Sali na sa SMB

November 8, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

.
Sali na sa SMB

Inaanyahan po namin kayo
Dito sa tropang malalamig ang pasko
Mga walang bf, gf, nobya at nobyo
At ang Presidente ay si Calooh

Mga laging sawi sa pag-ibig
Pag nakikita ang crush, walang masabi ang bibig
Gwapo't magaganda naman, mga kapatid
Kami po ang Samahan ng Mga Basted

Isa lang po ang requirement para makasapi ka
Kailangan sa pag-ibig, nasawi na ng hanggang lima
Ako nga at si Calooh mahigit sampu na
Proud pa kami dun kahit madagdagan pa.

Ewan nga ba, malambing naman ako
Macho, gwapo at mabait sabi ng nanay ko
Dagdag mo pa yung mga talent ko
Wala, ganun pa rin, basted pa rin ako.

Nagpaturo na nga ako kay sir M kung paano ang manligaw
Bakasakaling makatikim naman ng masabaw
Bumababad na rin sa chat para may makapansin
Sadya yatang malas sa pag-ibig kaya sawi pa rin

Ewan ko ba kung bakit ayaw nila sakin
Sa umpisa naman, maganda kung ako'y kausapin
Tapos bigla na lang mag-iiba ang ihip ng hangin
Pag may naka-whisper ng ubod ng galing

Hindi ko alam kung ano ang istorya ni Calooh
Kung bakit sawi din syang katulad ko
Basta't lahat po kayo ay inaanyayahan ko
Dito sa mga bigo sa pag-ibig na grupo

I-text nyo lang po ako, lalo na kung girls kayo
Malay mo, magkagustuhan tayo
Ma-in love ka sakin at ako sa iyo
Sabay tayong titiwalag sa grupo

Sali na sa SMB, mga mare at pare
Para madagdagan na kami ni Presidente... Read More

About the Author :

Joined: September 2, 2015 (1 year old)
Writings: 152

Send PM · Male · Offline

Its just me, so nevermind :)
15 comments   0 favorite   1,128 views