Safer Sex: A guide for Us

May 27, 2012 (4 years ago)
Posted in Tip: Tagalog | Categories: Tip | Tags: , , , , , , , , , , , ,

Safer Sex: A guide for UsANONG KLASE NG SEKS ANG GUSTO MO?

  • Anong klase ng seks ang gusto mo?
  • Alam mo ba kung paanong hingin ang gusto mo?
  • Alam mo ba kung paano sabihin ang, "mas mabuti yata kung...."
  • Gusto mo bang makipag-usap habang nakikipagseks? Bago o matapos nito?
  • Ayaw mo bang pag-usapan ang pakikipagseks?
  • Anong klase ng pakikipagseks ang pakiramdam mo ay hindi ligtas?
  • Ano ang handa ka o hindi ka handang gawain ninyo ng iyong kinakasiping?
  • Ano para sa iyong kinakasiping ang handa niyang gawain o hindi sa pakikipagtalik sa iyo?
  • Mas gugustuhin mo bang huwag na lang makipagseks o kaya'y gumamit ng goma?


Alam mo, okay lang na maabala o mahirapan sa mas maingat na seks. Ang totoo'y naiiba ka kung kahit minsan ay hindi ka nahirapang makipag-usap tungkol sa bagay na ito, o kaya ay maging maingat sa lahat ng pagkakataon.

Mayroong bagay sa lipunan na kung tawagin ay HIV. Ang HIV ay walang iti-natanging grupo ng tao. Subalit gusto ng HIV ang ilang uri ng fluid o likido sa iyong katawan na may mataas na konsentrasyon ng white blood cells. Kung gayon, apektado ang lahat ng taong nagsasalin ng likidong ito sa iba, maging ano pa man ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan, kasarian, idad, gulang, lahi, abilidad, uri o pook na kinaroroonan.

Nabubuhay ang HIV sa loob ng mga white blood cells sa dugo, tamod, pre-cum, katas ng babae (tulad ng tamod, vaginal discharge, ejaculate, atbp.) at regla. Maaari ding maisalin ang HIV sa pamamagitan ng gatas ng ina. Napakaliit ng konsentrasyon ng white blood cells sa laway, luha at pawis kaya't galun-galon nito ang kailangan mong inumin para malagay ka sa panganib. Ang ihi ay isterilisado kaya hindi nakapaglilipat ng HIV. Kadalasang may dugo ang tae mo kaya hindi ito ligtas.

ANO ANG IBIG MONG SABIHIN SA MAS MAINGAT NA SEKS?
Ang lahat ng ito ay tungkol sa pamimili. Higit sa lahat, ang iyong pamimili. Ikaw ang mamimili sa uri ng seks na iyong gagawin. Ikaw ang mamimili kung gaano kalawak na proteksyon ang iyong gagamitin laban sa HIV at Sexually Transmitted Diseases (STDs). Ikaw rin ang mamimili kung anong mga bagay ang iyong gagamitin sa seks.

Ang ibig sabihin ng "mas maingat na seks" ay paggamit ng goma o ng kung ano mang bagay na magtitiyak na kayo ng iyong kinakasiping (o mga kinakasiping) ay hindi magpapalitan ng mga likidong may HIV at iba pang STD.

Ang mas maingat na seks ay nangangahulugan na inaalam mo ang mga bagay na dapat malaman tungkol dito at pinaplano mo ang pagdadala ng sapat na bilang ng condom/goma. Kung kinakailangan mo pang bumangon sa kama, pumunta sa kabilang kwarto, o kung simpleng naiwan mo ang condom sa iyong bahay, binibigyan mo lang ang iyong sarili ng isa pang dahilan para makipagtalik ng hindi ligtas.

Hindi ito awtomatiko. Habang ang ilang bagay tungkol sa seks ay kusang dumarating, praktis ang kailangan para sa kanais-nais na seks (at kanais-nais na mas maingat na seks). Bago gumamit ng bagong bagay sa pakikipagtalik, paglaruan mo muna ito para maging pamilyar at komportable ka rito.

Ang mas maingat na seks ay nangangahulugan na okay sa iyong pag-usapan kung ano ang gusto mo. Kasama dito ang "ito ang gamitin natin" at "ayokong gawin yan" at "ibaling mo pa nang kaunti sa kanan...."

MGA CONDOM
Ang daming kulay, ang daming sukat, ang daming hugis, kakaunting panahon. Kapag ginamit nang tama, ang mga ito ang pinakamahusay na paraan para pigilin ang pagkalat ng HIV at iba pang STDs para sa lahat ng larong sekswal.

May tatlong pangunahing klase ng condom: goma, natural skins, at polyurethane.

Ang pinakakaraniwang condom ay gawa sa goma. Pinakamabisa ito kung gagamitan ng maraming water-based na pampadulas. Huwag gagamit ng mga oil-based na pampadulas (tulad ng Vaseline, baby oil, cooking oil, atbp.) dahil sisirain nito ang condom.

Ang mga natural skin condoms ay gawa mula sa bituka ng hayop tulad ng tupa, at hindi nakapipigil sa pagsalin ng HIV o STDs. Maraming hindi hiyang sa goma kaya gusto nilang gumamit ng natural skin condoms kasabay ng gomang condom.

Ang polyutherane condoms ay gawa sa isang uri ng plastic. Pwede kang gumamit ng oil-based at water-based na pampadulas sa Polyurethane condoms. Kakaiba ang pakiramdam nito kaya't subukin muna bago gamitin.

