Poem

Saranggola ni Nene

August 18, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Mula sa malayo,mga mata ay nakatingin,
Sa isang bagay na imposibleng abutin.
Saranggola na maganda, kulay at porma ay magara,
Saranggola na ang pisi ay hawak ng ibang bata.

Mula sa malayo,puso ay humiling,
"Saranggolang maganda,kelan ka magiging akin?"
Kasabay ng pag tingala,isip ay naglalakbay din,
Naghahangad ng imposible,humihiling ng taim-tim,usal ay panalangin.

Ngunit isang mapalad na araw, sya ay nabigla,
Tila ba panahon,araw, hangin, ay sumang-ayon sa kanya.
Saranggolang pinapangarap, nasa harapan nya bigla,
Saranggolang humulagpos mula sa pagkakahawak ng iba.

Sa sobrang galak,agad na pinalipad,
Laruang yari sa kahoy,makulay na papel ang balat.
Inasam na sana ang buong araw ay lumawig pa,
Upang saranggolang pinakaiingatan ay makapiling pa.

Kasabay ng pag lubog ng araw ay isang malungkot na balita,
Tunay na may ari ng saranggola ay nandito na.
Kahit masakit,laruan ay kailangan pakawalan,
Dahil tunay na may ari ay nag hihintay,mga palad ay nag aabang.

Kahit malabo,kinabukasan sya ay nag abang,
Malilikot na mata ay gumagala sa kawalan.
Saranggolang mahal,pilit inaaninag... Read More

About the Author :

Joined: December 5, 2013 (3 years old)
Writings: 13

Send PM · Female · Offline

Loading...
46 comments   0 favorite   1,961 views