Saan Ba?

May 14, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Saan ba nagsisimula ang pag ibig? Sa unang kita? sa tagal ng pagsasama? sa muling pagkikita?. Paano mo malalaman na iniibig mo ang isang tao? Kapag palagi mo siyang hanap? Kapag bumibilis ang tibok ng puso? Kapag hindi ka mapalagay?.

Sa tingin ko minahal mo na at inibig ang isang tao bago mo pa siya makita o makilala, nasa puso mo na kung sino ang mahal mo, nasa isip mo kung ano siya at higit sa lahat nanabik ka ng makita siya.

Sa sobrang pananabik mo ay iniisip mo na lahat tungkol sa kanya, gumawa ka ng isang kathang isip na pagkatao, ginawa mo siyang perpekto. Nawala na yung nasa puso mo, mas nangibabaw ang pag-asam mo na dapat ganito ang taong mamahalin mo.

Dahil sa pag-asam na iyon, hindi mo na nakikita yung taong handang ibigay ang lahat sa iyo. Wala sa kanya ang mga hinahanap mo, hindi siya perpekto, pero sa lahat lahat ng niyan, andyan siya handang umintindi at mahalin lahat ng kakulangan mo. Andyan siya para ibahagi kahit ang kakarampot niyang yaman. Hindi niya hinahanap sa iyo ang pagiging perpekto bagkus ang pagunawa at pagmamahal mo lang. Sa sobrang pagiisip mo sa buhay nakaligtaan mo ng tumingin sa tabi mo, na andoon pala yung taong minamahal ang buong pagkatao mo.

Minsan hindi masama na gamitin ang isip lamang o ang puso lamang, dahil habang sa pag iintay mo sa taong nakatakda sa iyo ay maraming din taong lalapit sa iyo. Sila yung mga taong magbabahagi ng samo't saring ligaya o sakit sa iyo. S... Read More

About the Author :

Joined: May 14, 2015 (1 year old)
Writings: 14

Send PM · Male · Offline

I'm a loving individual. I'm devoted, eager & zealous. I'm 75% Romantic, 19% Playful & 6% Obsessive.
1 comment   1 favorite   522 views