pananaw tungkol dito.

Kahit ba sabihin mong napakalupit ng tadhana sayo, at pinilit lang ang relasyon na yan sayo, kung titignan mo sya sa ibang angulo, me positibong aral ka pa rin makukuha kahit slight lang. Again, positibong aral, at hindi basta pakiramdam lang. Sabi nga nung idol kong manunulat, “love is not always a feeling, sometimes it's a choice…” Hindi ko sigurado kung saan nya napulot ang mga katagang ito, or kung kailan nya to naimbento pero umapir to sa mukha ko ng malakas. Narealize ko na “Tangina oo nga no? mas matimbang talaga ang 'choice' than the feeling itself.” Madalas kasing nawawala ang feelings, kilig, magic, attraction, kuryente na yan sa magkarelasyon. Pero yung pinili mo, ginusto mo yan eh, pinagisipan mong mabuti, pinakiramdaman mo kaya sya andyan at hindi sya mawawala basta basta. Pero papaano ba napag-aalab ang relasyon kung hindi na parang starcinema ang love story nyo?

Dun sa mga me asawa na (isa man or marami), or nasa isang relasyon na matagal na, alam nila ang ibig kong ipakahulugan pag sinabi kong nagagawa ang kilig na yan. Oo, pramis pwede naman talagang gawin ang 'kilig'  kung gugustuhin. Hindi mo sya kailangan painumin ng maraming tubig at antaying maihi para sa kilig. (wag kang ano... Seryoso kaya ako) 

Usually lalake ang magke- create ng kilig na ito, bakit? Kasi ang babae emosyonal sila, isa ang kilig na ito na pamantayan nila sa isang relasyon, kung tatanungin mo ko paano ko nalaman... Hellooo tomboy kaya ako nung past life ko. 

Oo kaibigan tama ang narinig mo na lalake talaga ang bubuhay sa nawawalang alab ng pagmamahalan sa isang relasyon. Responsibilidad talaga ng lalake to, sya ang gagawa ng paraan para maayos ang relasyon. Mababaw lang naman ang mga babae eh, ok hindi lahat, me mga babaeng kumag pa si 'di lang kumag, pero karamihan sa kanila eh madaling pakiligin. Konting effort lang ang kailangan, konting budget at ayos na. Karamihan sa mga babae gustong gusto maging damsel in distress that will be swoon by her knight on his shining, shimmering kariton. Ako personally I use my cooking skills, oo hindi lang sa lalake effective ang katagang 'the best way to a man's heart is thru his stomach.' Applicable din to sa babae. 

Basically, what im pointing out here is, maraming paraan kung gusto talaga ng lalake, napapansin ko kasi ayaw mageffort ni lalake kasi nahihiya, ayaw pagtawanan at tuksuhin ng mga kaibigan. Sayang nga naman ang badboy image. Tanginang image yan, magbebreak na nga kayo unahin mo pa ego mo? (sorry affected much lang si kuyang otor) 

Ineexpect ko na me magphone in question, "Eh 3B, sya naman me kasalanan eh, dapat sya ang sumuyo." Naku kaibigan, kung gusto mo talagang isalba ang relasyon nyo, kakalimutan mo muna ang betlog mo. Oo nasaktan ka, pero mas pabebe ka pa sa chick mo. Pag ikaw ang sumuyo, makukunsensya yan, tas magtatali yan ng buhok, luluhod sa harap mo at bibigyan ka nya ng palum-palo at napakatamis na ngiti. 

Sa babae naman, minsan aminin nyo naman kasi na nagkakaroon din kayo ng kasalanan. Wag nyo masyadong isisi sa pagkakaroon nyo ng regla ang mga kasalanan nyo. Magsorry kayo at mangako na hindi na mauulit tas akitin mo sya, dilaan mo leeg ng karelasyon mo, ok na yun, alam na ng lalake susunod na gagawin nya. Bonus na lang yung chupa na me rimming pang kasama. 

Pero kung ayaw na talaga, tama na, yun yung sinasabing mahirap ng pilitin pa. Since ang option na lang dito eh umalis na lang talaga sa relasyon at tapusin na. Katulad nga ng sinabi ng isa sa malulupit na manunulat dito eh, ang gasgas na pagmove on, na kasing gasgas din ng salitang i love you. Pero hanggat gusto pang isalba ang pagibig kayang kaya namang gawin. Kompromiso nga lang talaga ang mangyayari.

Compromise - wow maderpaking big word. Actually di lang sya malaki dahil sa font. Malaki sya dahil hindi madaling gawin ang totoong kahulugan ng salitang ito. Marami ng sumubok at marami rin nabigo. Pero wag nating tignan ang negative side ng salitang ito, bagkus tignan natin ang maraming puso ang naisalba at relasyon na nagtagal dahil dito. Oo tama, eto ang matinding sandata ng mga lola at lolo nating nagsasama pa. 

Eto yung pinakamasaklap sa lahat. Masakit, mahapdi, nakakatapak ng pagkatao. Pero higit sa lahat hindi kasi nito masusunod ang lahat ng gusto mong mangyari lalo na kung ikaw nagrereklamo. Dito magkakaroon ng matinding usapan, dapat matibay ka. Madalas kasi pag naguusap ng seryoso, nagkakabatuhan ng masasakit na salita. Nagkakasumbatan, ibinabalik ang matatagal ng issue. Magkakasakitan ng damdamin, magkakaiyakan. Sa madaling salita dramarama sa hapon ang peg nyo dito.

Isa tong usapan na magdadala sa inyo sa gitna para magkaroon ng ayus yung gusot. Isang paraan para magtuloy tuloy ang proseso ng relasyon. Pag ginawa nyo to kailangan preparado pareho ang puso at isip nyo. Kalmado at me respeto pa rin sa bawat isa. Piliin ang salita at dapat objective sa pakikipagusap. Sa pakikipagkompromiso kailangan ang alisin ang ego at kalimutan muna ang maging emosyonal. Kailangan mo maintin... Read More

About the Author :
27 comments   2 favorites   1,088 views