Spa Sessions: Last Call - Part I

March 3, 2016 (9 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: One Night Stand | Tags: , ,

Sabi nila, "Hindi lahat ng kwento ay totoo at hindi lahat ng totoo ay dapat ikwento."

Hindi ko masasabing naniniwala ako sa kasabihang ito. Ang masasabi ko lang ay mayroon akong kwento sa inyo at kayo na bahala kung ito'y totoo mang nangyari o hindi.

Ako nga pala si Ina, 26 years old at walang asawa. Nakatapos ako hanggang second year ng college sa isang computer school. Ngayon nagtratrabaho ako bilang isang receptionist sa isang spa dito sa Mandaluyong.

Oo, yung spa na nasa isip mo. Yung may extra service sa dulo ng masahe na kung tawagin ay "happy ending."

Nangyari ang aking karanasan noong December 27, 2015. Mga 11:30 ng gabi nang magpaalam na ang dalawang natitirang therapist sa spa. Sila Joyce at Sunny. Totoong pangalan ay sina Jenny at Letticia. Normal sa aming industriya ang gumamit ng ibang pangalan. Anyway, maaga umalis ang dalawa kahit hanggang 1:00 AM ang last call sa spa. Medyo konti ang customer dahil hindi pa tapos ang Christmas break kaya halos walang pera ang mga lalaki. Halos kalahati rin sa mga thera namin ang nagsiuwian sa kanya kanyang probinsya.

Nag lock na ako ng entrance at sinimulan kong bilangin ang mga bayad para sa araw. Balak ko sana'y matapos ng mga 12:15 para maka uwi na at maka pahinga na rin. Buong araw kasi ang shift ko. Habang pinapasok ko na sa envelope ang mga pera, narinig ko ang doorbell.

Sinilip ko sa monitor at nakita ang isang lalaking na polo at maong. Binuksan ko ang pinto at pina pasok ang guest.

"Good evening, sir. Wala na po kaming thera ngayon. Nagsi-alisan na sila."

"Ganon ba? Wala na ba dadating? Sakit lang kasi ng likod ko." sagot ng guest.

"Naku, sir. Wala na talaga. Medyo maaga kasi umalis. Kung gusto niyo, balik na lang kayo bukas. Opening namin is 1:00 PM. Ito po mga thera namin by that time. Pwede ko kayo i-reserve."

Pinakita ko ang listahan ng mga pangalan ng therapist at kinuha ko ang bolpen para isulat ang kanyang reservation.

"Ngayon sana gusto ko, eh. Di ba pwede ikaw na lang? Nagthe-thera ka rin ba?" tanong niya.

"Yes, sir. Recep-thera po ako pero di ako kasama sa line-up ngayon."

Napa-isip ang guest at hinimas ang kayang balbas. Medyo may pagka-moreno siya. Tama lang ang tangkad. Hindi payat at hindi mataba. Medyo malaman lang. Maamo ang kanyang mukha. May hawig ng konti kay Francis Magalona. Cute. Mababa din ang boses.

"How much ba normal rate dito?"

"Bale, regular room ay 650. VIP room is 1000. May kasama nang shower and sofa yung VIP room." sagot ko habang pinipigilang titigan ang mukha niya.

"How much naman ang tip?"

"Syempre, kayo na bahala ng thera, sir. Minimum ay 500 then bahala na sa usapan niyo. Walang "all the way" dito sir."

"Hahahaha.. Masahe lang habol ko, miss...?"

"Ina, sir." napahiya kong sinagot.

Napansin ng guest ang aking pagkahiya at ngumiti. Lumabas ang dimple nito sa kaliwang pisngi. Naramdaman kong namula ang aking mukha nang dumaan sa isip ko kung ano kaya feeling ng mahalikan ang guest na ito sa labi. Natigil ang aking pantasya nang magsalita sya muli.

