Si Jim At Si Jean 4

October 4, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, First Time, Mature, Romance | Tags: , , , ,

Si Jean...

Iritable at bored. Eksaktong pakiramdam ko habang nakaupo at hinihintay ang pagsisimula ng graduation ceremony. As usual, Filipino time, 2:30PM ang nakalagay sa invitation pero 2:59 na ay di pa rin nag-uumpisa. Pambihira, bakit kasi hindi alas tres kung alas tres! Wala talaga akong balak pumunta kung hindi lang dahil sa pangungulit nitong boyfriend ko ay nasa bahay sana ako ngayon at mahimbing na natutulog. Para pigilan ang sarili kong magwalk-out ay pilit ko na lang binubuhay ang feeling of relief na sa wakas ay tapos na ang pagpapaalipin ko sa eskwelahan.

Sa paggagayak pa lang ay asar na ako. Sa sobrang excitement ni Mama ay tumawag pa ng kapitbahay naming nagpa-parlor para mag-make-up sa akin. Dati pa ko naku-curious kung sino ang nagpauso na nakakaganda sa babae ang pagkukulay sa talukap ng mata. Kung anu-ano ang gusto n'yang ilagay sa mukha ko. Sa huli ay nauwi kami sa simpleng pulbos at lip gloss. Isa pa itong si Mama, samu't-sari ang gustong isabit sa'kin. Kung di ko pa sinabihang malayo pa ang pasko at wag nya kong gawing christmas tree ay hindi pa ako titigilan. Inalis ko din ang mga borloloy na inilagay nya at itinira ko lang ang relo. Iyon lang naman ang kailangan ko.

Nakasuot ako ng maluwang, mahaba at mainit na toga. Iba-iba ang kulay ng graduation hood na nakikita ko sa paligid. May red, yellow, blue, at iba pa. Kulay gray ang sa aming Computer Science graduates. Karaming seremonyas! Naisip ko oo nga no, puno nga pala ng seremonyas ang buhay. Mula sa pagsilang hanggang sa libing, seremonyas pa rin. Nakakaaliw talaga ang mga tao. May kakaiba silang hilig at talento para gawing kumplikado ang mga bagay-bagay. Para bang kulang pa sa kanila ang araw-araw na problema sa buhay.

Ayoko talagang mag-attend. Si Jim lang ang talagang mapilit. Matagal daw hinintay ng parents ko ang pag-graduate ko kaya dapat nandoon ako para daw matuwa sila. Sa huli ay napilit din nya ko at nagsisisi ko na nagpapilit ako. Sobrang napagod kasi ako lately. Para 'kong runner na abot tanaw na ang finish line pero kinakapos na ng hininga. Akala ko nga ay di ako aabot sa dulo. Hanggang sa mga huling sandali ay naghahabol ako sa mga requirements na karamihan naman ay hindi ko mahanapan ng sense.

Ang totoo ay napabayaan ko din talaga ang pag-aaral. Madalas ko kasing maisip si Jim. Mga oras na dapat ay ilalaan ko sa pag-aaral pero lumilipad ang isip ko sa kanya. Ginugulo ang isip ko ng mga bagong karanasan na kapag naaalala ko  ay nagpapainit sa akin na madalas ay nauuwi sa pagpapaligaya sa sarili. Sa double deck bago matulog. Sa banyo habang naliligo. Sa paborito kong pwesto sa isang sulok ng library habang dapat sana ay nagre-review. Para bang may kung anong halimaw na ginising si Jim sa loob ng katawan ko. Ilang beses ding parang gusto ko munang makipag-break sa kanya at tutukan ang pag-aaral. Nahihirapan na 'kong i-meet ang mga demands ng ibang nagpa-power trip na mga teachers na kailangan kong gawin dahil sa pesteng grades.

