Premonition?

July 6, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: ,

Minsan nasa babae din ang problema eh! Puro kayo hinala! Nagpapabulag sa nakikita ng mapang-husgang mata, nagpapakabingi sa maling dinig ng tenga! Mga tsimisan na pilit tinatangkilik imbes na iwasan!

Kayo din naman ang nagpapabigat sa inyong puso eh! Kayo lang din ang gumagawa ng sarili nyong problema at pasanin. Agad na pinapaniwalaan ang nasagap na balita, samantalang hindi naman sila journalist! Uunahin ang sinigaw ng utak, hindi tuloy narinig ang binulong ng puso!

Ang mahirap pa sa inyong mga babae, kapag sinabing wala, hindi kayo naniniwala! Anlabo nyo! Tumatalon sa konklusyon dahil hindi makuntento sa eksplanasyon!

Itinatak na sa sarili na malakas ang instinct, pinapaniwalaan na ang bawat kutob ay totoo! Anlabo talaga! Samantalang ang kutob nararamdaman lang kapag nakapag-isip na ng masama! Hindi kayo mga propeta o manghuhula! Hindi lahat ng instinct nyo ay tama! At hindi lang kayo ang may instinct!

Punong-puno kayo ng pagdududa, hindi nyo napapansing natatapalan at nabubura na nito ang pagtitiwalang meron kayo! At sa puntong yon, sisimulan nyo na ang pang-iimbistiga, hindi titigil hangga't walang nakakalap na ebidensya, hindi hihinto hangga't hindi naisasakdal si lalaki!

Nagpapaka-praning sa sariling kabaliwan, napaparanoid sa sariling multo! Hindi kaya niloloko nyo lang ang sarili nyo?!

Mag-iimbento ng kwento para mahuli si lalaki, at kapag may nasabing ayaw nyong marinig, nagagalit agad kayo at mang-aaway! Anlabo talaga! Kayo lang din naman ang sumasagot sa sarili nyong pag-interrogate!

Bakit nga ba pilit nyo kaming pinapa-amin gayong wala naman kaming dapat aminin?!
Kapag sinagot kayo ng "wala!", iiyak kayo at ipipilit pa rin na meron, at kapag sinagot kayo ng "meron", iiyak na naman kayo at lalong magiging kompikado ang lahat! Josko! Saan kami lulugar huh?!

Itinatak na kasi sa isipan nyong mga babae na lahat ng lalaki pare-pareho lang! Na walang lalaking matyatyaga sa isa, titikim at titikim parin ng ibang putahe. Wala kayong ibang pinapaniwalaan kundi ang instinct nyo! Puro negative vibes naman ang dulot! Paano kung mali pala ang hinala nyo? Paano na nga ba?! Nasaan na nga ba ngayon ang pag-ibig nyo?!
Hindi porke ginagawa ng iba, eh ginagawa na din ng lahat!

At paano kung totohanin naming mga lalaki ang bawat hinala nyo ha? Tutal pareho lang naman eh, mambabae man kami o hindi, iisa pa rin ang tingin nyo sa amin, kaya mas mabuti pang totohanin na lang!

Kapag tinotoo, sa tingin nyo ano'ng mangyayari huh?! Diba't iisa lang ang kapupuntahan?! Oo, tama, sa hiwalayan magtatapos ang lahat! At sino ngayon ang sisisihin? Syempre si lalaki na nambabae, pero sa totoo lang kayong mga babae din naman ang may kasalanan, kayo rin ang dahilan ng aming pambababae.

"Hindi ba pwedeng sarilinin nyo muna ang hinala? Hindi ba pwedeng itago nyo muna ang pagdududa? Kapag nahuli nyo sa akto, o may sapat na kayong ebidensya, pwede bang dun nalang kayo magalit at dun kayo magdesisyon?"

Walang maidudulot na maganda ang paghihinala at maling-bintang, at kung talagang malakas ang pakiramdam nyo na nambababae si lala... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
39 comments   1 favorite   1,610 views