"Sige, deal tayo. Massage mo ko sa VIP room then triple ko yung tip mo. Kailangan ko lang talaga may pumindot pindot sa likod ko."

"Sir, di talaga ako pwede. Recep lang talaga ako today."

"2000 pesos." nakangiti na naman niyang sinabi. Labas na naman ang dimple.

Shet, ang cute niya.

Napa-isip ako. Massage lang naman at wala naman makaka alam. At saka, shet, ang cute niya.

"Sige, sir. Hindi ko na lang ilista pangalan niyo. Secret na lang natin. Pero ok lang ba hindi na ko mag bihis ng pang thera? Hindi ko dala yung uniform ko kasi ang alam ko recep lang ako ngayon."

"No problem. Ako nga pala si Marco."

"Ina po ulit, sir. Sunod na lang kayo sa akin."

Pinindot ko ulit yung lock ng pintuan at pinasunod si Marco sa pangatlong kwarto mula sa lobby namin. Binuksan ko yung air-con at tinignan kung may tuwalya sa room.

"Shower ka muna, sir. Kuha lang ako ng oil at extra towel. Juice sir, gusto niyo?"

"Cold water lang, Ina."

"Ok, sir Marco. Balik po ako."

Lumabas ako ng silid at pumunta sa stock room. Kinuha ko ang bote ng oil at dalawang naka-tiklop na towel at inilagay sa maliit na bag. Bago bumalik sa guest, dumaan ako sa CR at umihi. Hinugasan ko ang aking sarili gamit ang bidet at tinignan ang sarili sa salamin.

Maliit lang ako ng babae. Mga 5'2 lang ang height. Medyo maputi daw ako dahil sabi ng nanay ko, may lahing Kastila ang mga lolo niya sa father's side nila. Muli, hindi ko alam kung totoo yun. Tinanggal ko ang head band mula sa aking ulo at inayos ang buhok gamit ang mga kamay. Napa-tingin ako sa damit na suot ko. Isang sando na itim at jeans na light blue. Inayos ko ang strap ng red kong bra na lumalabas ng bahagya. Hindi ko masasabing sexy ako pero sabi ni Joyce malaki raw suso ko and balakang ko.

Nagmumog ako ng Listerine at tumingin muli sa salamin bago bumalik sa lobby para kumuha ng tubig galing sa dispenser para ibigay kay Marco. Pag pasok sa silid, kakalabas lang niya mula sa banyo. Nakabalot ang tuwalya sa baywang at naka tayo katabi ng sofa. Umupo siya sa sofa at linagay ang mga kamay niya sa gilid.

"Hindi mo din ba tatanggalin yang suot mo?" tanong niya sa akin.

"Di ba sabi ko sir di na ako magpapalit ng uniform?" natawa kong tinanong.

"Oo pero wala tayong pinagusapang hindi mo tatanggalin sando at maong mo. Hahaha! Sige na, please naman." pabiro niyang sinagot.

Pabiro kong inikot ko ang aking mata at binaba ang dala dalang bag sa side table. Tahimik akong nagpasalamat na terno ang bra at panty na sinuot ko ngayon. Inuna ko ang maong na tanggalin, tiniklop ito at pinatong sa sofa. Sinunod ko ang sando. Nakitang ko nakatitig lang sa aking dibdib si Marco. Nailang ako at bahagyang tinakpan ang bra ko gamit ang braso. Tumayo siya at lumapit sa akin. Dahan dahan niyang binaba ang braso ko at inikot ang katawan ko para naka talikod na ako sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali, naramdaman ko ang kanyang mga daliri sa clasp ng aking bra. Pagkatapos ito matanggal, bumaba ang mga kamay niya sa tagiliran ko at unti unti binaba ang panty ko hanggang mahulog ito sa aking paanan.

"Ang ganda ng katawan mo, Ina." sinabi niya pagkatapos ng parang limang minutong katahimikan.

"Sir, akala ko ba... Read More

Part #: 1

20 comments   1 favorite   6,081 views