Pero masaya ako pag kasama ko si Jim. Walang dull moments, hindi kasi s'ya nauubusan ng punch line. Masayahin at friendly. Popular nga s'ya sa lugar namin. Para s'yang pulitiko kapag malapit na ang eleksyon. Maputi s'ya at hamak na mas makinis pa kaysa sa akin. Para kaming kape't gatas. Mas pasok sa kategorya ng cute kaysa gwapo. Mabait naman at disenteng kumilos. Aaminin kong nalibang din ako sa kan'ya sa mga nakalipas na buwan hanggang sumiksik na sa likod ng utak ko na hindi s'ya ang tipo kong lalaki. Oo, hindi s'ya ang tipo kong lalaki, mapa-pisikal man o sa personality. Si Dan, kuya n'ya,  ang gusto ko noon pa. Walang nakakaalam kung di ako. Inilihim ko lalo na kay Desiree. Apat silang magkakapatid, pangalawa si Dan na sinundan ni Jim. Second year high school pa lang ay gusto ko na s'ya. Second year college naman s'ya noon. Crush at first sight, na lumalim sa pagdaan ng panahon. Moreno s'ya. Malalim kung tumingin, matangos ang ilong at medyo pangahan ang mukha na kung di aalagaan ng shave ay balbas sarado s'ya. Di ako sigurado kung sino ang mas matangkad sa kanila ni Jim, di sila nagkakalayo ng taas. Tipong suplado at misteryoso. Parang ang lalim ng personality.

Madalas ako sa kanila dati. May salamin sila sa sala bago lumabas sa terrace. Maganda ang design at parang antique. Minsang nasa kanila ako ay dumaan si Dan sa harap ko. Gaya ng dati ay nagbaba ako ng tingin, kunwari ay di ko s'ya napansin. Kumakabog talaga ang dibdib ko kapag nakikita ko s'ya. Bago lumabas sa terrace ay huminto s'ya sa harap ng salamin. Mula sa kinauupuan ko ay kita ko ang repleksyon ng mukha n'ya. Dahil nahihiya akong tumingin sa kan'ya ay sinamantala ko na nakatalikod s'ya sa akin at pinagsawa ko ang mga mata ko sa mukha n'ya sa salamin. Iyon ang naging umpisa ng halos tuwing makapanghali ng Linggo ay pinupuntahan ko si Desiree. Tumatambay ako sa sala nila at kunwari ay nakikipanood ng tv pero ang totoo ay nag-aabang na manalamin si Dan na swerte namang naging madalas at mas matagal niyang gawin.

Halos dalawang taon din na ganon. Hindi kami nag-uusap. Simpleng tango at ngiti lang ang batian namin na madalang pang mangyari dahil iniiwasan ko siyang tingnan. Hanggang isang araw:

"Bakit? Tanong sa akin ng kapatid kong si Dina habang nasa harap ng face mirror.

"Anong bakit? Balik na tanong ko.

"Kanina ka pa nakatingin sa akin." sagot n'ya.

"Pano mo naman nalamang nakatingin ako sa'yo?" Nakatalikod s'ya sa akin.

"Eh kita kaya kita sa salamin!"

Pinagpawisan ako ng malamig. Ang tanga-tanga ko talaga! Kaya pala madalas na parang nagpipigil ng ngiti si Dan sa harap ng salamin. Minsan naman ay nakakunot ang noo at feeling ko ay nakatingin din sa akin. Mula noon, sa hiya ko ay hindi na ko uli lumibot kila Dan. Nagkasya na lang ako sa paminsan-minsang nasasalubong ko sya sa daan.

Mabuti na lang at sa hindi ko malamang dahilan ay naging malapit si Dan kay Papa kaya naging madalas din ang punta n'ya sa bahay noong college na ko. Madalas ko s'yang nakawan ng sulyap na madalas din naman n'yang mahuli na nauuwi sa ngitian namin. Naisip ko din noon na baka naman may gusto rin s'ya sa akin. Ilusyon na madali ding nabura nang mabalitaan ko kay Desiree na may girlfriend na pala s'ya. Kasamahan daw sa trabaho. Engineer din daw na tulad n'ya. Alam kong wala akong karapatan pero parang tanga na halos magdamag din akong umiyak dahil sa kadaldalan ng kaibigan ko.

Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan. Tanaw ko mula sa kinauupuan ko si Jim na masayang nakikipag-usap sa isang lalaki. Okay naman kami ni Jim. Kumportable ako sa kanya. Wala man ang kakaibang kilig at kabog ng dibdib na binibigay sa akin ni Dan, napapasaya naman ako ni Jim.  Kahit ang totoo ay pumapasok pa rin sa isip ko si Dan, okay na sana ang relasyon namin kung di nga lang sa pangyayari tatlong buwan na ang nakakaraan. December 30 ng gabi, nangyari ang matagal nang pinapangarap ko, kaso iba ang senaryo.

"Masyado yatang nahuli yung card na pinadala ko sayo."

Napaangat ang mukha ko at namilog ang mga mata sa kanya. Naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Card?! Nagpadala sya ng card?! Parang nabasa nya ang nasa isip ko.

