Taguan pong!

December 22, 2014 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Pasko na naman, uso ang taguan.
Hinahanap ka, ngunit di masilayan.
Kahit anino mo'y, walang bakas na iniwan.
Para makita ka, suntok sa buwan ang kelangan.

Bilib ako sayo, sa galing mong mag tago.
Pagpasok ng disyembre, umpisa na ng laro.
Ang hagilapin ka, kelangan di sumuko.
Sa aginaldo mong ibibigay, sulit kaya ang pag-suyo.

Mga Ninong at Ninang, kayo ay nasaan?
Mga inaanak nyo, ngayon ay naandyan.
Sa harap ng inyong bahay, doon nag aabang.
Sa paglabas ninyo, sila'y manghaharang!

Pera mong iniipit, wari'y nabibingit.
Kahuli hulihang isiningit, mukhang masusungkit.
Nang mga batang, ubod ng kukulit.
Kahit pa sabihin mong, NEXT... Read More

About the Author :

Joined: September 8, 2013 (3 years old)
Writings: 34

Send PM · Male · Offline

Love is blind, but open ur mind!
Sex first den next seven....lol:-)
3 comments   0 favorite   948 views