Sulsol at Pagpapatawad Part 5

August 8, 2016 (3 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Muling sinuyo ni Marco ang kanyang asawa. Dahan dahan niyang ginagamot ang malalim na sugat na ibinigay niya sa puso ni Carla. Gabi gabi niyang dinadalaw si Carla sa kanilang tahanan tuwing matatapos ang kanyang trabaho. Iritable pa rin ang nanay ni Carla kay Marco tuwing dinadalaw niya ito at invisible mode siya sa kanyang paningin. Masama pa rin ang loob niya sa ginawang pananakit ni Marco sa kanyang anak.

Dahan dahan namang naghilom ang sugat ni Carla at unti unti nang gumagaan ang loob niya sa kanyang asawa. Nakita niya ang matapat na pagsisisi matapos siyang saktan nito. Halos anim na buwan din ang inabot ang panunuyo si Marco sa kanyang asawa nung muli siyang maging kumportable dito.

Gumaganda na ang takbo ng kanilang relasyon pero hindi maiiwasan na bumatikos ang nanay ni Carla.

Gloria: ANO KA BA NAMAN CARLA? HINDI KO IGINAPANG ANG PAG AARAL MO SA LA SALLE PARA LANG MAGPAKA MARTIR SA PAG IBIG! Matalino ka anak. Nagtapos ka bilang Summa Cum Laude. Gamitin mo ang utak mo hindi puso.

Carla: Mommy nagsisisi naman na siya sa ginawa niya. Tao lang siya na nagkakamali. Ikaw na rin ang nagsabi na kailangan namin patibayin ang pundasyon ng relasyon namin. Eto na yung pagkakataong iyon mommy.

Walang magawa si Gloria kung hindi suportahan ang kanyang anak.

Gloria: Halika nga dito.

Niyakap niya anb kanyang anak ng mahigpit.

Gloria: Sigurado ka na ba?

Carla: Opo mommy.

Gloria: O siya pumapayag na ako. Basta lagi mong tatandaan, nandito ako palagi para sa iyo.

Carla: Salamat mommy.

Naging maayos na ang relasyon nila Marco at Carla at may mga pagkakataong dumadalaw na si Carla sa kanilang tahanan.

Celine: Tita Carla!

Carla: Celine!

Napayakap sila sa isat isa ng mahigpit.

Celine: I miss you so much Tita.

Carla: I miss you too.

Celine: Tita Carla babalik na na po ba dito?

Carla: Depende. Kung good boy na si Daddy. Good boy na ba siya?

Bigla namang dumating si Marco sa bahay na may dala pang isang dosenang pulang rosas.

Marco: Opo Tita. Good boy na po ako.

Nagulat si Carla sa kanyang nakita at bigla namang nagpaalam si Celine.

Celine: Tita akyat muna ako ha.

Carla: Sure.

Pag panik ni Celine ay kinausap na ni Carla si Marco.

Carla: O ano nanamang gimik yan?

Marco: For you.

Inabot ni Marco ang mga rosas kay Carla.

Carla: Salamat.

Marco: halika upo tayo.

Umupo sila sa sofa at muli silang nag usap ng masinsinan. Dito na sinabi mi Carla na gusto niyang patibayin ang pundasyon ng kanilang relasyon. Hindi naman tumutol si Marco sa hiling ni Carla dahil may punto naman ito.

Marco: Hon balik ka na dito.

Carla: Hindi mo na ba ako sasaktan?

Marco: Hinding hindi.

Carla: Hindi ka na ba makikinig sa mga sulsol.

Marco: Mas lalong hindi.

Carla: Promise?

Marco: PROMISE! I CROSS MY HEART AND HOPE TO DIE!

Natuwa si Carla sa hirit ng kanyang asawa at napapayag niya itong bumalik sa kanilang tahanan.

Carla: Sige mag iimpake na ako at babalik na ako dito.

Marco: Talaga?

Tumago si Carla habang naluluha sa tuwa. Napayakap naman sa kanya si Marco dahil sa tuwa.

Marco: Thank you.

Kinabukasan ay bumalik na si Carla sa bahay nila ni Marco. Sinalubong naman agad siya ni Celine na tuwang tuwa sa kanyang pagbalik.

Celine: TITA CARLA! TITA CARLA!

Carla: CELINE!

Napayakap ng mahigpit sila Carla at Celine sa isat isa matapos ang anim na buwang pagkakawalay.

Carla: May pasalubong ako sa iyo. Sana kasya.

Celine: WOW! Thank you Tita. Sukatin ko lang po sa taas ha.

Carla: Ok.

Pumanik naman agad si Celine sa kanyang kwarto at sakto namang lumabas sa mula sa kusina si Ofel.

Ofel: Maam Carla Welcome back!

Carla: Salamat.

Ofel: ay naku maam sakto ang dating mo. Nagluto ako ng bulalo at ginataan na maraming langka para mamayang hapunan.

Carla: Nagpapalakas ka sa akin yaya ah.

Pabirong hirit ni Carla kay Ofel.

Ofel: Hindi naman po maam. Sabi kasi ni Sir Marco na paborito mo daw nga yun.

Carla: Salamat Yaya.

Ofel: Maam alam nyo po naaalala ko ang panganay ko ngayong nakita ko kayo. Kasing edad mo po kasi siya Maam.

Carla: Talaga? Nasan na po siya?

Ofel: Nasa Davao na po. Dun po kasi nakatira ang asawa niya at dun na din siya nag tratrabaho. Civil engineer ang napangasawa niya samantalang Architect naman po ang anak ko.

Proud na proud si Ofel na ipiakita ang kanyang cellphone na puno ng larawan ng kanyang mga anak at mga apo.

Carla: ilan po anak nyo yaya?

Ofel: Dalawa po. Si Kimberly at si Darwin. Halos kasing tangkad nyo rin po si Kim maam.

Carla: Talaga?

Ofel: opo Maam.

Carla: Nasan naman si Darwin?

Ofel: Nasa Japan po. Pinalad naman pong makapasok sa isang IT Company bilang software engineer.

Carla: Wow! Eh yung asawa nyo po?

Ofel: Maam byuda na po ako.

Carla: Naku sorry yaya.

Ofel: ok lang po yun maam. Tumawag nga po si Kim kanina at niyayaya akong mag pasko at bagong taon sa kanila. Uuwi din kasi si Darwin at dun magpapasko at bagong taon. Sana payagan ako ni sir umuwi.

Carla: hayaan mo yaya. Kakausapin ko si Marco.

Ofel: salamat po maam.

Mga ilang sandali pa ay dumating na si Marco mula sa trabaho.

Marco: Hi Hon. Welcome back.

Carla: thanks

Napayakap sila sa isat isa at bahagyang naglaplapan ang kanilang mga labi. Mga ilang sandali pa ay dumating naman si Maynard kasama ang kanyang girlfriend na si Jessica o mas kilala sa tawag na Jessie.

Maynard: Kuya masyado pang maaga! Hahaha Ate Carla Welcome back.

Carla: thanks

... Read More


About the Author :

Joined: December 29, 2015 (11 months old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

I am a very friendly person. I hate people who are credit grabbers
0 comment   0 favorite   2,806 views