Sigaw ng Puso

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: June 25, 2018 (21 days ago)


Sigaw ng Puso...

Isang balaraw ang iyong bigkas
Nasa isip at diwa, sa aki'y nagpa balikwas
Samu't saring isipin, lalong nag umalpas
Sa diwang bangag at pusong wasak

Wagas na pagmamahal ang tanging alay
Sa pitagang dilag, pumukaw sa aking malay
Na walang pag imbot, at lihis na pagmamahal
Ang tanging hangad sa iyo'y maialay

Ngunit anong magagawa kung ika'y bibigay
At sa sumpaan natin, ika'y bibitaw
Para bang 'sang bata, sa ula'y nagtampisaw
Mga pusong luhaan, sa mata nag unahan

Sadya ngang kay lupit, tadhana ay sasapit
Sa katulad nating bigkis ng pag ibig
Kung ganitong sitwasyon, sa buhay dadalit
Parang impyerno, sa apoy nagngalit

Sa sigaw ng puso, ako ba'y kakapit
O sa tinig ng isip, upang ika'y di magsakit
Na bumitaw na lamang, nang di na madagit
Ng sanlibong dusa at mga pasakit

Bibitaw na ba? Yan ang sigaw
Ng pusong duguan at puno ng lumbay
Ngunit sa sulok ng mata, akin ngang nasaksihan
Munting liwanag na aandap andap, sa buhay ay gabay

Sana lang ay kayanin, etong nadarama
Nang hindi masadlak, sa ibayong dusa
Nang ang sakit at hapdi ay di maalintana
S...

About the Author :

Joined: August 15, 2015 (2 years old)
Writings: 27
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
Pusang gala ang sa aki'y turingLaman ng kalsada, bangketa pa man dinNgunit kahit gala, utak ko ay timawaSang laksang punyal, balaraw na isipan

Suggested writings:

0  ·  0  ·  0  ·  197
 · 

Add New Comment