Sagot ni totoy! saranggola ni nene!

August 18, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Mata'y nakatanglaw, sa kaparangan.
Pilit sinisilayan , tuldok ng karimlan.
Ngunit ba't nagtitiis, sa pag aabang.
Gayong nandito naman, bat ayaw mong tingnan.

Mula sa malapit, puso ko'y naninimdim.
Pintig ng aking puso'y, waring hindi mo pansin.
Yaong panay naman, ang aking panalangin.
Nawa'y iyong pagbuksan, yan ang aking dalangin.!

Isang mapait na araw, ang bumulaga sa akin.
Tila ba ang panahon, nakiayon sa damdamin!
Luha ko'y pumapatak, at sumasabay sa hangin.
Pagkat saranggola mo'y, iyong nakapiling.

Ika'y nagagalak, sa bago mong guryon.
Pigil ang pag hawak, sa sinulid na NyLon.!
Pilit aangkinin, kahit hindi sumang ayon.
Papahabain ang araw, kahit mag dapit hapon.

Sa pag lubog ng araw, dilim nag aabang.
Saranggola mong tangan, babagsak sa daan.
Tunay na may ari, pupulutin naman.
Bakas sayong mukha, ang panghihinayang.

Lungkot mong nadarama,ay aking papawiin.
pilit kiang lalapitan, at aking susuyuin.... Read More

About the Author :

Joined: September 8, 2013 (3 years old)
Writings: 34

Send PM · Male · Offline

Love is blind, but open ur mind!
Sex first den next seven....lol:-)
23 comments   2 favorites   1,518 views