Sana Ikaw na Lang

June 14, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Taboo | Tags:

5pm, araw ng Sabado, galing si Ken sa basketball court kung saan sya naglaro. Halos basang basa ang kanyang sando ng pawis ng dumiretso ito sa may kusina para uminom sa may ref. Napansin naman yun ng kanyang ina.

"Ken wag ka masyado magpabasa ng pawis baka magkasakit ka nyan." wika ng ina na naghahanda ng kanilang kakainin sa hapunan.

"Opo Mama." Sagot ni Ken ng pagkainom.

Si Ken ay 16 na taon gulang na at 4th yr HS. Sa kanyang edad ay matangkad na ito sa taas na 5'11", medyo brusko din ang katawan nito kaya naman nakuha sya bilang varsity player ng kanilang school. Hinahangaan din sya ng mga babae sa school kasi meron din syang angking kagwapuhan. Isa na dun si Mae, 3rd yr at isa sa mga dancer ng cheering squad.

Nagpapahinga naman si Ken sa kanyang kwarto, nakahiga lang ito ng may narecieve syang text mula kay Mae.

"Hi Ken. Ano gawa mo?"

Nagreply naman agad ang binata, "Ok lang naman."

Wala masyado sa mood magtext si Ken kaya di na ito nagreply pa sa mga text ni Mae. Alam kasi nitong may gusto si Mae sa kanya pero di type ni Ken talaga ang babae.

Bumaba si Ken papunta sa may salas para sana manood ng TV pero nakaupo na doon ang kanyang Mama at may kausap sa cellphone.

"Talaga? Gusto nya daw dito magtransfer?"

"Oo Ate, mapilit talaga sya eh. Pumayag kana."

Walang nagawa ang Mama ni Ken kundi ang pumayag. Pinutol nito ang tawag ng lumapit na sa kanya ang anak.

"Mama, sino po kausap nyo?" tanong ni Ken.

"Si Tita Lea mo. Sabi kasi nya gusto daw ni Anne magtransfer sa school nyo. Lagi daw sya binu-bully dun. Kaya ayun pumayag ako."

"Talaga? Dito daw po mag-aaral si Anne?"

"Oo Ken. Sabi bukas daw sila luluwas."

Napaisip naman si Ken. Matagal na rin nyang di nakikita ang pinsan nyang si Anne. Halos 7 yrs na rin ng huli nya itong makita sa kanilang probinsya sa Batangas.

Matapos kumain nila Ken at kanyang Mama ay dumiretso muna ito sa kanyang kwarto at binuksan ang laptop. Agad nag-login sa Facebook. Sinubukan nyang isearch ang pangalan ni Anne, maraming lumabas na results. Inisa-isa nya ang bawat account.

Hanggang sa makita na ni Ken ang account ni Anne. Sure na sure syang sya talaga yun kasi meron maliit na balat sa may patilya nito.

"Wow ang ganda na ngayon ni Anne ah! Dati-rati di naman, patpatin pa." isip-isip pa ni Ken.

Agad nyang ini-add si Anne. Nagbrowse pa si Ken ng mga pictures ng pinsan ng biglang may lumabas na noti.

"Wow! Inaccept ako ni Pinsan. Online pala sya." napangiti pa ang binata. Maya-maya ay nagmessage na sa kanya si Anne.

"Ui Kuya Ken. Ikaw ba yan?"

Mabilis na nagtype si Ken, "Oo Anne :) Musta ka na?"

"Okay lang ako Kuya Ken. Alam mo na ba na dyan ako mag-aaral sa school nyo? Magttransfer ako?"

"Oo Anne. Sinabi kanina ni Mama sa akin. Hintayin ko kayo bukas dito?"

"Oo Kuya Ken. Hintayin mo ako, ihahatid ako ni Mommy dyan eh."

Masaya pang nagchat sila Ken at Anne. Natapos na sila ng alas nuebe at nagpasyang matulog na. Bakas sa mukha ni Ken ang pagkasaya kasi makikita na nya ulit ang pinsang si Anne.

Kinabukasan, 7am na pero nakahiga pa rin si Ken sa kama. Umakyat naman ang kanyang Mama at kinatok ang pinto ng malakas.

"Ken, gumising ka na! Tanghali na!"

Dahil dun ay nagising nga si Ken. Mabilis itong bumangon at nag-ayos ng kama sabay labas ng pinto.

"Bakit po Mama?"

"Nagtext kasi Tita Lea mo, sabi sunduin nalang daw sila sa may terminal. Kaya mag-ayos ka na dyan. Tapos kumain muna tayo bago pumunta dun sa terminal."

Sumang-ayon naman agad si Ken. Mabilis itong naligo. Tapos ay kumain na sila ng breakfast saka umalis patungo ng terminal.

Halos alas nuebe na ng makarating sila sa terminal sa sobrang traffic. Madaming tao sa terminal at sobrang init pa kaya naupo muna ang mag-ina sa may upuan ng isang resto.

"Lea, malapit naba kayo?" tumawag na ang Mama ni Ken. Maya-maya ay binaba na nito ang phone.

"Malapit na daw sila Ken. Traffic din daw sila."

Napangiti naman si Ken. Konting oras nalang kasi at makikita na nya ang Tita nya at ang pinsang si Anne. Maya-maya ay pumasok na ang isang bus. Tumayo na sila Ken at lumapit sa tumigil na bus.

Napapalingon si Ken sa mga bintana. Pagtingin sa pinto ay isa-isang bumababa ang mga pasahero. Inisa-isa nya ang mga yun pero wala pa ang hinihintay.

Hanggang sa may bumaba na isang dalagita. Maiksi ang suot nitong shorts at naka tshirt na hapit. Mahaba ang kanyang buhok, abot sa may beywang.

Nakashades pa ang dalagita ng makababa. Sumunod sa kanya ang isang babae. Napangiti ulit si Ken ng makompirmang sila na nga ang kanilang hininintay.

"Tita Lea!" sigaw ni Ken... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: June 14, 2014 (2 years old)
Writings: 4

Send PM · Male · Offline

Its clobberin time!
14 comments   0 favorite   5,720 views