Ride

February 11, 2016 (9 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: ,

Ano? Ready ka na?
Uumpisahan na natin ang isang ride na masaya
Kapit nang mabuti, 'wag kang bibitiw
Heto na't uumpisahan na natin aking giliw

wag kang matakot, kamay mong hawak ko na.
Hawak lang ng mahigpit pagkat pabulusok na.
Rinig ko na ang iyong sigaw
Sige lang aking mahal sulitin natin ang atin araw.

Pabilis nang pabilis, mundo nati'y umiikot
Matatapos pa kaya ito? Sana wag na lang giliw ko.
Pero dumating rin tayo sa dulo
parehong pagod ngunit kita kong sulit ang iyong pagod
sa iyong ngiti alam kong masaya ka
at ang paghalik sa iyong noo ay pagsasabi kong mahal kita

Hawak ko ulit ang iyong kamay
naisip ko lang masaya palang sumakay ng roller coaster pag ikaw ang kasabay.

*writing from... Read More

About the Author :

Joined: January 22, 2016 (10 months old)
Writings: 2

Send PM · Female · Offline

Bookish, poet, hopeless romantic.
Suggested writings:
0 comment   0 favorite   204 views