Poem

SANA

November 2, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: ,

ibig ko nga na ika'y makasama,
at makahalubilo sa tuwina,
pagkat ito'y aking ikinaliligaya.

ika'y aking iniirog noon pa,
mula pa noong hindi ka pa kilala-
ikaw nga sa aki'y mahalaga.

lalong umigting ang aking paghanga,
nang malamang kaw ma'y may pagtingin na;
heto't ngiti sa mukha'y di mabura.

ang tangi na lamang hiling sa twina-
ako'y mapasayo't ika'y sa 'kin na:
hanggang sa mga paa'y magpantay na.

(c... Read More

About the Author :

Joined: July 14, 2013 (3 years old)
Writings: 48

Send PM · Male · Offline

"I love Halloween. the one time in a year where everyone wears a mask not just me.
people think its fun to pretend that youre a monster. me, i spend my life pretending im not."
0 comment   0 favorite   354 views