SULAT PARA KAY EX...

August 3, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: ,

SULAT PARA KAY EX...From tumblr.com
Nasa huli talaga ang pag sisisi...

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Dear Ex,

Kamusta ka na? Ano nang bago sayo? Simula nung naghiwalay tayo dati, hindi na kita nakausap uli. Naisipan kong sumulat sayo dahil gusto kong ikwento ang lahat. Alam kong hindi mo naman papansinin ‘to dahil may bago ka nang mahal. Alam mo ba, nung nawala ka sa buhay ko, sumaya ulit ako. Pero hindi kasing saya nung tayo pa. Namimiss na kita, alam mo ba yun? Araw araw akong nasasaktan kasi nakikita na kitang masaya, samantalang ako, mahal parin kita. Ang tanga tanga ko dahil iniwan kita, pinagpalit sa iba. Pero ngayon anong napala ko? Wala. Sa dinami rami ng taong dumaan sakin, ikaw parin eh. Ikaw lang. Alam kong matagal na tayong nag-break, pero ikaw parin hinahanap ng puso ko eh. Hindi kita makalimutan. Namimiss ko yung buong ikaw. Yung ikaw na nagpasaya, nagpakilig at nagparamdam sakin na mahalaga ako. Kaso ngayon, mukhang malabo na. Malabo ng maging tayo ulit. Sana kapag nabasa mo ‘to, naka-move on na ko. Hayaan mong mahalin parin kita hanggang sa tuluyan na kong mapagod at unti unting malimutan ka. Mahal kita, patawad dahil nagkamali ako dati. Nagsisisi nako.... Read More

About the Author :

Joined: May 13, 2014 (2 years old)
Writings: 3

Send PM · Female · Offline

happy go lucky!
Suggested writings:
5 comments   0 favorite   966 views