Takip-silim 2

July 11, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: ,

(Ang bawat bahagi o ano mang materyal o katauhan na ginamit sa kwentong ito ay pawang mga produkto lamang ng imahinasyon ng may Akda. Ang mga tanyag na pangalan ay sinadyang ginamit para sa ikagaganda ng kwento.)

"Takip-silim"
by: Fiction-Factory
Nobelas2014

Chapter 2

Hindi talaga ako makapaniwalang napunta ako sa Lumang Panahon. Hindi ko pa matukoy kung kaninong panahon ako napadpad.

"Ano kamo? Ikaw si Luis Taruc? Ikaw ang pinuno ng grupong HukBaLaHap?"
pagkagulat ko nang marinig ko ang kanyang pangalan.

Ang lalaking kaharap ko nga ba ngayon ay si Luis Taruc, at ang lalaking binitay kanina ay si Jose Rizal?

Halos mamatay na ako sa kakaisip. Nasa'n ba talaga ako? Ano bang nangyayari sa mundo? Kung hindi ako nagkakamali, si Jose Rizal ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, pero si Luis Taruc ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, pero paano sila ngayon nagkasama sa iisang panahon?

Kung isa itong panaginip, sana magising na ako. Kinurot-kurot ko pa ang sarili ko, (thinking i'm only dreaming half alive.) Sinampal-sampal pero wala namang nangyayari. Sa tingin ko gising na gising talaga ako.

Nagulat nalang ako nang bigla akong hatakin ng lalaking ito.
"Binibini, kung maaari sana'y huwag kang maingay. Halika't pumarito muna tayo!"
sambit nya at palingon-lingon sa paligid.

Hinatak nya ako at lumayo kami sa kumpol ng mga tao kung saan naganap ang pagbibitay. Nagtago kami sa likod ng isang malaking punong-kahoy. Mukhang may pinangangambahan sya at mukhang ayaw iparinig ang aming usapan.

"Bakit alam mo ang lihim na kilusan ng HukBaLaHap?"
pabulong nyang tanong.

"Huh?!"
kumunot ang kilay ko sa tanong.

"Halos lahat naman ng kabataan o lahat ng nabubuhay sa mundo alam na ang bagay na yun eh!"
tugon ko.

"Shhh..."
hinawakan pa nya ang magkabila kong braso.

"Kung maaari sana'y huwag kang maingay. Baka may ibang taong makahagilap ng iyong sinasabi. Ako'y nagtataka, sino ka nga bang talaga, at bakit mo nasabing lahat ng tao sa mundo ay alam ang kilusang Hukbalahap? Samantalang tanging mga kasapi lamang ang nakakaalam nito."

Kumunot lalo ang kilay ko. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking 'to? Pero bigla kong naalala, nasa ibang panahon pala ako. Baka nga hindi pa alam ng iba ang tungkol sa grupo.

"Ah wala! narinig ko lang sa kung saan. Ako nga pala si Lirah Heartbel."
pagpapakilala ko sabay abot sa kamay ko.

"Lirah Heartbel? Kaygandang pangalan, walang kawangis. Maaari ko bang malaman kung saan isinilang ang magandang binibini na nagmamay-ari ng magandang ngalan?"

Tinutukan ko ang kanyang mukha,
"Ganyan ka ba talaga magsalita? Huh? Anyway, i'm from the beautiful place of Quezon City!"

Punong-puno sya ng pagtataka,
"Tunay na isa ka ngang maharlika pagka't ang husay mo sa pananalita ng wikang banyaga. Ipagpaumanhin mo at ako'y isang hamak na maralita lamang, kung kaya't hindi ko maabot ang rurok ng inyong binibigkas na kataga."

Kailangan pa-tula ang linya? Damn! I'm going crazy! Pilit ko nalang inintindi ang kanyang pinag-sasabi. Kahit malabo pa rin ang lahat ng nangyayari.

"Ang sabi ko taga-Quezon City ako! Alam mo ba 'yon? Dalhin mo 'ko don!"
patuloy ko.

Napatingin sya sa malayo, dun sa mga taong nanonood sa pagbababa ng bangkay ni Jose Rizal. Mukhang malalim ang iniisip nya, ako naman umaasa na alam nya ang daan pabalik sa QC, umaasa pa rin na nasa isang probinsya lang ako sa Pinas napadpad, sa isang lugar na malayo sa sibilisasyon at hindi pa umuunlad sa progreso. Ngunit nabigo ako.

"Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko alam ang lugar na tinutukoy mo..."
ang tanging naisagot nya.

Bigla akong nalamya at nalaglag ang magkabilang balikat, ngunit agad ding sumigla dahil sa sumunod nyang sinabi.
"Hmm... Ngunit baka matulungan ka ng aming Pinuno..."

"Talaga?!"

"Uhm-hum. Kung iyong mamarapatin, maaari kang sumama sa akin nang sa gayon harapan mong maitanong sa kanya."

Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sakanya. Masayang-masaya habang sya parang nagyelo ang katawan at gulat na gulat.

