Poem

TAMA BA O MALI BA ANG MAGMAHAL MULI?

March 25, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Dati-rati kaysarap ng pakiramdam, 
Sa mga panahong puno ng suyuan,
Ngunit bakit ngayo'y walang maramdaman, 
Kahit konting lambing sa dati mong mahal. 

O bakit ganito kaydaling nalimutan, 
Nang dahil sa selos na walang pakundangan, 
Nasira mong lahat itong nasimulan,
Masayang pamilyang may pagmamahalan. 

Kung nalaman ko lang ganito ang magmahal, 
Hindi ko na lang sana ito naramdaman, 
Ang ika'y pagselosan na parang sinasakal,
Na syang nagtutulak sa ibang kandungan. 

Sabihin mang mali ay doon natagpuan, 
Mga hinahanap na mga kakulangan, 
Sa bahay aliwan nagsilbing kanlungan, 
Nang mga mahihina at walang katiyakan. 

Hindi sinasadya ay nagkaunawaan, 
Nang isang magdalenang dooy nanahan, 
Tinanggap ng buo iyong katauhan, 
Hanggang sa mauwi sa bawal na pagmamahal. 

Tama ba o mali na muling magmahal, 
Ya... Read More

About the Author :

Joined: November 3, 2013 (3 years old)
Writings: 3

Send PM · Male · Offline

12 comments   0 favorite   921 views