RoadTrip

January 5, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Mature, Romance | Tags:

Niyaya ako ni Andy na magstroll pa Tagaytay pagkatapos ng putukan ng 2013 at kapapasok lang ng bagong taon ng 2014. Dahil wala namang ibang gagawin, sumama ako sa kanya. Para maiba naman ang pagpasok ng bagong taon sa akin. Ibang experience naman.

Ilan sa mga kabarda at kamag-anak niya ang kasama namin. Convoy ang nangyari, dahil lahat ay single na motor ang gamit. Mga asawa o di kaya ay mga girlfriend ang kaangkas ng iba. Ipinakilala sa akin ni Andy ang lahat. Kalahati sa mga ito ay mga malalapit na kamaganak niya. Walong motor ang sama sama ng madaling araw ng bagong taon.

Sa init ng pagtanggap sa akin ng grupo, nawala ang pagkailang ko. Halos nasa late 20s na ang lahat. Ako lang sa edad na 37 ang kasama nila. Pero wala akong nakitang pagbabago. Kaya nawala ang aking agam-agam na mao OP sa grupo. Lahat sila ay Tita ang tawag sa akin, na ok lang naman, isang tanda ng paggalang sa nakakatanda sa kanila.

Dahan dahan kaming tumulak pa Silang mula sa Carmona Cavite. Halos nasa 50 to 60 kph lang ang takbo namin. Nagiintayan ang lahat, kaya’t di naging boring ang naging paglalakbay namin.

Nahuhuli kami ni Andy, pinauna niya ang mga kasama namin. Nuong una nakahawak pa ako sa likod ng motor para makabalanse. Hindi ako humahawak sa balikat ni Andy pero ng lumaon hiniling niyang iabot ko ang aking kamay at iyakap sa kanya. Umaayaw pa ako sa simula pero napilitan na rin dahil sa lamig. Nang nagtagal nakayakap na ako. Pareho kaming giniginaw dahil sa lamig ng hangin.

Isang oras matapos ang putukan, halos wala ng bukas na ilaw sa mga bahay bahay na nadadaanan namin. Patuloy lang kami sa dahan dahang paglalakbay. May ilang kaming kasamang pasaway, may maingay, may sumisigaw, may nageexhibition sa pagtayo sa kanilang mga motor. Kanya kanyang trip ang iba.

Walang tiyak na patutunguhan, napagkasunduan naming tumuloy sa People’s Park in the Sky kahit alam naming sarado iyon. Talagang ang pakay lang ng grupo ay mag stroll at namnamin ang lamig ng gabi. Zero visibility ang lugar dahil sa kapal ng fog. Nuon din lang ako nakaranas ng sobrang lamig na panahon na halos manhid na ang mga kamay ko. Panay naman ang haplos ni Andy sa mga kamay kong nakayakap sa kanyang beywang. Manaka-nakang nililingon ako at tinatanong kung ok lang ako. Kahit nanginginig sa ginaw tumango lang ako kay Andy.

Nakarating kami ni Andy sa taas, sa nakasaradong gate ng Peoples park. Wala rin naman kami talagang makikita dahil nga sa kapal ng fog.

Nanunuot ang lamig kaya’t ng bumaba ako sa motor ni Andy hinila niya ako payakap sa kanya kasabay ng pagmasahe sa katawan ko.

“Anddyy… sobrang lamig.” Ang daing ko.

“Nasa tuktok na kasi tayo. Wala naman tayong masisilungan dito.”

Sobrang lakas ng tunog ng hangin at yung ang maririnig sa kalaliman ng gabi. Ang nagsilbing ilaw lang namin ay ang nagmumula sa motor ng binata.

Kahit malamig, dama ko ang init ng hininga ni Andy na halos nasa pisngi ko na.

At ang pagkakayakap niya sa akin mas humihigpit. Hanggang makatitigan kami at kusa siyang yumuko upang idampi ang kanya labi sa akin.

Nagbigla man ako sa ginawa niya ay wala akong nasabi. Ilang segundo rin ang tinagal ng kanyang halik. Wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ginawa iyon.

Napatitig akong muli sa kanya. Kimi siyang ngumiti nguni’t umilap ang kanyang mga mata hanggang….

“Baba na tayo Tita sa grupo, sobrang lamig na lamig ka na. Ayokong magkasakit ka sa unang araw ng taon.”

Tumango na lamang ako sa kanya. Ng bumaba kami ni Andy upang sumama sa grupo, napagkasunduan nila na bumaba na ng Tagaytay via Indang Road at tutumuloy sa Kaybiang Tunnel sa Maragondon tapos diretso kami ng Ternate hanggang Puerto Azul at duon na magpapa umaga.

Sa kamalasan, nasa Atalaro Road, Mendez pa lamang kami 3 na sa mga riders ang nasiraan. Kaya nabulilyaso na ang plano na ituloy ang strolling. Napagkasunduan na umuwi na lang at magkanya kanya habang hila-hila ng iba ang tatlong riders. Kami naman ni Andy ay dumiretso na rin para maihatid na ako sa bahay.

Mahigit 30 minutes din ang nilakbay naming pauwi ng Carmona. Pagdating sa bahay, diretso agad ako sa kusina. Tulad ko alam kong gutom na rin si Andy.

Nabigla ako ng bigla kong naramdaman ang yakap ng binata sa likod ko sabay halik sa aking batok.

“Andy! A..no ba?” sigaw ko sabay piglas sa kanyang yakap.

“Kanina ka pa. Ano bang nangyayari sa iyo?”

“Tita… gusto kita.. gustong gusto kita Tita.” Sabi ng binata.

Tumigil ka. Alam mo ba kung anong sinasabi mo?”

“Halos tiyahin mo na ako. Tita pa nga tawag mo sa akin.”

Matagal na akong may pagnanasa sa iyo, Tita. Simula pa nung unang ipakilala ka ng pamangking mong si Marc sa akin naging pantasya na kita.”

“Tita, paliligayahin kita. Hindi ka magsisi, promise. Ipalalasap ko sa iyo ang hindi mo pa nararanasan sa buong buhay mo, Tita.”

Isang malakas na sampal ang binigay ko kayAndy.

“Walanghiya ka! Tinanggap kita dito sa bahay ko bilang tao, matuto kang respetohin ako!” ang sigaw ko sa kanya.

“Anong alam mo sa kaligayahan ko. Wala kang alam kung ano ang makakapagpaligaya sa akin, Andy.”

“Umalis ka na at huwag ka ng babalik.“Alam mo ang daan palabas ng bahay ko!”

Sabay layo ko sa kanya at halos takbuhin paakyat sa kwarto ko.

Tulo ang luha ko sa galit. Galit at awa sa sarili. Dama ko ang sakit na dulot ng sinabi ni Andy. Nakanti niya ang matagal ng nakatagong damdamin. Sa katulad kong nagiisa sa buhay, mahirap na masarap ang nag-iisa.

Ipokrita akong kung sasabihin kong hindi ako nasasabik sa yakap at mga halik ng isang lalaki. At gugustuhin kong muling maranasan ang magmahal at paano mahalin. Pero hindi ako desperado na makipag relasyon sa isang lalaki na di hamak n... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: June 7, 2014 (2 years old)
Writings: 16

Send PM · Female · Offline

I am a simple woman, an emotional person who loves to write to keep my sanity intact. Though I am not your prolific writer I still like to share my innermost fantasies, my ramblings about the
naughty things running wildly in my mind.....
13 comments   1 favorite   3,462 views