ANG PARAAN NG PAGSUOT NG CONDOM:
  1. Maglagay ng bagong condom sa titi o dildo bago ito ipasok sa iyong kasiping. Kapag tumigas ang titi, abutin kaagad ang condom. Ingatang huwag mapunit ang condom ng iyong mga kuko o ng ngipin habang inaalis ito sa balot.
  2. Lagyan ng ilang patak ng water-based na pampadulas ang dulo ng condom. Pisilin ang dulo ng condom habang pinupusisyon ito sa ulo ng titi o dildo. Magbibigay ito ng dagdag na pandama at maglalaan ng ispasyo para sa tamod.
  3. Pagulungin ang condom pababa sa puno ng titi o dildo.
  4. Gumamit ng maraming water-based na pampadulas sa condom para sa pagtatalik.
  5. Magtalik nang parang mga kuneho.
 
ANG PAG-AALIS NG CONDOM:
  1. Kapag nilabasan ka na, hilahin ang ari habang ito'y matigas pa mula sa loob ng iyong kasiping, sa pamamagitan ng paghawak sa kailalimang dulo ng condom para huwag tumapon ang tamod sa iyong kasiping.
  2. Marahang tanggalin ang condom mula sa titi o dildo at ibuhol ang dulo para huwag tumapon ang laman.
  3. Itapon ang condom. Huwag itong gagamitin muli.
 
MGA TIP:
Huwag gagamitin ang condom nang higit sa isang beses. Kung magkamaling baligtad ang pagsuot sa condom, palitan ito ng bago. Maaring may tamod ka nang naipahid sa labas ng condom.

Itago ang condom sa lugar na katamtaman ang lamig, tuyo at madilim. Huwag na huwag sa iyong wallet, bulsa, o sa kotse, dahil ang condom ay nasisira sa init.

GWANTES
Para sa lahat ng "digital play" (tulad ng pag-finger sa puki o puwitan) magsuot ng gomang gwantes, at gumamit din ng maraming pampadulas. Maaaring sa tingin mo ay okay ang iyong mga kamay, pero ang HIV ay hindi nakikita sa pamamagitan lamang ng tingin. Ang lahat ay mas madulas, malasutla at ligtas kapag ginamitan ng gwantes.

MGA TIP:
  1. Kahun-kahong gwantes and maaari mong mabili sa mga beauty supply stores. Kung sensitibo ka sa pulbos na nasa gwantes (o sa goma), may nabibiling gwantes na walang pulbos sa mga medical supply houses.
  2. Kung magpapalit ka ng butas sa kalagitnaan ng sex play (tulad ng mula puwitan patungong puki, puwitan ng isa patungo sa puwitan ng iba, atbp.) magsuot ng dalawang gwantes sa simula pa lang. Alisin mo lang ang isa kung gusto mo nang lumipat sa ibang butas.
  3. Subukan ding maglagay ng pampadulas sa loob ng gwantes. Mas madali kang makakaramdam, at magmimistulang mas manipis ang gwantes.
 

PAMPADULAS
Para sa maraming larong sekswal, lalo na kapag goma ang gamit, nirerekomenda ang maraming pampadulas. Mas maraming pampadulas, mas kaunting pagkikiskisan, mas "masarap ang biyahe."

MGA TIP:
Maraming pampadulas ang nagtataglay ng Nonoxynol-9, na nakatutulong labanan ang HIV, subalit maaaring maging sanhi ng allergic reaction. Ang mga kababaihan at taong may HIV ay higit na sensitibo dito. Subukan munang dilaan ang pampadulas, at kapag namanhid ang iyong dila o kaya'y magkaroon ka ng singaw sa labi, nanganghulugang hindi ka hiyang dito.

Tuwing makikipagseks maglagay ng tubig (sa spray bottle o squirt gun) sa lugar na madaling maabot . Kapag natutuyo na ang iyong pampadulas, mag-spray ng kaunting tubig.

Para sa iyong travel pack, kumuha ng iba't ibang sample ng pampadulas sa binibilihan mo nito. Pwede ka ring makakuha ng libreng sample sa mga lokal na health center, AIDS outreach services, at mga HIV testing sites.

Sumubok ng iba't ibang uri ng pampadulas sa iba't ibang klase ng larong sekswal (pagsasalsal, butt o vaginal fucking).

Lahat ng bagay ay ginagawa nitong basa at madulas. Mas madali kang makakaramdam ng sarap, pati na ang iyong kasiping. Mas matagal pa kayong makakapagtalik. Higit na matagal kaysa karaniwan!

Ang paggamit ng Nonoxynol-9 nang walang condom o gwantes ay hindi nakatutulong pumigil sa pagsalin ng HIV.

PLASTIC WRAP
Ang plastic wrap na makikita sa maraming bahay ay karaniwan nang ginagamit sa pag-oral sex sa babae o para sa rimming (pagkain sa puwitan). Pwede kang bumili nung microwavable o hindi, basta't kilala ang pangalang tatak.

MGA TIP:
Kapag magpipiraso ng plastic, alisin ang buong rolyo sa kahon saka pumiraso para hindi ka masugatan ng blade na nasa tagiliran ng kahon.

Maglagay ng pampadulas sa balat ng iyong kasiping bago ito ibalot ng plastic. Mas makakadama ng sarap kapag ganito at mananatili sa pwesto nito ang plastic.

Ang plastic wrap ay malinaw, manipis at matibay, at hindi lasang goma. Makikita mo ang binalot mo rito.

Mabibili rin ito nang rolyo kaya't wala kang puprublemahin sa sukat. Malaking tulong din ang plastic wrap bilang pampigil...

ORAL SEX
Isang katotohanan na may panganib na maisalin ang HIV sa pagtsupa... Read More

About the Author :

Joined: April 18, 2012 (4 years old)
Writings: 16

Send PM · Male · Offline

5 comments   0 favorite   2,145 views