Promdi Part 1

October 14, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: First Time, Reluctance, Romance | Tags: , ,

Nagkakilala sila Liz at Enzo noong graduating pa lamang sa college si Liz samantalang si Enzo ay nagtatrabaho na sa isang sales company. Apat na taon ang tanda ni Enzo kay Liz pero hindi ito naging hadlang para hindi sila magkagustuhan. Halos limang buwan ding matiyagang niligawan ni Enzo ang dalaga bago niya ito napasagot. Palibhasa ay bata pa at dalagang probinsiya ay hindi agad nagpadala si Liz sa panliligaw ni Enzo. Naniniwala kase ito sa medyo mahaba-habang ligawan. Isa pa ay si Enzo ang unang seryoso niyang boyfriend kaya naman may halong pag-iingat ang dalaga. Nagkaroon na siya ng nobyo dati pero wala pang dalawang buwan ang itinagal. Si Enzo naman ay nakalimang girlfriends na bago si Liz.

Mahinhin si Liz at laging reserved kumilos at magsalita. Maganda at matangkad sa height na 5'6". Maganda rin ang korte ng katawan kaya naman ilang beses na inawitang sumali sa mga beauty pageants sa kolehiyong pinapasukan pero hindi pumapayag dahil sa likas itong mahiyain. Kapag magkasama sila ni Enzo ay pumapayag naman itong magpahawak sa kamay pero hanggang doon lamang. Muntik pa nitong masampal ang binata nang nakawan ito ng halik sa labi nang minsang ihatid siya sa dorm. Unang halik raw niya ito at panakaw pang nakuha.

Wholesome palagi ang mga dates nila. Karaniwan ay dinner at nood lamang ng sine. Minsan naman ay tambay lamang sa coffeeshop upang magkuwentuhan. Kontento naman si Enzo sa kanilang relasyon pero lalake pa rin ito at naghahanap rin  ng mas mature pa na relasyon. Ang mga dati kase nitong naging nobya ay nahahalikan naman niya, ang iba ay nakapareha na rin niya sa kama. Naintindihan naman niya na hindi niya puwedeng biglain ang dalaga. Kailangan ng tiyaga at pasensiya.

Minsang wala silang pasok parehas ay napagpasiyahan nila na mamasyal sa Intramuros hanggang sa mapunta sa Fort Santiago. Napunta na dati doon si Enzo nang minsang doon ginanap ang kanilang school field trip. Pero elementary pa siya noon at walang masyadong naintindihan sa importansiya ng lugar na pinasyalan. Inikot nila ang buong Fort Santiago. Sinilip ang seldang pinagkulungan kay Rizal bago ito bitayin. Nag-ikot sa maliit na museo. Nang hapon na ay nagpahinga sa isa sa mga stone ramparts na nakaharap sa Ilog Pasig. Doon sila nagkuwentuhan. Hindi naman masyadong naamoy ang alingasaw ng ilog dahil sa may kataasan ang kanilang puwesto.

Napansin ni Enzo na wala silang kasama sa kanilang puwesto kaya naman sinubukan niyang halikan ang dalaga. Sa una ay banayad lamang. Hindi naman pumalag ang dalaga. Ito ang unang kiss nila na hindi panakaw. Sinubukan pa ng binata na laliman ang halik. Ginamit ang dila upang ibuka ang mga labi ng dalaga. Nagtagumpay siya kaya naman ginamit na niya ang dila upang laruin ang dila ng dalaga. Halatang wala pang experience sa torrid na halikan ang dalaga. Tila nabigla pa sa pagpasok ng dila ni Enzo sa loob ng kanyang bibig. Pero saglit lamang iyon at naging tila normal na rin para sa kanya. Ilang minuto rin na nilasahan ni Enzo ang matamis na laway ng dalaga.

Sandaling ipinatong ni Enzo ang kanang kamay sa kaliwang suso ng dalaga. Nakiramdam kung magagalit ang nobya. Ramdam niya ang lakas ng kabog ng dibdib ni Liz. Nang hindi ito pumalag ay nagsimula na siya sa marahang paglamas sa hawak na suso. PInaglakbay na rin niya ang kanyang mga labi. Ang mga halik ay bumaba sa leeg ng dalaga. Nang makawala ang mga labi ay mahinang ungol ang lumabas kay Liz. Ungol mula sa sarap ng magkasabay na halik sa kayang leeg at lamas sa kanyang dibdib. Ang mga labi naman ni Enzo ay nakarating na sa cleavage ng dalaga. Masuyong hinahalikan ang pagitan ng dalawang matayog na mga bundok. Pansamantalang itinigil ni Enzo ang paghalik bagamat patuloy pa rin ang ginagawang paglamas sa suso ni Liz. Wala pa ring ibang tao maliban sa kanila. Ibinalik niya ang paghalik sa puno ng leeg ni Liz. Biglang ipinasok ang kamay sa leeg ng suot na t-shirt ng dalaga at inilabas ang suso na kanina pa nilalamas. Pagkalabas na pagkalabas ng suso ay biglang isinubo ni Enzo ang utong ng dalaga. Lalong lumakas ang ungol ng dalaga. Salitang ang ginawang pagdila at pagsipsip sa matigas na utong na nasa loob ng kanyang bibig. Lumakas pa ang ungol ng dalaga.

Balak na ni Enzo na ilipat ang mga labi sa kanang suso ni Liz ng makarinig siya ng tunog mula sa mga paparating na tao. Ipinasok niya sa loob ng damit ng dalaga ang nakalabas na suso at muling tumabi sa nobya. Nakangiti ng pilyo sa nobya nang dumaan sa harapan nila ang ilang estudyante na namamasyal din. Isang pino at masakit na kurot naman ang iginanti ng dalaga sa tagiliran ng binata.

Tumayo ang dalaga at lumapit sa mababang pader na nakaharap sa ilog. Si Enzo naman ay lumapit at niyakap mula sa likuran ang dalaga. Nang mapansin na wala na sa paningin ang mga istorbong estudiyante ay dalawang kamay ang ginamit para masahin ang dalawang suso ng dalaga. Pinigil ni Liz ang mga kamay ng nobyo. Tama na raw. Bago pa lang daw silang magnobyo pero iba na ang ginawa ni Enzo. Nahihiya man ay umamin naman ang dalaga na nasarapan siya sa ginawa ng nobyo pero masyado raw mabilis. Nakahawak si Enzo sa balakang ng... Read More

About the Author :

Joined: September 2, 2015 (1 year old)
Writings: 9

Send PM · Male · Offline

1 comment   1 favorite   2,204 views