Taksil 17

September 8, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Romance | Tags: , , , ,



Nagpasya si Ella na umattend sa nasabing reunion. Ilang araw na din kasi syang malungkot at umiiyak.

Ginugol nya ang kanyang oras sa pagdadasal at sa mga mahal nya sa buhay. Isang araw ay nagising na lang sya na masaya, puno ng pag asa... Andyan ang anak nyang si Marco... Kailangan nyang maging matatag para dito. Sinabi nya sa sarili na hinding hindi na nya iiyakan si Leo.

Samantala, gaganapin ang party sa isang kilalang resort sa Batangas. Nagsabi si Ella kay John na kung pwedeng samahan sya nito. Agad namang sinang ayunan ito ng kaibigan.

Boxing at pag ggym ang naging regular activities ni Ella. Dahil dito mas lalu pang gumanda ang katawan nya. Mas sumigla at mas naging healthy sya. Nakapag isip at nakapag desisyon siya na hihiwalayan na nya si Leo. Ilang beses nyang pinag isipan ito. Dahil sa aktong nahuli nya at sa mga ebidensya na mga larawan at videos na nakita nya ng magkalaguyo ay ayaw na nya kay Leo. Suko na sya. Hihiwalayan na talaga nya ito. May mga kinausap na syang abugado para ayusin at mapabilis ang annulment ng kasal nila. Nalaman na din ng pamilya sa side ni Ella ang nangyari. Galit na galit ang pamilya ni Ella sa ginawa ni Leo.

Dumaan ang mga araw. Nakatanggap ng letter si Leo. Tungkol ito sa annulment nila ng asawang si Ella. Nagulat si Leo. Ayaw nyang makipaghiwalay kay Ella. Pipilitin at kakausapin nya ito na magka ayos sila.

Nakwento ni Nimfa kay Leo ang nalalapit na highschool reunion nila. Inaya nya ang lalaki. Naisip ni Leo na since highschool reunion ito ay baka nandun din ang asawa nya. Napa oo si Leo kay Nimfa na sasama sya. Sa loob ni Leo ay makikita nya si Ella doon at makakausap dahil hindi pa nya ulit ito nakikita.

Dumating ang araw ng reunion. Isa isa ng nagdatingan ang mga magkakaklase. Dahil sa beach ang venue ay summer outfit ang theme. Pabonggahan ng kanya kanyang kasuotan ang lahat, paseksihan ng mga katawan. Nauna ng dumating sa venue sina Nimfa at Leo. Maraming humanga sa katawan ng dalawa. Ang mga kababaihan ay agad nagka crush kay Leo dahil sa kagwapuhan nito. "Ladies tingnan nyo ang kasama ni Nimfa? Ang gwapo naman nya... ang laki ng katawan... ang macho..." bulong ng isang babae...

Parami ng parami ang mga tao... Si Leo ay humiwalay muna kay Nimfa para magmasid at hanapin ang asawang si Ella. Hindi pa nya ito nakikita simula ng dumating sila. Naghihintay sya dito... lumipas ang isang oras ay halos mapuno na ang venue... dumating na ang lahat pero wala pa din si Ella... 5 minutes na lang ay mag uumpisa na ang program. Nawawalan na ng pag asa si Leo... "Hindi na siguro aattend si Ella" malungkot na bulong ng lalaki sa sarili ng biglang may isa pang dumating na sasakyan.

May papalapit na babae at lalaki...

Halos nakatingin ang lahat kung sino ba ang huling panauhin na dumarating...

Nang makalapit na ang dalawang tao ay namangha ang lahat...

Si Ella at John ito...

"Si Ella... napaka ganda nya... parang Dyosa... at ang gwapo ng kasama nya... bagay na bagay silang dalawa" bulong bulungan ng halos lahat ng kababaihan...

Narinig ito ni Leo... nakaramdam sya ng selos ng makita nya si Ella at John na magkasama. Lalu pang nadagdagan ang selos nya sa mga narinig nya na bagay na bagay daw ang dalawa...

Sa totoo lang halos pati si Leo ay maglaway ng makita nya ang kanyang asawa... napakaganda nya... mala sutla ang kutis... kaakit akit... napaka sexy...

Nagsimula na ang program. Nag announce ang host na sa bandang hapon ay pipili ng best in swim wear sa mga dumalo... Bawal ang naka shorts... trunks at swimsuit lng ang kasuotan ng mga attendees. Naexcite ang lahat ng kababaihan... kanya kanya silang patalbugan ng suot na bikini... ang mga kalalakihan naman ay nagsuot ng mga trunks nila... naglalabasan ang mga abs at muscle ng iba... nagkakwentuhan... tawanan ang mga panauhin... Nagkaroon ng mga games. Nagkasiyahan ang lahat. Maraming pagkain at alak nung mga oras na 'yon. Nakita ni John si Leo sa venue at agad nyang ibinulong kay Ella ito.