"Sandali lamang Binibining Lira, bakit mo po ako niyayapos?"
pagtataka nya, hindi pa nya malaman kung paano ihihiwalay ang katawan nya sa akin, parang nagaalinlangan sya na hawakan ako.

"Ah. Tanda yon ng appretiation! Basta!"
kumalas na rin ako, baka ano pang isipin nya.

"Hindi po ba't tanda yaon ng pagmamahal? Tanging magsing-irog lang ang gumagawa ng ganoon."
patuloy nya.

Kumunot uli ang kilay ko,
"Anu ba yan! Assuming naman!"
ang sumagi sa isip ko.

"Ganoon po ba? Ipagpaumanhin nyo po ang aking kapang-ahasan! He he"
natatawa talaga ako sa pag-gaya sa pananalita nya.

"Halina't baka abutin pa tayo ng dilim"
anyaya nya.

Tinahak namin ang daan pabalik, kung saan kami unang nagkita kanina. Magkasabay kaming naglalakad, at tanging kaming dalawa lang ang tao sa kalsadang tinatahak namin.

Maraming puno, parang gubat, pero malinis ang lugar, parang lang akong nasa baguio. Pero mainit dito, ramdam ko pa rin ang klima ng Pilipinas.

Sa paglalakad namin. Nilampasan kami ng isang taong nakasakay sa ibabaw ng kalabaw, isang itim na kalabaw na may hinihilang Garitela, isang makalumang gariton na malimit ko na lang makita.

"Ginoo! Ginoo!"
pagtawag ni Luis.

Lumingon ang tao at pinahinto nito ang sinasakyan nyang kalabaw.

"Maaari po ba kaming maki-angkas papuntang Sapang-bato?"
patuloy ni Luis.

Sapang-bato? Pamilyar ang lugar sa akin.

"Ginoo, maaari nga kayong maki-angkas, ngunit pagtiyagaan nyo na lamang ang aking kariton."

"Walang problema. Maraming salamat po."

Sa madaling salita nakisakay nga kami. Hindi ko pa alam kung papaano iupo ang pwet ko sa garetelang kawayan na ito. Aba sa buong talambuhay ko ngayon lang ako nasakay sa ganito.

Magkatabi kaming umupo ni Luis sa pinakadulo, tapos ginaya ko nalang sya kung paano sya sumandal sa mga sako ng palay, huwag lang sana akong mangati.

Kinabahan pa ako't muntik pang mahulog nang magsimula ng umandar ang kariton. Napalingon ako sa katabi ko. Na-shock ako nang mapansin kong nakadungaw sya sa siwang ng suot kong sleeveless blouse, sa parteng dibdib ko, medyo lumilitaw kase ang cleavage ko.

"Ehem!"
clearthroat kunwari habang hinihila ko pataas ang kwelyo ng suot ko.

Napalunok sya at ibinaling ang paningin sa kalsada. Medyo nag-blush pa sya, napahiya ata ang pilyo.

"Patawarin mo po ako Binibining Lira, bagaman ako'y mapagkumbaba, akin pong aaminin na hindi ako sanay sa inyo pong gayak. Katunayan ngayon lamang po ako nakakita ng ganyang kasuotan. Karamihan po kase ng mga kababaihan dito'y saya ang saplot sa katawan."
bigla syang nagpaliwanag.

"Okay lang! Tsaka 'wag mo na akong tawaging binibini, nakakairita eh! Lira na lang, at huwag mo na akong pino-po, mukhang kaedad lang naman kita eh!"
tugon ko.

Napatingin sya sa akin,
"Ngunit ito po'y tanda ng aking pag-galang."

"Pero binibigyan na nga kita ng permiso eh!"

"Ganoon ba... O sige, ikaw ang bahala."

Hindi ko akalaing gwapo pala si Luis Taruc nung bata-bata pa. Sana pala binigyan ko ng atensyon na tignan ang mga larawan ng mga bayani, pati nung kabataan nila. Puro mga matatanda na kasi ang mga larawan nila sa libro.

Natahimik kami pareho habang patuloy na umaandar ang garetela. Minamasdan ko ang lupa na aming nilalampasan, mamula-mula at walang halong buhangin. Minamasdan ko rin ang kalangitan, maaliwalas at hindi makikitaan ng polusyon. Masarap ang simoy ng hangin, sariwang-sariwa, at ang mga dahon luntian talaga. Ang mga ibon malaya't masayang nakadapo't ang iba lumilipad sa himpapawid.

Ibang-iba sa syudad na pinang-galingan ko. Tapos sobrang galang pa ng katabi ko. Tunay na marami nang nagbago sa kulturang Pinoy. Mula sa pananamit, pag-uugali at sa kalakalan. Nabahiran ng ganid, kamkam, liberalidad na alam kong hatid ng mga banyaga.