"Hindi mo ba natanggap? Nagpadala ko ng birthday card sayo bago ko umalis. Kaso pagbalik ko kayo na pala ni Jim. Ilang buwan lang ako nawala.  Nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari."

Umiling ako bilang tugon. Sa isip ko:  Ako nga din, nagulat sa bilis ng mga pangyayari.      

"Ang mahirap lang kasi..., " Tumingala sya at bumuntunghininga, saka tumingin sa mga mata ko. "Bakit sa kapatid ko pa? Kung sa iba sana baka mabawi pa kita."

Nakatingin lang ako sa kanya. Magkaharap kaming nakaupo sa sala. Ilang saglit pa lang ang nakakaraan nang tawagin ako ni Papa at sabihing gusto daw akong makausap ni Dan. Ilang araw pa lang s'yang nakakabalik galing sa Dubai kung saan pinadala daw s'ya ng company nila.

"Mabawi." Tumawa sya ng maikli at matamlay na tawa. "Para namang naging akin ka, hano." Tumawa sya ulit saka huminga ng malalim. Iyong hinga na parang pinupuno nya ng hangin ang dibdib nya. Wala pa rin akong imik. Maraming tumatakbo sa isip ko pero hindi makalabas sa bibig.

Gusto kong magalit sa kanya. Bakit naman kasi di na lang nya inabot sa akin? Bakit kailangang padaanin pa sa pesteng post office? O kaya sana binati na lang nya ako ng personal tapos sinabi nyang pwede bang pagkagraduate mo ay tayo na. Ganun kasimple. Madali naman akong kausap. Hindi naman kailangang maging kumplikado ang ligawan. Mag-aaminan lang naman kami ng nararamdaman. Napakahirap bang gawin yun?

"Nagsisisi ko na masyado kong naging kampante. Masyado kong umasa sa mga titig mo sa akin sa salamin.  Sa mga panakaw na sulyap mo." Kumuyom ang dalawang kamay nyang nakapatong sa magkabilang hita nya. Matagal ko ding pinangarap na sabihin nyang gusto nya rin ako.  Kapag naiisip ko yun dati, ang sarap-sarap ng feeling. Malayong-malayo sa pakiramdam ko ngayon. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagpatak ng luha pero pumatak pa rin.

"Ang bigat pala sa dibdib yung mag-aalaga ka ng pagmamahal sa matagal na panahon tapos bigla na lang kailangan mo na palang patayin." sabi nya.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano isasagot ko.  Hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa pagpipilit kong pigilin ang pag-iyak. Kung bakit ang luha, mentras pinipigil lalong kumakawala. Parang gripong nabuksan, nagtuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko. Lumipat sya sa tabi ko para punasan ang luha ko. Isang mahigpit at saglit na yakap ang ginawa nya sa akin saka sya tumayo. Tumayo na rin ako.

"Goodluck," sabi nya nang hindi direktang tumitingin sa akin.

Saka mabilis na tumalikod at lumakad palayo. Parang may humahabol na kung ano. Hinihintay ko syang lumigon pero hindi na nya ginawa hanggang nawala na sya sa paningin ko. Mabilis at magulo ang naging pag-uusap namin. Ganun lang. Halos anim na taon kong pinangarap at inalagaan sa puso ko, tapos basta ganun lang.

Kinabukasan, pinuntahan ko ang post office at pagkatapos ng ilang proseso ay nakuha ko ang card na galing sa kanya. Sa labas ng envelope ay nakasulat ang dalawang date ng delivery at note na unlocated. Priority mail pa naman. Walang return address. Dali-dali kong binuksan ang sobre, inilabas ko ang card. Kulay pink, parang Cinderella ang theme. Kungdi dahil sa prince na inaabutan ng cake ang princess, at sa nakasulat na To The Girl of my Dreams, iisipin mong pangbata.  Binuklat ko ang card at binasa ang laman.

March 16, 2000

Dear Jean,

Happy birthday. 20 years old ka na.  Parang kelan lang nung una kitang makita, anim na taon na pala ang nakaraan. Tingnan mo nga naman, almost 6 years na pala akong nagbabantay hahaha. Gusto sana kitang ligawan dati pa kaso sabi nila di ka pa daw nagpapaligaw. Lagi kang napag-uusapan sa bahay. Hindi ko alam kung ano pinakain mo kay Nanay at kay Desiree bakit tuwang-tuwa sila sayo. Sabagay hindi naman kataka-taka kaya di ko sila masisisi.  Yung nakain nila nakain ko din siguro.