Habang patuloy ang program ay hindi makalapit si Leo sa asawa. Nagiipon sya ng lakas ng loob at naghihintay ng tyempo. Nang makita nyang naglalakad si Ella papunta ng washroom ay hinabol nya ito at doon nya kinausap. "Hon... hon... pwede ba tayo mag usap... pls.... patawarin mo ako... miss na miss na kita at si baby Marco... kmusta na kayo...Araw araw akong tumatawag at nagtetext sau... hinanap din kita sa mga kamag anak mo pero wala ka... buti na lang naisip kong sumama dito nagbabakasakaling makita ka... mag usap tayo please..." pagsusumamo ni Leo.

"Sa ibang araw na lang tayo mag usap tungkol kay Marco, Leo! Wag ngayon please!" seryosong sagot ni Ella sa asawa. Bigla namang dumating si John. "Excuse me lang pare..." sambit ni John kay Leo. Nilapitan nya si Ella at inaya nya itong mag Island Hopping. Agad namang pina unlakan siya ng kaibigan. Umalis ang dalawa at naiwan si Leo. Selos na selos si Leo nung mga oras na yun pero wala syang magawa... "Hindi ako titigil ng pag aamo sa 'yo kahit pa anong sabihin mo Ella... mapapa sa akin ka ulit... mabubuo ulit ang pamilya natin..." yan ang iniisip ni Leo habang naglalakad sa beach. Tila nawawala sya sa sarili... hindi sya makapaniwalang may kasamang ibang lalaki si Ella na naghohopping sa mga isla... Gustong gusto nyang sundan ang dalawa... pero hindi nya magawa kasi magmumukha syang tanga... galit sa kanya ang asawa. Gustong gusto nya yakapin si Ella... si Ella na dating kanyang kanya... pero ni dulo ng daliri ng asawa ay di nya man lang mahawakan ngayon.

Samantala maraming islands ang napuntahan nila Ella at John. Pansing pansin ang ka-sweetan nila sa isa't isa. Marami silang activities na ginawa noong araw na 'yon na pareho nilang hilig gawin.

Nag resume ang program. "Ladies and gentlemen... we're now going to announce the nominees for the sexiest man and woman of the event... " sabi ng host...

Agad tinawag sa stage ang mga napiling nominado... mga nag gagandahan, seksihan ang mga babae at mga gwapo at macho naman ang mga lalaki. Maingay ang paligid... Hiyawan... at tawanan... Kasama sina Nimfa at Leo sa mga unang natawag na pangalan. Huling tinawag naman sina James at Ella.

"Ang sexiest men po ay si Leo at John..." sigaw ng host. Dalawa silang napili bilang pinaka seksing lalaki. Napakagwapo ni Leo at John. Naglalabasan ang mga abs. Bukol na bukol ang mga harapan. Aliw na aliw sa kanila ang mga kababaihan. "Ang popogi naman nila... ang laki... at ang tatambok ng harapan...yummy" bulong ng mga karamihan na babae sabay tawanan.

"At ang sexiest woman naman po ay si .... Ella" muling sigaw ng host. Sadyang litaw na litaw sa lahat ang kagandahan at kaseksihan ni Ella. Si Nimfa naman ay umasang sya ang mananalo pero bigo sya. Tinalo sya ni Ella. Maktol na maktol naman ang Nimfa.

Nag kuhanan ng pictures ang mga tao. Nagpapicture sila sa tatlong nanalo. Inggit naman ang nadama ni Nimfa ng makita nya ang mga ito. Habang nag pipicturan ang lahat ay laging nakadikit si Ella kay John. Ayaw kasi ng babae na mapalapit sa asawa nya. Pansin ito ni Leo na panay ang iwas sa kanya ni Ella. Selos na selos sya kay John kahit sa ganung ayos pa lang nya nakikita ang dalawa.

Matapos ang programa ay niyaya ni Ella si John na magswimming sa pool. Nakita naman ni Nimfa ang kaibigan na kasama si John palapit ng pool area. Walang tao noon sa pool kundi sila. Nilapitan ni Nimfa si Ella at bigla syang nagsalita.... Read More


About the Author :

Joined: April 20, 2014 (2 years old)
Writings: 50

Send PM · Bisexual · Offline

simple wild naughty
13 comments   1 favorite   5,323 views