Ang mga tao nakikisabay sa uso, nadadala sa mga napapanood sa telebisyon, nakalimutan ng maging simple gawa ng mga makabagong teknolohiya, ni hindi nag-aabalang magbalik tanaw sa kung saan nanggaling. Nababaduyan sa sinaunang kasuotan, nakokornihan sa sinaunang hitsura.

Haaay... Mukhang may dahilan kung bakit napadpad ako sa lugar na ito. Kung papaano at bakit, yun ang dapat kong tuklasin. Makakabalik pa kaya ako? Pambihira!

"Ginoo, hanggang dito na lamang po kami."
pumara na si Luis.

Huminto ang kalabaw sa isang liblib na lugar. Sabagay mula pa man kanina puro liblib na.
Naunang bumaba si Luis, tapos kinuha nya ang kamay ko para alalayan sa aking pagbaba.
Natatawa ako, hindi ko akalaing makakatagpo pa ako ng gentleman.

"Maraming salamat po."
magiliw na sambit ni Luis dun sa Manong, tapos yumuko pa talaga sya.

Gumaya ako,
"Thanks po!"
at yumuko din ako tulad ng nakita ko kay Luis, pero aminado akong hindi ko 'to usually ginagawa. Kasi naman sa QC pagtatawanan ka lang kapag nag-bow ka pa.

Pansin ko pang kumunot ang kilay ni Manong,
"Walang anuman po."
sagot nya sa amin at nag-bow din, isang bagay na madalang ko narin makita. Kung sa amin lang 'to siguradong may bayad ang pagsakay naming 'yon. Ha ha

"Binibi-- uhm, Lira, ipagpaumanhin mo ngunit kailangan pa nating maglakad mula rito."
bow pa rin talaga! Damnit!

"Okay lang..."
maiksi kong tugon.

Nauna sya, sumunod ako. Pumasok kami sa gubat, sa mga nagtataasang punong-kahoy. Malinis naman ang dadaanan, parang isang eskinita na sinadyang gawing daanan. Hindi ko maintindihan kung bakit malaki ang tiwala ko sa lalaking ito, dahil kung tutuusin nakakatakot talaga ang lugar na 'to, pero wala naman akong choice, mukhang sya lang talaga ang tanging tao na makakatulong sa akin ngayon na makabalik sa present time.

Lumingon ako sa likod, medyo malayo na rin ang nalakad namin, at sa harapan, hindi ko pa rin matanaw ang dulo ng aming patutunguan. Nakakadama ako ng mumunting kaba, baka may kung anong mabangis na hayop ang bigla nalang sumulpot dito. Itong si Luis panatag lang at dire-diretso sa paglalakad.

Hindi nagtagal may nakikita na rin ako sa unahan, nagalak ako nang may makita na akong mga bahay. Kumpol-kumpol, dikit-dikit, at habang papalapit kami, nakikita ko ang isang maliit na komunidad, parang isang maliit na baryo. Mga dampa't mga bahay kubo na nakahilera ang pagkakapundar sa isang maliit na espasyo.

Ang pinagtataka ko, bakit parang walang tao? Lahat ng pinto at bintana nakasara, bawat madaanan naming bahay.

"Bakit ganito dito?"
hindi ko natiis.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"
napalingon sa akin si Luis pero patuloy pa rin kami sa paglalakad.

Dumikit ako sa kanya at sinabayan ko sya,
"Bakit nakasara ang mga bahay? Nasa'n na yung mga tao?"

"Yaon ba. Hum. Ang barriong ito ay nababalutan ng takot, kung kaya't nananatili lamang ang mga tao sa loob ng bahay, malimit na malimit lang silang lumabas, lalo na ang kanilang mga anak."
paliwanag nya.

"Bakit? Ano'ng kinatatakutan nila?"
palingon-lingon akong sumagot.

Napahinto sya at kinabig nya ako para huminto din, tapos inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.
"Ang mga Katipunero..."
bulong nya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko na napatingin talaga ako sakanya ng mata sa mata. Gulat na gulat ako sa sinabi nya.

"Ano'ng sabi mo?! Ang Katipunan ba?!"
punong-puno ako ng pagtataka.

"Shhh..."
naalarma sya.

"Pakiusap huwag kang maingay! Ngunit bakit alam mo ang Katipunan?! Sinakop din ba nila ang inyong lupain?"

Hindi ko talaga mabuo sa aking isipan ang mga pinagsasabi nya. Sumasakit na ang ulo ko. Napakapit nalang ako sa shoulder bag ko.

Katipunan?! Mananakop?! Eh samantalang sila ang nagpalaya sa bansang Pilipinas! Letche! Nagkakalokohan ba?!

"Sinakop?! Hindi! Teka-teka! Kailan pa naging mananakop ang Katipunan? Samantalang Pambansang bayani si Andres Bonifacio?!"
patuloy ko.

"Ano nga ang iyong sinabi? Si Andres Bonifacio ay Pambansang bayani? Lira, huwag mo sanang bigkasin ang mga katagang yaon, baka pugutan ka pa ng ulo... Read More

Part #: 2

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
23 comments   0 favorite   3,254 views