Pasensya na sinubukan ko namang libangin ang sarili ko sa iba. Hindi kasi ako sigurado dati kung kaya kong maghintay ng ganito katagal saka hindi rin ako sigurado kung may hinihintay ba ko. Kaso lang kung bakit pilit bumabalik pa rin ang isip ko sayo. Ang hirap pigilan. Naisip ko, tutal graduating ka na sa pasukan kaya pwede na siguro kong magsabi.  Pangako di ko aabalahin pag-aaral mo. Pagbalik ko dyan, pwede bang sayo na ko makipagkwentuhan sa halip sa Papa mo? Natatakot ako na baka sya ang mapasagot ko.

Matagal nang naghihintay,
Dan

PS
Matagal ko nang nami-miss yung mga titig mo sa akin sa salamin.

------------

Kahit masakit ang loob ko ay napangiti pa rin ako sa sulat ni Dan. Tingnan mo nga naman, may sense of humor din naman pala sya.  Hindi halata sa seryoso nyang mukha na madalang ngumiti at parang laging may malalim na iniisip. March dapat ay natanggap ko ang card, April ng mag-umpisa kaming magkalapit ni Jim. Dahil bakasyon ay halos araw-araw sya sa bahay at nagkukwentuhan kami mula hapon hanggang gabi. June 5 naging kami. Gusto kong isumpa kung sinuman ang iresponsableng kartero. Binago ng katamaran nya ang takbo ng buhay ko. Ang sakit palang magbiro ng kapalaran!

Humahapdi na naman ang mga mata ko dahil sa pagkakaalala sa pangyayari. Samantala patuloy ang nakakabagot na graduation ceremony. Ilang sandali pa, sa wakas ay tinawag na ang pangalan ko. Tumayo ako at lumakad papuntang stage. Maraming kumamay sa akin na di ko naman kilala at saka konting pose para sa picture.

Hindi ko matukoy kung ano ang eksaktong dahilan. Pagod sa paghahabol ng panahon sa mga requirements? Takot sa hinaharap? (After graduation daw ang real action, sabi nila.) Duda sa sariling kakayahan? Panghihinayang sa naunsyaming pag-ibig? Basta malayo sa pagiging masaya ang pakiramdam ko sa mga oras na yon. Aburido. Malungkot. Pagod. Lito. Mabigat ang dibdib at hirap huminga. Pagbaba ko sa stage ay natanaw ko si Jim. Nakangiti at pasimpleng kumakaway. Nilapitan ko sya. Niyakap nya ko. Yumakap ako sa kanya  ng mahigpit at di sinasadyang umiyak ng umiyak. Nang mahimasmasan ako, niyaya ko ng umuwi sila Mama at Papa at hindi na namin tinapos ang seremonya.

Sa sobrang tuwa ng pamilya sa graduation ko ay nagkaroon ng kaunting salo-salo sa bahay. Imbitado ang ilang kapitbahay.  Halos kumpleto ang pamilya ni Jim maliban kay Dan na susunod daw sabi ni Desiree. Nagpaalam sa kin si Jim at pagbalik ilang saglit ay dala ang regalo nya sa akin. Excited akong binuksan ang regalo sa harap nya. Cellphone.

"Para nagkakausap tayo lagi. Saka kailangan mo yan sa paghahanap ng trabaho," sabi nya. Touched ako. Masarap isiping iniisip nya ko.

Lumipas ang mga oras pero walang Dan na dumating hanggang sa maubos ang mga bisita. Si Jim ang kahuli-hulihang umuwi. Inihatid ko siya sa labas.

"Parang di ako makakatulog. Sobrang excited ako bukas." sabi nya.

"Matulog ka. Mas hahaba ang gabi pag di ka natulog," natatawang sabi ko.

Humalik sya at nagpaalam na. Good boy sya ngayon. Humalik lang. Dati ay di pwedeng di pipisil sa dibdib ko at dadakutin ang akin bago umuwi.

Pagod ako at gusto kong matulog pero mailap ang antok sa akin. Maraming gumug... Read More

Part #: 4

About the Author :

Joined: August 18, 2015 (1 year old)
Writings: 4

Send PM · Female · Offline

Reader. Dreamer. Thinker.
23 comments   2 favorites   2,914 views